Chapter 11

948 97 6
                                    

Natigilan si Zeid ng magising ang wolf instinct niya. Segundo lang ng bigla may malakas na pagsabog ang pumainlanlang sa di kalayuan. Agad na naging alerto si Zeid at nagkagulo na ang lahat sa malakas na pagsabog.

"Umalerto kayo,walang aalis sa pwesto niyo!"saad niya sa suot na earpice na nakakonekta sa mga tauhan niya na siyang nakabantay sa buong lugar kung saan nangyari ang pagsabog.

Habang nakikipag-usap siya sa linya agad na pinuntahan niya sa loob ang dalagang mayora.

"Capt.Zeid!"takot na takot na salubong sa kanya ng kapitana.

Kailangan niyang huminto sa paghakbang upang harapin ang kapitana na bakas ang takot kasama ang alalay nito.

"Kalma lang kayo. Ligtas ang lahat na nandito nasa malayo ang pagsabog pero wala kayo dapat ipagbahala nakaalerto na ang mga sundalo ko,"pagpapanatag niya sa mga ito.

"We're so scared,Capt,Zeid!"takot na takot na turan ng kapitana.

Bago pa man tangka na yumakap sa kanya ang kapitana naging mabilis ang kilos niya pasalubong kay Rafael na kalalabas lang ng opisina nito at makikita ang pangamba sa mukha nito.

She's so brave..

Yes,pangamba ang nakikita niya mula rito.

"May casualty bang nasaktan?"agad na tanong nito sa kanya.

"Katatanggap ko lang ng report wala naman nasaktan,Mayora,"sagot niya rito.

Napabuga naman ito ng hangin na tila gumaan ang pakiramdam nito ng malaman na wala nasaktan.

"Thank,God.."usal nito.

"Are you okay?"masuyo niyang tanong at namalayan na lamang niya na nakahawak na siya sa braso nito.

Napasulyap roon ang dalaga at mabilis naman nito naibalik ang tingin sa kanya pero hindi niya inalis ang pagkakahawak niya rito.

He care for her kahit alam nakikita niyang isang matapang na babae ito.

"I'm okay,Captain,"usal nito sa mahinang boses.

"Capt.Zeid!"paglapit ng kapitana sa kanila.

Agad na naging pormal ang anyo ng Mayora pagkalapit ng kapitana at kinailangan niyang bitawan ang pagkakahawak rito kahit ayaw pa niya.

"Sige,balik lang ako sa loob ng opisina,Kapitana..baka tumatawag sina mommy,"paalam nito na hindi tumitingin sa kanya.

Bago pa man siya makaapila na samahan ito may nagsalita sa suot niyang earpiece.

Agad na sinagot niya iyun. "Pupuntahan ko,"saad niya sa pinalidad na tono.

"Pasensya kailangan ko puntahan ang pinangyarihan ng pagsabog,"untag niya sa kapitana na hindi na umalis sa tabi niya.

"Iiwan mo kami? I mean,si Mayora?"tugon nito sa kanya.

"May mga sundalo naman ako na magbabantay sa inyo,"agad niya sagot.

Aapila pa sana ang kapitana pero naagaw nito ang atensyon sa pagtawag ng kung sino sa celpon nito at iyun ang pagkakataon na iwan niya ito.

Agad na tinawag niya si Riel.

"Big boss?!"pagsaludo nito sa kanya.

"Ikaw na muna bahala rito..si Mayor Rafael,"istrikto niyang command dito na agad naman nito sinagot.

"Sir! yes! Sir! "

Sakay ng big bike niya mabilis na narating niya ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Agad na sinalubong siya ni Commander Rodes.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt