Chapter 42

736 89 10
                                    

Hindi na mapakali si Zeid mula ng mabasa niya ang pinadalang mensahe sa kanya ng kasintahan. Ayon rito nakipagkita ito sa kababata na si Capt.Derin. Hindi na nito naipaalam sa kanya pa bago siya umalis ng bahay dahil nagmamadali rin siya dahil sa biglaan pagtawag. Inatake sa puso ang dating heneral. Ayon sa doktor na sumuri rito ay nakaapekto sa dating heneral ang labis ng pag-iisip.

Mabuti na lamang ay mild heart attack lamang ang naranasan ng dating heneral.

Dumagdag pa sa alalahanin na nagbaba na ng utos ang korte nanidetain ang ama ng kasintahan dahil sa kaso na kinasasangkutan ng dating Mayor.

Gustong-gusto na niya tawagan ang kasintahan ngunit hindi niya magawa dahil nasa mahalagang diskusyon pa sila.

"Ayos ka lang ba,Capt.Zeid?"untag sa kanya ng ama ng kasintahan.

Kanina pa nga nito napupuna ang pagkaligalig niya.

"Nag-aalala ka ba dahil dumating na ang utos para harapin ko ang batas?"saad nito.

Napahugot siya ng hininga saka seryoso na hinarap ang ama ng kasintahan. "Magiging okay din po ang lahat,Tito.."sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Alam kong hindi mo pababayaan si Rafael habang nasa loob ako protektahan mo siya para sakin,"habilin nito sa kanya.

"Gagawin ko po yan kahit buhay ko pa ang kapalit,"mabilis niyang sagot na kinamangha ng ama ng kasintahan.

Naging maayos naman ang paghatid rito sa kung saan ito ipipiit habang hinihintay ang araw ng paglilitis.

"Huwag po kayo mag-alala,Tita..hindi magtatagal si Tito sa loob. Alam natin na biktima lang din siya ng pangyayari,"alo niya sa ina ng kasintahan na tahimik na umiiyak pero pilit na nagpapakatatag.

"Hindi ko alam kung ano ngayon mararamdaman ni Rafael ngayon nakakulong na ang daddy niya,"usal ng ginang.

"Alam kong masakit din para sa kanya ang mangyayari,Tita...pero kilala po natin siya,"tugon niya rito.

"Tama ka.."agad na sang-ayon nito ng maunawaan ang ibig niyang sabihin.

Nang matiyak na niyang maaari na niya iwan ang ginang agad na binilinan niya ang mga magbabantay rito saka siya nagpaalam na uuwi. Hindi na siya mapakali kaya habang nagmamaneho tinawagan niya ang kasintahan pero hindi iyun makontak.

Kalma ka lang baka wala lang talaga signal..

Inulit niya tawagan ang kasintahan pero ganun pa rin ang tugon sa kabilang linya.

Ayaw niya mag-isip ng kahit ano lalo na sa Capt.Derin na iyun.

Alam niyang hindi maayos ang huli nila pagkikita nila nito pero hindi naman siguro nito pangangahasan na gawan ng mali ang kababata nito.

Hindi. Tama. Hindi.

Panay ang lingap niya sa paligid lalo na sa restaurant na malapit sa bahay ng Ate Valerie niya. Iyun ang sinabi sa mensahe na pinadala ng kasintahan na magkikita ang mga ito sa pinakamalapit na kainan.

Pero napasukan na niya ang lahat ng kainan wala naman roon ang dalaga.

Baka nakauwi na..

Sinulyapan niya ang orasan sa hawak na aparato. Mahigit dalawang oras na rin mula ng matanggap niya ang mensahe ng kasintahan. Maaaring nga nakauwi na ito. Bago siya sumakay ng sasakyan tinawagan niya ang kanyang Ate Valerie. Ilang ring muna ang lumipas bago nito iyun sinagot.

"Ate,nakauwi na po ba si Rafael sa bahay?"agad na bungad niya sa pagsagot ng Ate Valerie niya.

"Tatawagan na sana kita kasi mahigit dalawang oras na rin mula ng umalis si Rafael baka pauwi ka na rin baka madaanan mo,kotse ko ang gamit niya.."

Agad na dinunggol siya ng kaba sa sinagot ng Ate Valerie niya.

Kalma..walang maidudulot ng mabuti kung pangungunahan ka ng panik..pagpapakalma sa kanya ng kanyang lobo.

Magsasalita sana siya ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na kotse na nakaparke sa kabilang kalsada. Ang kotse ng kanyang Ate Valerie.

"Zeid?"untag ng Ate Valerie niya sa kabila linya.

Ang kaba na naramdaman niya ay unti-unti nawala ng makita ang sasakyan ginamit ng kasintahan.

"Nakita ko na,Ate Valerie.."

Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito sa kabila linya marahil kinakabahan na rin ito.

"Okay,mabuti naman,"relief na saad nito.

Nagpaalaman na sila at agad na tumawid siya sa kabilang kalsada sa katapan na kainan na pinasukan niya kanina.

Sinulyapan niya ang kotse ng madaanan niya iyun saka pumasok sa loob ng restaurant. Agad na sinuyod ng mga mata niya ang kabuoan ng resto. Maraming kumakain at punuan ang loob. Isang palapag lang ang kainan kaya mabilis niya mahahanap ang mga ito pero hindi niya makita ang mga ito.

Muling nabubuhay ang kaba sa dibdib niya.

Kinalma muna niya ang sarili saka niya hinanap ang manager ng resto o kahit na sinong pwede niyang pagtanungan. Posibleng hindi niya makita roon ang kasintahan gayun nasa labas ang kotse na ginamit nito.

"Yes,Sir? Ano po maitutulong namin sa inyo?"agad na tanong ng may edad na babae na siyang manager ng kainan.

"Maaari ko bang makita ang CCTV?"deretsahan niyang sabi.

Hindi kaagad nakasagot ang babaeng manager at nag-aalinlangan ito base sa mukha nito.

Ayaw niya magsayang ng oras. Ayaw niyang ng negatibong pag-iisip. Wala ang kasintahan sa kainan na ito kasama ang Capt.Derin na yun.

Pinakita niya rito ang ID niya. Nanlaki ang mga mata nito ng mabasa ang nasaad roon. Kinabahan pa ito at kaagad na nagtawag ng sekyuridad na siyang magdadala sa kanya sa CCTV room ng restaurant.

"Anong oras po,Sir?"agad na tanong ng nagmomonitor ng CCTV.

"Bandang Alas otso,"agad na sagot niya. Mabilis naman tumipa ang lalaki at saka nagbackward ang CCTV sa oras ba sinabi niya.

Agad na nakita roon ang pagpasok ng kasintahan niya at sa ibang kuha ng camera ay nasa bandang dulo ang mga nakapwesto.

Nakangiti ang kasintahan ng umupo ito sa harapan ng nakatalikod sa camera na kababata nito.

Nakasumbrero ito at nakaleather jacket  ang kapitan. Kitang-kita ang saya sa mukha ng kasintahan habang kinakausap nito ang kababata hanggan sa itulak ng kapitan ang isang baso na may laman na inumin. Nakangiti na dinampot iyun ng kasintahan saka uminom. Wala naman kaduda-duda sa kinikilos ng mga ito kita sa imahe ng kasintahan na masaya ito na kausap ang kababata hanggan sa mapansin niya ang paghawak ng kasintahan sa noo nito.

Agad naman napatayo si Capt.Derin. Dinaluho nito ang kasintahan niya na nakayuko na.

May mali!

Naikuyom niya ang mga palad ng makitang inalalayan ng kapitan ang kasintahan sa pagtayo nito at kapunapuna ang tila hindi makalakad ng maayos ang huli kaya kailangan alalayan ito.

Mabilis na kinausap niya ang security na nakabantay sa labas.

Kinakalma niya lang ang sarili niya. Maraming posibilidad na maaaring mangyari.

"Ah,opo,Sir! Mukhang masama ho pakiramdam ng babae kaya po sinakay yung babae sa kotse nung lalaki,"inporma ng guard na siyang nakakita sa mga ito.

Hindi maganda ang kutob ko!

Huwag lang magkamali ang Derin na yun saktan si Rafael.

"Huwag mong susubukan ang kaya kong gawin sayo,Capt.Derin.."mariin niyang usal habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan niya.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now