Chapter 40

910 98 5
                                    

Agad na nilingon ni Zeil ang pagbubukas ng pintuan ng banyo niya. Hinintay niyang iluwa niyun ang kasintahan habang nakatayo siya sa nakabukas na sliding door sa may balkonahe ng silid.

Isang nahihiyang ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga ng tuluyan ito lumabas roon. Agad na nalanghap niya ang mahalimuyak na amoy mula rito.

Kalma lang parang gusto mo ng lundagin ah...

Agad na nagpigil siya na matawa sa sinabi ng kanyang wolf. Gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi ng mapansin ng dalaga ang paninitig niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"sita nito sa kanya.

Sinandal niya ang kabilang balikat sa may gilid ng sliding door at pinagkrus ang mga braso sa harapan niya.

"Ang cute mo kasi...ikaw lang yung maganda na hindi confidence na maganda,"tuwiran niyang tugon rito.

Alam niyang napahiya ito sa sinabi niya kaya inirapan siya nito saka dumeretso sa harapan ng salamin upang magsuklay ng buhok na mamasa-masa pa.

Kapag mag-asawa na sila at araw-araw na makikita niya ito nag-aayos sa harapan ng salamin hindi siya maiinip dahil iyun ang magiging isa sa paborito niyang ginagawa nito.

Napukaw lang siya ng lumingon na ito sa kanya.

"Hindi mo ba ko tatanungin kung kinakabahan ako ngayon?"

Isang mahina tawa ang kumawala sa mga labi niya.

"Kamukha ko naman yung makakaharap mo mamaya,mahal ko.."nakangisi niyang sagot.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Kamukha mo nga pero iba pa rin sa pakiramdam kasi..pamilya mo yun,"nakasimangot nitong sabi.

Humakbang siya palapit rito at agad na kinuha ang isa nitong kamay at pinatakan ng halik ang likod ng palad nito.

Magkapagkit ang kanila mga mata.

"Hindi ka pa naman nila nakikilala tanggap ka na nila,"usal niya saka bumaba sa mapupula nito mga labi ang kanyang mga mata.

Kumibot ang mga labi nito at lalo lang tuloy siya natakam na tikman yun.

Dinig na dinig niya ang malakas na galabog ng dibdib nito.

"Pero..nahihiya ako kasi...dahil sa kinakaharap namin sitwasyon ngayon,"mahina nitong usal.

Agad na bumalik sa mga mata nito ang paningin niya at kitang-kita ang dismaya at pangamba sa mga iyun.

Pumulupot ang isang braso niya sa beywang ng dalaga saka niya ito marahan na hinapit upang maglapat ang kanila mga katawan. Pinatakan niya ng halik ang noo nito habang nakakulong ito sa mga bisig niya.

Gumanti naman kaagad ng yakap ang dalaga sa kanya at hindi maikakaila ang tunay nitong nararamdaman.

"Huwag ka mag-isip ng mga negatibo hindi ganun kababaw ang pamilya ko para hindi nila maintindihan ang lahat,"marahan niyang sabi na hindi maooffend ang kasintahan.

Humugot ito ng hangin at saka sinubsob ang mukha nito sa dibdib niya at hinigpitan niya ang yakap rito.

"Hindi ko lang maiwasan,"pabulong nitong sabi.

"Relax ka lang,hmm?"aniya saka hinalikan ang gilid ng ulo nito.

Magkahawak-kamay na lumabas sila ng silid niya pero bago pa nila marating ang hagdanan hindi na niya napigilan pa ang sarili na gawin ang kanina pa niya gustong gawin.

Nagtataka na napahinto ang dalaga sa paghakbang ng humarap siya rito saka walang sabi-sabi na nilapit niya ang mukha rito.

Maingat ang unang halik niya sa mga labi nito hanggang sa tumugon ito at naging demanding sa halik niya kaya binigay niya ang nais nito gustong-gusto naman niya. Kapwang habol nila ang paghinga ng maghiwalay ang mga labi nila.

