Chapter 34

742 90 8
                                    

Kinatok ni Zeid ang pintuan ng private office ng ama ni Rafael na si Tito Resty. Tinulak niya pabukas ang pintuan pagkatapos marinig ang paanyaya nito na pumasok siya sa loob.

Nasilayan niya ang mag-asawa na magkatabi sa likod ng mesa. Tipid na ngumiti sa kanya ang ginang at agad na binaling ang tingin sa katabi asawa nito.

Tita Ruth look so ashame. Hindi na siya nito nagawa pang biruin gaya ng nakasanayan na niya na ginagawa nito.

She so distant now. Kitang-kita niya ang pangamba at kahihiyan nito. Namamaga ang mga mata nito marahil sa pag-iyak nito.

"Tito.."

Nakaupo sa swivel chair si Tito Resty samantala nakatayo naman sa gilid nito si Tita  Ruth na nakababa lang ang tingin.

"Salamat sa paghatid mo sa kanya,Capt.Zeid,"tila pagod na turan nito sa kanya.

Nang mawalan ng malay ang dalaga agad na inihatid niya ito sa bahay ng mga ito upang mas makapagpahinga pa ito. Alam niyang sa sobrang emosyon nito kaya nagbreakdown na ito.

"Walang anuman,Tito.."magalang niyang tugon rito.

Kita ang pag-aanlinlangan nito sa kung anong bagay.

"May...sinabi ba siya sayo?"marahan nitong tanong sa kanya.

Nakita niya ang pagpisil ng ginanģ sa balikat ng asawa nito pero nanatiling  deretso ang tingin nito sa kanya.

"Nalaman niya ang tungkol sa lihim niyo,"deretsahan niyang tugon.

Nabagabag ang ginang ng sumulyap ito sa kanya pinukulan niya ito ng ngiti pero kaagad din ito nagbaba ng tingin.

Naikuyom ni Tito Resty ang mga palad nito na nasa ibabaw ng mesa nito.

"That case...magtatatlong dekada na mula ng maisara ang kaso,"malalim na saad ni Tito Resty.

Binalingan nito si Tita Ruth na nagpipigil lang na maging emosyunal.

"Magpahinga ka na,honey. Kailangan ko makausap si Capt.Zeid,"masuyo nitong turan kay Tita Ruth.

Tila napipilitan naman na tumango na lamang ang ginang kay Tita Resty.

"Goodnight po,Tita.."malugod niyang sabi rito bago pa ito makalagpas sa kanya.

"Goodnight.."mahina at naaalangan nitong tugon sa kanya ng matigilan ito sandali.

Pinukulan niya ito ng matamis na ngiti.

"Huwag po kayo masyado mag-iisip ng kung ano,Tita...sige kayo baka magkawrinkles kayo!"panunudyo niya rito upang pagaanin ang loob nito at maibsan ang pagkailang nito sa kanya.

Nagpigil lang ang ginang na matawa. Mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

"M-maiiwan ko na kayo ng Tito Resty mo,"anito at saka lumabas na ito.

Mabigat na buntong-hininga ang nagpabaling sa kanya kay Tito Resty.

"Hindi ako magmamali--"

"Hindi niyo na ho kailangan magpaliwanag,Tito.."agad na pagputol niya sa sasabihin nito.

Natigilan ito at sa huli mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

"Hindi ko kayo huhusgahan. Wala akong karapatan na husgahan kayo kaagad ng hindi naman napapatunayan,"patuloy niya.

"Naniniwala ka na...wala akong kasalanan?"maang nitong turan.

Isang ngisi ang pinukol niya rito.

"Kahit sino anak gagawin lahat upang maprotektahan ang kanila mahal sa buhay..nauunawaan ko po kayo kung bakit niyo ginawa yun,"aniya.

Titig na titig iti sa kanya. Tila ba hindi ito makapaniwala na mayroon isang taong naniniwala rito.

"Inosente kayo,Tito Resty.."

Kitang-kita niya ang panunubig ng mga mata nito.

"Labis ang paghanga ko kay Papa..siya lang ang tinitingala ko.."usal nito sa tono na tila binabalikan nito ang nakaraan. Nakatitig ito sa kawalan na tila ba nasa nakaraan ito ng mga sandali iyun.

