Chapter 53

900 96 10
                                    

A simple wedding is the most memorable for Rafael. Ginanap ang simpleng kasal nila ni Zeid sa isang napakagandang hardin na napili nila ni Zeid. Nasaksihan ng kanyang-kanya pamilya ang kanilang kasal. Masaya siya na pasamantalang pinayagan ang kanyang ama na makalabas upang masaksihan nito ang kanyang kasal at maihatid siya sa altar.

Walang mapaglagyan ang kaligayahan niya ng mga oras na iyun. Hindi niya kailanman na naisip na mararanasan niya ang ganitong napakagandang eksena sa buhay niya kapiling ang lalaking napakaespesyal sa mundong ginagalawan niya.

Matamis ang ngiti na gumuhit sa mga labi niya saka hinaplos ang may umbok ng tyan niya. Nasasabik na siyang makita ang nasa sinapupunan niya. Ang anak nila ni Zeid. Mas lalo lumaki ang ngiti sa mga labi niya ng mapag-alamanan niya na kambal ang dinadala niya na hindi pa alam ni Zeid.

"Sigurado ako matutuwa ang Dada niyo kapag nalaman na kambal kayo,"mahinang kausap niya sa sarili habang hinahaplos ang tyan niya.

Bahagya siya napakislot ng may dalawang braso na gumapang sa katawan at pumulupot iyun sa harapan niya. Napabuntong-hininga siya ng maramdaman ang init ng katawan ng kanyang asawa na nakayakap sa kanya mula sa likuran niya.

Humaplos ang isa nitong palad sa tyan niya.

"Naiinip na ko makita ang baby natin,"usal ni Zeid.

Bahagya siya natawa. "Ako din naman pero ilang buwan pa hihintayin natin,"tugon niya rito.

"Kailan pwede malaman ang gender niya?"bigla nitong tanong.

"Sabi ni Dok,dalawang buwan pa hintayin bago makita ang gender eh,"sagot niya rito. Limit kasi sa kaalaman nito na nagpatingin siya upang malaman ang kalagayan ng baby niya habang nasa duty ito.

"Hmm,babae man o lalaki sigurado ako maganda at pogi! Mana satin !"anito sabay tawa.

"Wala naman duda dun noh,"sang-ayon niya sa sinabi ng asawa at mapanabay na tumawa sila sa huli.

"Kung lalaki man magiging baby natin sana di siya babaero,"untag niya. Napabaling ng mukha si Zeid sa kanya.

"Aww,pinagsisihan ko naman na naging playboy ako eh,"anito sabay simangot. Natawa siya sa naging reaksyon nito. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Sus,sa gwapo mong yan need mo yan ishare,"aniya sabay ngisi na lalo kinasimangot nito.

"Tsk,"palatak nito na kinatawa niya.

"Kapag babae naman at ubod ng ganda ang baby natin sisiguruduhin kong nguso ng baril ko ang unang haharapin ng magtatangkang manligaw sa anak natin,"saad ni Zeid na kinalaki ng mga mata niya.

"At sana hindi siya magpabully sa Dada niya,"tugon niya sabay taas ng isang kilay niya rito. Hindi makapaniwala na napaawang ang bibig nito.

"Sabagay bilis nga ko naunder ng Mama niya eh,"komento nito sa huli na kinangisi niya.

Hinalikan nito ang balikat niya saka pinaharap siya nito. "Halika na,pahinga ka na,"anyaya na nito sa kanya.

"Maaga pa naman saka gusto ko pa sumagap ng sariwang hangin,"kontra niya.

"Okay,babalikan kita pagkatapos ng sampung minuto. Ihanda ko lang ang gatas mo,okay?"

Agad na tumango siya. "Okay,"tugon niya.

Hinalikan nito ang noo niya saka ito umuklo upang halikan ang tyan niya.

"Mahal ko kayo,"saad nito saka bumalik sa loob ng bahay.

Nakangiti na sinundan niya ng tingin ang asawa saka ibinaling ang tingin sa kapaligiran na tanging ilang ilaw sa paligid ang siyang panglaw lang. Tiningala niya ang kalawakan na nakukumutan ng mga bituin.

Kinabukasan,napaigik siya ng maramdaman ang pananakit ng tyan niya. Kinalma niya ang sarili at huwag pangunahan ng panik at takot. Sinabihan naman siya na magiging maselan ang pagbubuntis niya dahil late na siya maglilihi.

Ilang beses niya pinuno ng hangin ang dibdib saka siya maingat na bumangon mula sa pagkakahiga niya. Maaga bumangon si Zeid upang mag-ehersisyo na routine nito gawin araw-araw. Nang  makasandal siya sa headboard ng kama muli niya pinuno ng hangin ang dibdib saka hinimas ang tyan niya.

"Okay lang ako mga anak ko basta safe kayo dyan,hmm?"usal niya habang hinihintay na umayos ang pakiramdam niya. Bahagya siya napangiwi ng humilab ang tyan niya.

Ganito pala ang pakiramdam na kambal ang nasa sinapupunan mo at natitiyak niya na hindi lang ordinaryong sangol ang nasa loob. Bahagya siya napangiti roon. Very special babies.

Humugot siya ng malalim na hininga na siyang dinatnan ni Zeid.

"Okay ka lang ba?"may pag-aalala nitong tanong na may pagmamadali na lumapit sa kanya.

"Humihilab lang siya,"amin niya sa asawa.

"Mabuti pa magpatingin tayo ulit sa doktor,"may pangamba na mahihimigan sa boses nito.

"Hindi na,Mahal..normal lang 'to..saka alam ko naman na di lang basta sanggol ang nasa tyan ko,"saad niya sabay ngiti rito.

Hindi nagbago ang anyo ni Zeid bakas pa rin ang pangamba at pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Inabot niya ang mukha nito at hinaplos ang maligasgas nitong pisngi dahil sa papatubong balbas nito.

"Huwag ka ng mag-aalala. Malakas ako,"untag niya kay Zeid.

Napabuga ito ng hininga. "Hindi ko maiiwasan yun lalo na ...hindi lang basta baby ang nasa tyan mo,mahal,"anito.

"Zeid,hindi naman pormang lobo literal ang nasa tyan ko,"tugon niya na kinamaang nito. Tinawanan niya ito sa reaksyon nito sa sinabi niya.

Nginisihan niya ito. Binalik niya sa tyan ang kanyang kamay.

"Kaya kong magtiis anuman mangyari maging ligtas lang ang mga baby natin hanggang sa maisilang ko sila,"usal niya.

"Ano?"

Napabaling siya ng tingin kay Zeid sa tanong nito saka niya natanto ang nasabi niya.

"M-mga baby?"

Tumango siya. "Surprise sana pero nasabi ko na,"nanghihinayang na saad niya.

Napakurap-kurap si Zeid. "Huwag mo akong binibiro,Mahal!"

Nagsalubong ang kilay niya rito. "Sa tingin mo nagbibiro ako?"may panghahamon niyang tugon rito.

Napatayo ito saka nagparoo't-parito ng lakad sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo?"untag niya rito.

Napahinto lang ito sa paglalakad ng magsalita siya.

"Kambal ang anak natin?!"

Napabuntong-hininga siya. "Oo nga,"tugon niya rito.

Muntik na siya atakehin sa puso ng bigla na lamang ito mag-anyong lobo saka ito nagpaikot-ikot.

Napailing na lang siya sa nangyayari ngayon sa asawa.  Sa sobrang tuwa nito napalabas ang totoong katauhan nito upang ipakita kung gaano ito kasaya.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now