Chapter 14

836 79 2
                                    

Tiningala ni Rafael ang nagsisitayugan na punong kawayan na siyang tumatabong sa sikat ng araw. Madilim pa ng simulan nila pasukin ang kagubatan paakyat sa Mt.Tibus. Tirik na ang araw.

"Gusto mo ba magpahinga muna?"pukaw sa kanya ni Capt.Zeid. Nakaalalay ito sa kanya. Hindi nito hinahayaan na masayaran man lang siya ng mga sanga sa paligid dahil agad nito iyun hinahawi para sa kanya. Ayaw raw nito masugatan siya at hinayaan na lang niya kaysa kontrahin pa niya ito. Ginagawa lang naman nito ang trabaho nito na protektahan siya.

Isang bagay na hindi niya inaasahan ay ang halos buhatin na siya nito dahil matarik na ang dinadaanan nila. Hindi naman siya makakontra dahil nahihiya siya sa limang kasama nila na nakasunod sa kanila at nakaalalay din sa kanya. Kung aarte pa siya matatagalan sila.

Binaba niya ang tingin sa kapitan na nasa harapan niya. Nakakamangha lang na hindi niya ito makitaan ng pagod o hingalin man lang samantala sila na mga kasama nito hinihingal na.

"Ayos lang. Tuloy lang para maaga tayo makarating sa tuktok,"sagot niya sabay patuloy muli sa paglalakad. Agad na umagapay ito sa kanya.

"Sabihin mo lang kapag gusto mo muna magpahinga,"habilin nito.

Tumango na lamang siya. Mayamaya pa ay napaigtad siya ng bigla nito hawakan ang siko niya.

"Saglit,"anito sabay sipat sa unahan. Bigla tuloy siya kinabahan. Nakadistansya naman ang kasama nila kaya hindi niya mawari kung bakit siya nito pinahinto. Hindi naman naglipat ang segundo bumalik ang kapitan.

"Bakit?"

"Pataas na tayo,"inporma nito sa kanya.

Tumango naman siya saka tinungo ang sinasabi nito. Tama nga ito pataas na ang aakyatin nila. Mabato at matarik pero alam niyang kaya niyang umakyat.

Nilingon niya ang kapitan na nakamasid lang sa kanya.

"Alright,Let's  go.."turan niya rito.

"Mauuna ako,"anito at mabilis ang kilos na nauna nga ito sa kanya.

Napabuga na lang siya ng hininga. Ewan ba niya nakakatuwa naman ang ginagawa nito pag-aalalay sa kanya pero nakakainis lang kaya naman niya eh!

Bago pa siya makaakyat. Inilahad nito ang kamay sa kanya para tulungan siya. Tinitigan niya ang nakalahad nitong kamay sa kanya.

"Kaya ko naman..sige na,"tanggi niya rito.

"Hindi,abutin mo na,"komando nito.

"Captain,kaya ko,okay?"

"Alam ko. Abutin mo na,"giit nito.

Imbes na makipagtalo pa rito hindi na lang siya kumibo at hindi pinansin ang gusto nito. Mag-isa siya umakyat na hindi inaabot ang kamay nito para alalayan siya.

Tinaasan niya ito ng isang kilay ng makaakyat siya at lagpasan ito pero kinailangan muli umakyat at gamitin ang lakas upang malagpasan ang mas matarik na dadaanan nila.

Napapailing naman na nilagpasan siya nito. Pinanuod niya ito habang umaakyat at kumakapit sa mga sanga na naroroon. Aaminin niyang namamangha siya na makitang parang wala lamang rito ang ginagawa kung siya nga kinailangan huminga muna ng malalim bago siya gumalaw pero ito kahit pigil ata ang hininga kayang-kaya nito.

Kung kaya nito kaya din niya. Siya kaya ang may gusto gawin ito kaysa sa suhestyon nito na sumakay na lang sa sasakyan panghihimpawid. Kailangan panindigan niya.

Tsk.

Sumunod na siya rito sa pag-akyat. Nakaabang sa kanya ang kapitan pero hindi niya hahayaan na makita nito na nahihirapan siya. Hindi naman niya inaasahan na mas mahirap ngayon umakyat.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now