"Tinitingala siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Malinis at patas lumaban . Paulit-ulit siya binoboto ng lahat dahil sa tapat na serbisyo niya..pero.."paghinto nito sa pagsasalita na tila ba ayaw na nitong maalala pa.

Ngunit kailangan niyang malaman pa ang malalim na dahilan nito bukod sa alam niyang inosente ito. Nang makatakas sila mula sa pagdakip sa kanila ng mga rebelde hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na hindi alamin ang ugat na dahilan ng dating heneral kung bakit ito nagrerebelde sa sarili nitong bayan hanggang sa matuklasan niya ang lihim na tinatago ng pamilyang Raviles.

"..pero hindi ko sinasadya na..malaman ang hindi magandang gawain ni Papa. Isang ilegal transaction ng mga armas. Hindi ko matanggap ang nalaman kong iyun hanggan sa ..hanggan sa madiskuber iyun ni Felipe. Isa siya naniniwala sa kabutihan ni Papa pero..dahil sa nalaman niya sa masamang gawain ni Papa doon na nagsimula ang alitan namin ni Felipe,"may pait nitong kwento.

Bumuga ito ng hininga sa mariin na pumikit at sumandal sa sandalan ng kinauupuan nito.

"Nagkalamat ang pagkakaibigan namin ni Felipe..hanggan sa malaman ni Papa na may kinalaman si Felipe sa pagbulyaso ng ibang transakyon ni Papa.."napakuyom ito ng mariin at tumitig muli sa kawalan.

"Ginawa ko ang lahat upang hadlangan si Papa...na..ipapatay si Felipe. Lumuhod ako sa harapan ni Papa. Nakiusap ako na huwag niya ipapatay si Felipe pero labis ang frustration ni Papa. Ayaw ni Papa na makarating ang tungkol dun sa nakakataas kaya..pinagplanuhan ang pagpapatumba kay Felipe,"anito. Mabigat para rito ang bawat salita na sinasabi nito.

"Nakiusap ako kay Papa...paulit-ulit pero hindi siya nakikinig sa akin..hanggan sa napuno na ko sa katigasan niya. Sinigawan ko siya sa galit ko. Pinagsalitaan ko siya ng hinding maganda. Lahat ng hinahangaan ko sa kanya ay nawala ng mga oras na iyun. Hindi iyun inaasahan ni Papa..inatake siya sa puso at labis ang pagsisisi ko. Ako ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Papa..nakoma siya. Hindi ko matanggap na ako ang dahilan pagkakoma ni Papa..pero ang mas masakit pa dun nagawa na isakatuparan ang pagpatay kay Felipe pero..si Gina ang napatay nila,"mahabang nito kwento at hindi na nito napigilan pang maging emosyunal.

"Sinugod si Gina sa ospital kung saan naroroon si Papa..bago pa mabawian ng buhay si Gina..naisilang pa niya ang anak nila ni Felipe.."luhaan ng turan nito.

"Natalo ako ng pagsisisi ko sa nangyari kay Papa kaya...kaya nagawa kong itago ang anak nila ni Felipe.."luhaan na patuloy pa rin nito.

"Ginawa ko ang lahat upang maitago ang totoong nangyari. Labis ang poot at galit ni Felipe ng malaman niya ang nangyari sa mag-ina niya. Hindi siya...hindi siya pinaniwalaan dahil..mabuti ang tingin ng lahat ķay Papa at...ginamit ko ang kapanyarihan ng pamilya ko upang malinis ang pangalan ni Papa na binibintang ni Felipe.."

Mataman na nakatitig siya kay Tito Resty. Humahagulhol na ito at kitang-kita ang pagsisisi nito sa nagawa.

Alam niyang mali pa rin  ang ginawa nito pagtakip sa kasalanan ng ama nito.

Tahimik na nilapitan niya si Tito Resty.

"Tutulong po ako sa inyo hanggang sa aking makakaya..alam ko pong pinagsisihan niyo ito mapasahanggang ngayon. Maiintindihan din kayo ni Rafael sa oras na maitama ang nagawa niyo,"pag-alo niya rito.

Batas pa rin ang tatama sa mali niya..

Malungkot para sa kanya ang nagawa ni Tito Resty pero kailangan pa rin nito panagutin at itama ang nagawa nito kamalian lalo na sa mag-amang Derin at ang dating heneral.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant