Chapter 32

887 99 8
                                    

Isinasaalang-alang ni Zeid na kababata ni Rafael ang papalabas na kapitan na si Derin. Hindi niya gugustuhin na magalit sa kanya ang kasintahan kung gagambalain niya ang pagbisita nito.

Huwag lang siya magkamali na saktan siya...

Naikuyom niya ang mga palad. Ngayon alam na niya na isa itong traydor hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa kung ano pa man na plano nito. Wala pa siya makuhang dahilan kung bakit ito nakikipagsabwatan sa mga rebelde.

Nais niya itong batiin pero ito na mismo ang lumapit sa kanya. Seryoso ang anyo nito at may halo iyun babala.

Tahimik na sumunod siya rito at sa likuran ng munisipyo sila nakarating ng kapitan.

"Hindi kita gusto para kay Rafael..hindi mo ba naisip kung anong posibleng panganib ang ibibigay mo sa kanya?"agad nito sabi na puno ng galit at babala ang mga mata nito sa kanya.

Kalmante lang siya na sinalubong ang matalim nitong mga mata. He cam read his mind pero hindi na niya gagawin yun dahil alam niya isa itong masamang tao.

"Ganun ba ang tingin mo sakin na ipapahamak ko lang siya?"saad niya na may ngisi sa mga labi.

Lalo tumalim ang mga mata nito sa kanya.

"Hindi nga ba? Baka nakakalimutan mo isa kang sundalo at mapanganib ang trabaho na meron ka! Ipapahamak mo lang siya!"mariin at pigil na mapalakas ang tono ng pananalita nito pero naghuhumiyaw ang galit at disgusto nito sa mga mata.

"Sa tingin mo hahayaan ko yun mangya--"naputol ang sasabihin niya ng bigla siya nito dambahin. Mahigpit na hinawakan nito ang harapan ng suot niyang camouflage jacket.

"Makinig ka,Capt.Zeid..hindi mo kilala kung sino ang makakalaban mo sa oras na ipagpatuloy mo ang pakikipagrelasyon mo sa kanya,"mariin at galit nito sabi.

Pinakita niya rito na hindi man lang siya nabahala sa pananakot nito. Malamig na anyo ang pinakita niya rito.

"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?"

Humigpit ang hawak nito sa harapan niya at kulang na lamang mauwi sa pisikalan ang pinapakita nitong galit sa kanya.

"Kababata ko si Rafael at pinangako ko na hindi ko papayagan na basta na lamang siya saktan ng kahit sino dahil sa oras na mangyari yun hindi ako mangingimi na pumatay para sa kanya,"buo diin nitong sabi.

"Sana ipinangako mo rin yan sa kapwa mo na siya dapat mong pinoprotektahan,"malamig niyang tugon.

Natigilan ito at nangunot ang noo. Nang makita ang naguguluhan nitong anyo napangisi siya.

"Nauunawaan ko ang galit mo dahil gusto mo protektahan si Rafael. Bilib ako dyan pero..."aniya sabay kalas niya sa pagkakapit nito sa damit niya at umatras.

Inayos niya ang harapan ng camouflage jacket niya na nalukot at saka nakangisi muli na binalik niya ang atensyon rito.

"Usapan lalaki sa lalaki,Capt.Derin...may gusto ka ba kay Rafael?"deretsahan niyang tanong rito.

Lalo ito natigilan. Mas lalo siya napangisi.

"Mauunawaan ko pa kung concern bilang isang kaibigan lang ang pagbabanta mo pero mukhang higit pa roon?"panghuhuli niya rito.

Napatiim-bagang ito.

Humakbang siya palapit rito at hindi niya hinayaan na makaimik pa ito. Inilapit niya ang bibig sa gilid ng mukha nito.

"Binabalaan kita bilang kasintahan ng kababata mo,Capt.Derin...sa oras na may gawin ka sa kanya ng masama hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka gamit ang mga kamay ko,"puno ng lamig at panganib na bulong niya rito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now