Chapter 31

726 83 3
                                    

Akala lang ni Rafael sa bahay lang siya makakaramdam ng pagkapahiya sa panunukso sa kanya ng kanyang Mommy. Tahimik man ang kanyang Daddy pero nakikitukso rin ito sa mommy niya sa pamamagitan ng pagngisi nito sa kanya.

Ngayon lang din ata nagsink in sa kanya na magkasintahan na talaga sila ni Zeid. Pagkapasok niya ng munisipyo agad na sinalubong siya ng mga pasimpleng kilig ng mga empleyado roon lalo na makitang hinatid pa siya ni Zeid hanggang sa lobby.

Agad na binati siya ng lahat. Hindi niya inaasahan na alam ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Zeid.

"Dumaan po kasi dito si Madam at nasabi po niya na nagdate po kayo ni Capt.Zeid"kinikilig na sagot ng sekretarya niya ng tanungin niya ito kung bakit alam ng mga ito ang tungkol sa kanila ng binata.

Napabuga na lang siya ng hininga. Siguradong hindi lang sa munisipyo kumalat iyun!

Ang mommy talaga niya!

Napapahiyang nagpaalam na siya sa lahat para pumasok na sa opisina niya ng papasalubong sa kanya ang kapitana pero naputol ang tangka niya pagbati rito ng lagpasan lang siya nito na tila hangin lang siya na dumaan.

Natigilan siya sa inakto ng kapitana.

"Bitter yan,Mayora.."pabulong na sabi sa kanya ng sekretarya niya.

Maang na napabaling siya sa sinabi nito.

Hindi na siya kumibo pa at nagpatuloy na lang sa pagpasok sa opisina niya. Patapos na ang trabaho ng may kumatok sa pintuan niya at hinintay na bumukas iyun. Hindi siya nag-angat ng mukha sa akala na baka sekretarya lamang niya iyun.

"Rafael,"pagtawag sa kanya pangalan na kinaangat ng mukha niya.

"Derin!"surpresa niya na ito pala ang pumasok.

Seryoso ang anyo nito.

"Totoo ba ang narinig ko?"tanong nito kaagad.

Naguguluhan man pero kaagad nakuha niya kung ano ang ibig nito sabihin sa katanungan nito.

"Ahh,nabalitaan mo na pala..si Mommy talaga,"napapahiyang turan niya.

Nanatili pa rin ang seryoso sa mukha ng kababata. Bigla siya nakaramdam ng kaba sa pinapakita nitong ekspresyon.

Hindi ito masaya..mas tamang sabihin hindi nito iyun nagugustuhan.

Kilala niya ang kababata.

"Hindi ka ba masaya?"deretsahan niyang tanong rito.

Napabuntong-hininga ito. "Sigurado ka ba sa kanya? Hindi ko naman siya ganun kakilala pa,"patanong din nito sagot.

Hindi siya nakaimik.

"Huwag mo masamain ang tanong ko,Rafael..ayoko lang sa banda huli masaktan ka lalo na kung...ipagkakatiwala mo ang sarili mo sa tao na bago mo pa lang nakilala,"may concern nito sabi.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya sa sinabi ng kababata.

"Salamat sa concern mo,Derin..pero hindi ko naman ito papasukin kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko,"saad niya.

Agad na naalala niya ang mga huling salita na sinabi ni Zeid ng nakaraan gabi.

He said i love you to her. Hindi siya nakatulog ng maayos dahil dun tapos tutuksuhin pa siya kinabukasan pati sa pagdating niya sa opisina. Imbes na maasar masaya ang pakiramdam niya. May kilig na pilit lang niya pinipigilan.

"Yeah,you love in love with him,"pukaw sa kanya ng kababata na titig na titig sa kanya.

Napapahiyang natawa siya sa sinabi nito.

"Hindi ko pa man ganun kakilala si Zeid..alam kong hindi siya ganun, "pagtatanggol niya sa kasintahan sa kung ano iniisip ng kababata niya.

Nauunawaan naman niya ito dahil concern lang ito sa kanya.

Walang salita na tumango-tango na lang ang kababata at dahil parang nakakaramdam na siya ng pagkailanga agad na nagbukas siya ng bagong pag-uusapan hanggan sa makapag-usap na sila ng kababata na hindi siya nakakaramdam ng di kakomportablehan.

Sinamahan niya ang kababata hanggan sa labas ng hallway ng opisina niya ng magpaalam na ang kababata. Binati siya ng sekretarya niya na abala  sa harapan ng computer nito. Papasok na sana siya ng opisina niya ng tawagin siya ni Kapitana.

"Can we talk?"sabi nito saka siya tinalikuran at lumakad.

Nilingon muna niya ang sekretarya niya na maang na napatingin sa kanyan. Tipid na ngiti ang pinukol niya rito sabay kibit ng balikat.

"Mayora,tawagan mo lang ako kaagad kapag inaway ka niyan!"pabulong nito pahabol sa kanya.

Tinawanan niya ito. "Pasaway ka!"saway niya rito saka sumunod na siya sa tinahak ng kapitana.

Nadatnan niya ito sa recieving area. Wala naman tao na dun dahil patapos na rin ang work hours kaya sila lang ng kapitana na naroroon.

"Anong pag-uusapan natin?"mabait niyang tanong rito.

Nakahalukipkip ito na humarap sa kanya. May mapanghusga na tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Totoo ba ang tsismis nila na nagdate kayo ni Zeid kahapon?"agad na tanong nito.

Deretso niya sinalubong ang mga mata nito na may kislap ng pagtataray.

"Hindi naman dapat kumalat pa iyun pero si Mommy ang nagsabi,"tugon niya.

Tumaas ang isa nitong kilay. Nanatili ang mataray nitong anyo.

"Sinagot mo na o kayo na?"

Napakurap-kurap siya sa kateklasahan nito. Inaamin niya na ayaw niya nakikipaglapit ito kay Zeid lalo na kung masyado itong obvious na ipakita nito na may gusto ito sa huli. Masama na ba siya kung puputulin na niya ang pangarap nito na makuha ang puso ng kasintahan niya?

Napabuntong-hininga siya saka seryosong tingin ang pinukol niya rito.

"Sinagot ko siya kahapon,"deretso niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ng kapitana. Gumuhit ang pagkabigo sa mga mata nito na mabilis din napalitan ng...selos?

"Ng ganun kabilis?"panuya nitong tanong.

Mahina tawa ang kumawala sa mga labi niya at nakita niya na hindi iyun nagustuhan ng kapitana.

"Wala naman sa tagal at sa bilis kung kailan mo sasagutin ang isang tao na may pagtingin sayo...sinagot ko siya dahil alam namin sa isa't-isa na pareho kami ng nararamdaman. Hindi ako yung tipo na tao na magpapakipot pa kung alam ko naman may pagtingin din naman ako sa kanya,"pagsagot niya rito.

Inaamin naman niya naging pakipot din naman siya ng simula pero may dahilan siya. Si Zeid lang ang unang lalaki ang nagparamdam sa kanya ng hindi pamilyar na emosyon sa kanya lalo pa at hindi naman niya ito lubusan kilala at naparito lang ito sa lugar nila upang tumulong.

"W-well..k-kung ganun sana..tumagal kayo. Excuse me,may tatapusin pa ko sa opisina ko,"anito at nagmadali ng iwan siya roon.

Pinanuod na lamang niya ang pag-alis nito saka napabuga ng marahas na hangin.

"She's brokenhearted..pero wala naman ako magagawa kung ako ang mahal niya,"usal niya habang nakatanaw sa papalayo bulto ng kapitana.

"

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now