Chapter 39

1K 103 6
                                    

Walang ibang nararamdaman si Rafael ng mga oras na iyun habang nasa harapan nila ang dating heneral na matalik na kaibigan ng kanyang ama. Isang dating kaibigan at pinagkakatiwalaan na nagkaroon ng lamat dahil sa isang kamalian. Walang emosyon ang mukha ng matandang heneral tila mas lalo pa ito tumanda sa paningin niya kaysa ng huli niya ito nakita.

"Alam kong...walang kapatawaran ang nangyari kay Gina.."untag ng kanyang ama na buong tapang na nakipagtitigan sa dating kaibigan.

"Dalawang buhay ang inagaw niyo sakin,"mariin at puno ng suklam na saad ng dating heneral.

Sumisikip ang dibdib niya sa nakikitang pighati sa mga mata ng dating heneral na agad na napalitan ng poot at galit.

"Hindi.."pag-iling ng kanyang ama at mariin na pumikit. Agad na binundol siya ng kaba at pangamba sa kung ano man ang magiging reaksyon ng dating heneral sa oras sabihin ng kanyang ama ang tungkol sa anak nito.

Marahas na paghugot ng hininga ang ginawa ng ama saka ito nag-angat ng tingin sa dating kaibigan. Pinigilan niya kaagad na maging emosyunal ng makita ang pamumula ng mga mata ng kanyang ama.

"B-buhay a-ang anak mo,Felipe.."

Napigil niya ang paghinga niya ng sa wakas ay isiwalat ng kanyang ama ang tungkol sa anak nito.

Ang malamig at galit na makikita sa mukha ng dating heneral ay nahalinhan ng pagkalito.

"B-bago pa malagutan ng hininga si Gina..n-naisilang na niya ang anak niyo,"hirap na saad ng kanyang ama marahil sa pagpipigil nito na tuluyan kumawala ang pinipigilan nitong pag-iyak. Kitang-kita niya ang pagsisisi at guilt sa mukha ng ama na siyang nagpapasikip muli ng kanyang dibdib.

Halos mapatili siya ng bigla na lamang sunggaban ng dating heneral ang kanyang ama at mariin na hinaklit nito ang unahan ng suot ng damit ng kanyang ama. Binalot siya ng takot sa nakikitang galit at poot sa mga mata ng dating heneral pero ang kanyang ama ay hinahayaan lamang ang huli sa pinakita nitong reaksyon. Nakaantabay naman ang dalawang pulis sakali man may gawin ang dating heneral na mas bayolente at kahit na nakaposas ito ay hindi siya sigurado na hindi ito makasakit.

"Anong sinabi mo?!"mariin at puno ng panganib na usal ng dating heneral. Nanglilisik ang mga mata nito sa galit.

"Buhay ang anak ko?!"paglakas na ng tono nito muling pagsasalita.

"Sabihin mo! Buhay ang anak ko?!"

"Buhay po ang anak niyo..at magkasabay po kami lumaki dalawa,"wika niya na nagpabaling ng tingin nito sa kanya. Ang mga mata nito na puno ng galit ay ngayon nasa kanya na.

May takot man siya nararamdaman nilakasan niya pa rin ang loob. Nandito siya upang itama ang mali.

Pinuno niya muna ng hangin ang dibdib saka muli siya nagsalita.

"Isa rin po siya sundalo gaya niyo,"saad niya.

Dahan-dahan binitawan nito ang kanyang ama.

"Alam mo?"mariin nitong usal.

Ipinikit niya ang mga mata saka muli nagmulat at buong tapang na sinalubong ang galit na tingin ng dating heneral.

"Kailan ko lang po nalaman ang tungkol sa...nangyari sa inyo ni Daddy."seryoso niyang turan. "Noon ko lang din po nalaman ang tungkol sa anak niyo. Hindi ko po malalaman ang tungkol sa nangyari noon kung hindi ko sinasadya na makita ang isang larawan na magkasama kayo tatlo na may sulat sa likod mula sa inyo,"saad niya sabay baling sa ama na tahimik lang at agad na nagbaba ng mga mata. Muli niya niya ibinalik ang tingin sa dating heneral.

"Nasaan ang anak ko?"mariin man ngunit nasa mahinang tono iyun.

"Derin..Derin po ang pangalan ng anak niyo,"saad niya pero hindi niya inaasahan ng bigla na lamang matumba sa kinauupuan nito ang dating heneral. Tinanong ito ng isang pulis kung okay lang ito pero hindi umimik ang dating heneral. Mariin na pinagkuyom nito ang maugat nito mga kamao na nasa ibabaw ng lamesa at walang anuman na pinaghahampas nito ang lamesa.

Natakot siya sa nakikitang galit ng dating heneral. Mabilis na pinigilan ito ng dalawang pulis pero patuloy sa pagsigaw ang dating heneral. Mabilis na pinalis niya ang mga luha na bumagsak sa kanyang magkabila pisngi.

Masakit para sa kanya na makita ang dating heneral na halos tatlong dekada na wala itong kaalam-alam na buhay pa pala ang anak nito at buong buhay  nito na pinaniwalaan na kasama ang anak na namatay sa pagkamatay ng asawa nito. Masakit sa kanya dahil kung siya ang nasa katayuan nito hindi lang galit,poot at pagsuklam ang mararamdaman niya sa mga taong sumira sa pamilya nito kundi wala rin iyun kapatawaran pero...paano ang kanya ama?

Tama ba na hindi na ito patawarin ng dating kaibigan? Kung siya ba ang tatanungin mapapatawad ba niya ang ama?

Agad na pinigilan niya na muli maiyak kailangan niya maging matatag. Kailangan nila harapin ang katotohanan at pagbayaran ang nagawang mali.

Bilang anak ng taong sumira sa pamilya ng iba..ipagdadasal niya na sana ay matapos na ang lahat na malagpasan nila ito. Kahihiyan man ang kapalit at masira ang prinsipyo nila ang mahalaga maitama ang dapat itama. Pagbayaran ang dapat pagbayaran.

Wala sila imikan mag-ama ng makalabas sila. Halos hindi pa kumakalma ng dating heneral ng minabuti ng mga awtoridad na ibalik na sa kulungan ito.

Sinalubong naman sila kaagad ni Zeid ng makita sila mag-ama.

"May nakausap na po ako para sa pagpafile niyo tungkol sa kaso,"untag ni Zeid sa ama pagkaraan magbatian ang mga ito. Nanatili lang siya tahimik.

"Salamat,Capt.Zeid..ayoko na sana kita maabala pa tungkol sa bagay na ito,"saad ng ama sabay sulyap sa kanya. Kitang-kita ang kahihiyan sa mga mata ng ama.

"May maitutulong naman ako,Tito..gusto ko tumulong. Maayos din po ang lahat ng ito,"tugon ng kasintahan sa ama.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ng ama at sumulyap sa kanya pero kaagad din nagbawi ng mga mata. Marahil ramdam nito na isang kahihiyan rito na tulungan pa ito ng nobyo ng anak nito.

Hindi niya inisip na dapat ito mahiya sa binigay na pagtulong ng kasintahan niya. Gusto niya matapos na ito at may tiwala siya kay Zeid na hindi nito pababayaan ang kanyang ama sa anuman kaso na kahaharapin nito.

Wala siya sarili ng makasakay na siya ng sasakyan. Tahimik naman na pinakikiramdaman siya ni Zeid. Hindi nito kaagad binuhay ang makina ng sasakyan bagkus nakabaling ang atensyon nito sa kanya ng makaupo ito sa likod ng manobela.

Napasinghap siya ng kunin nito ang nakakuyom niya palad at dinala nito sa bibig nito upang patakan iyun ng munting halik.

"Magiging maayos din ang lahat,mahal ko..hindi ko pababayaan si Tito,okay?"masuyo nito sabi at sa pagkakataon iyun hindi na niya napigilan pa ang ilabas ang mga luha na kanina pang nagbabadyang kumawala.

"N-natatakot ako para kay Daddy...a-alam ko makukulong din siya..baka bigla na lang magkasakit si daddy,Zeid! Natatakot ako!"umiiyak niyang sabi. Wala na siya pakielam kung sa mga oras na iyun at para siyang bata na nagsusumbong habang umiiyak.

Hinila siya ni Zeid at kinulong sa maiinit nito mga bisig.

"Shhh..tahan na. Nandito lang ako. Wala ka dapat ikatakot hanggat nandito ako wala kayo dapat ikatakot.."alo ng kasintahan sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pagluha.

Hinayaan lang siya ni Zeid sa pag-iyak hanggan sa tumahan na siya.

Iniangat nito ang mukha niya. "Hindi ko kayo pababayaan,tandaan mo yan..mahal na mahal kita,"madamdamin saad nito sa kanya na muli nagpainit sa magkabila sulok ng mga mata niya.

"S-salamat..mahal na mahal din kita, Zeid.."mamaos-maos niyang tugon sa kasintahan.

May ngiti sa mga labi nito na masuyong pinatakan ng halik nito ang mga labi niya saka sinunod ang kanyang noo.

Napakaswerte niya dahil may isang tao na tulad ni Zeid ang nasa tabi niya ngayon. Mas lalo lumalalim ang pagmamahal niya rito dahil sa pinaparamdam nitong pagmamahal sa kanya at hindi rin lamang sa kanya kundi pati sa kanya mga magulang.

Sa oras na matapos ang lahat nito gagawin niya ang lahat upang mas higitan pa ang pagmamahal nito para sa kanya.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now