"Ang sarap.."pilyo niyang usal.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng dalaga saka gumuhit ang pagkapahiya sa namumula nito mga pisngi.

"D-dami mong alam,"napapahiya nitong turan. Tumawa siya ng mahina.

"Totoo naman lalo na kung mahal mo mahal mo,"saad niya.

Umawang ang mg labi nito at lalo bumaha ang pagkapahiya nito sa pinagsasabi niya at siya naman ay aliw na aliw sa inaakto nito.

"Alam ko pero kailangan sabihin mo pa,"mataray nito sabi na kinatawa niya.

Agad na umiwas ito ng tangka niya ito yakapin. Humalukipkip ito sa kanya saka masamang tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Girlfriend mo na ko hindi mo na ko kailangan bolahin pa..kainis ka!"pagalit nito saad saka siya nilagpasan.

"Hindi naman bola yun eh!"pahabol niyang sagot.

Hindi siya nito nilingon tuloy-tuloy lang ito sa pagbaba ng hagdanan.

"I'm sorry,My love~~~"pakanta niyang sabi ng sumunod siya rito.

Tinakpan nito ang magkabilang tainga at umatake na naman ang kapilyuhan niya ng walang anuman na lumundag siya pababa ng hagdanan na kinagulat ng kasintahan.

Boang ka na talaga...

Binalewala niya ang reklamo ng wolf niya.

Salubong ang mga kilay ng dalaga sa ginawa niyang iyun. Nginisihan niya ito.

"Tumalon ka ba?"maang nitong turan sa kanya.

Lalo lumaki ang pagkakangisi niya rito.

"Paano kung masaktan ka sa ginawa mong iyun?"

"Sanay na ko sa ganun,nakalimutan mo ata sundalo itong boypren mo!"turan niya.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya.

"Ah ganun.."

Inasahan na niya ang sunod na ginawa nitong ng lumipad ang isa nitong kamao. Nagulat ito ng saluhin lang iyun ng isa niyang kamay.

"Mas mabuti pang ako ng manakit sayo eh noh!"pagalit nitong sabi saka binawi sa kanya ang hawak niyang kamao nito. Natatawang hinila niya ang braso nito para maglambing.

"Hindi na mauulit po,"usal niya sa malambing na tono.

"Huwag ka na magalit po,"patuloy niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Isip-bata ka pa rin?"

Sabay nila nilingon ng kasintahan ang nagsalita iyun at agad na napangisi siya ng makita ang asawa ng kakambal niyang si Zeil na si Karla.

Nakatikwas ang isa nitong kilay sa kanya.

"Bayaw ikaw pala?!"untag niya rito. Pinalibot niya sa beywang ng kasintahan ang isa niyang braso.

Bumaling ang mga mata nito sa katabi niya at mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha nito. Lumapit ito sa kanila saka hinila sa kanya ang kasintahan na tahimik lang.

"Marami ako ikukwento sayo tungkol sa kanya,gusto mo?"saad nito kay Rafael.

Aalma sana siya pero bigla sumulpot sa tabi niya si Zeid. Inakbayan siya nito. Nilingon niya ito.

"Hayaan mo na..para aware siya sa mga posible pang makita niya sayo,"anang ni Zeid sa kanya.

"Grabe kayo sakin! Ngayon na nga lang tayo nagkita-kita. Pinagkakaisahan niyo pa ko?"kunwa'y nasaktan niyang sabi.

Tinapik lang nito ang braso niya.

"Ganyan ka namin namiss,"anito sabay ngisi sa kanya.

Napailing na lang siya at saka lang niya binalik ang tingin sa dalawang babae na palabas na ng salas patungo sa may hardin.

Matatanggap kaya niya tayo sakali malaman na niya?

Naniniwala siya na wala pang mas malakas sa tawag ng pag-ibig sa kahit ano pa man pagsubok basta nandyan din ang pananalig mo na malalagpasan din iyun.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now