Chapter 25

861 94 12
                                    

Pagkagising niya ng umaga hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi ni Rafael. Susundan pa iyun ng eksena ng nakaraan gabi lang. Tahimik habang yakap siya ni Zeid mula sa likuran niya. Komportable at ligtas ang pakiramdam niya ng mga oras na yun na nakakulong siya sa mainit na braso ng binata.

Napabuga siya ng hininga ng muli gumuhit sa isipan niya ang eksena na yun.

Kalmante na sana siya pagkalabas niya ng kwarto at magtungo sa dining area nila ng salubungin siya ng ina.

"Kapag in love ka talaga,nagiging blooming,"mapanukso untag ng ina sa kanya na nagpatigil sa kanya sa tangka niyang pag-upo sa harap ng hapag-kainan.

Natigilan ang ama niya sa pagbabasa ng hawak nitong dyaryo at kunot ang noo na napatingin sa kanya at saka bumaling sa kanyang ina.

"Ano yun sinabi mo?"kunot ang noo na tanong ng kanyang ama sa kanyang ina na may mapanuksong ngisi sa mga labi nito.

Napahawak tuloy siya sa noo niya parang sasakit ang ulo niya ngayon.

"Inlab na ang unica hija natin!"

Napasimangot siya saka umupo sa upuan. Kalmante na kumuha ng pagkain sa harapan niya.

"Talaga?"

"Oo,honey! Nakita ko sila kagabi!"

Nabitawan tuloy niya ang hawak na tinidor na ikukuha niya sana ng hotdog ng marinig ang sinabi ng ina.

Nanlalaki ang mga mata niya na nag-angat siya ng paningin na nasa harapan niya. Nakangisi ang ina niya at maang naman nakatitig sa kanya ang ama.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata ng makaramdam ng pagkapahiya.

May posilibidad na may makakita sa kanila ng kapitan kagabi pero nawala na yun sa isip niya.

Napahugot siya ng hininga pagkaraan ng ilang sandali.

"Ma--"

"Sabi ko naman sayo,boto kami ng Papa mo kay Zeid!"pagputol nito sa pagsaway niya sana sa ina.

"Talaga? Kayo na ni Capt.Rostov?"mulagat na saad ng kanyang ama.

Muli siya napapikit ng mariin at napasandal sa sandalan ng inuupuan niya.

"Ma,Pa...h-hindi pa po..uhm,na...nanliligaw pa lang,"napapahiya niyang sabi sa magulang.

"Sagutin mo na,ikaw bata ka talaga! Pinapatagal mo pa..kitam mo si Kapitana kagabi? Naku,todo papuri kay Zeid sa mga magulang niya!"agad na sabi ng ina niya.

"Kulang na nga lang,pikutin si Zeid para sila magkatuluyan!"

Tumawa ang kanya ama sa sinabi ng ina niya na siya naman kinamaang niya.

Pikutin?!

Hindi naman ata tama yun!

"Advance ka naman mag-isip,honey..sa tingin mo naman hahayaan ni Capt.Zeid yun,"depensa ng ama niya.

Umismid ang kanyang ina. "Plastik na kung plastik pero kaulirat kagabi na gusto nila si Zeid kay Kapitana...kesyo sana si Zeid na yung lalaki na para sa anak nila,"anang ng kanyang ina.

Imbes na mainis siya sa nalaman iyun hindi niya napigilan matawa na kinatigilan ng kanyang magulang.

"Ah,sorry po,Ma..."

Tinaasan siya ng kilay ng ina sa inakto niya.

Alam niyang naoffend niya ito sa inakto niya.

Tumikhim siya at nginitian ang ina.

"Huwag po kayo mag-aalala,Ma..tignan na lang po natin kung sino sa amin dalawa ang pipiliin ni...Zeid,"saad niya na siyang nagpabago sa ekspresyon ng mukha ng ina.

Isang tili ang kumawala sa bibig ng ina saka siya dinamba ng ina ng yakap.

"Aww! Kinikilig ako! Dalaga ka na talaga,hija!"

Natawa na lang siya sa pinagsasabi ng kanyang ina at napailing na lang ang kanyang ama.

Inimbitahan siya ng ama sa private office nito pagkatapos nila mag-umagahan. Half day ang pasok niya sa munisipyo sa araw na ito kaya may oras pa para magkausap sila ng ama.

Seryoso ang ama niya na nakaupo ito sa likod ng mesa nito ng pumasok siya sa opisina nito. Agad naman ito nag-angat ng mukha ng makalapit siya sa mesa nito.

"Upo ka muna,anak.."nakangiti na nito turan.

Agad naman siya tumalima at naupo sa isang upuan na nasa harapan ng desk nito.

"May gusto po kayo pag-usapan?"agad na tanong niya.

Tumango ang ama saka muli naging seryoso ang anyo.

"Alam ko bago pa man na ipaalam mo sa akin ang gusto mo karera pinayuhan na kita na mag-aral ng self-defense or martial arts.."sagot ng ama.

Tumango siya kaagad.

"Gusto ko sana ipagpatuloy mo ulit yun,"anito.

Hindi na niya ulit napractice ang bagay na yun dahil naging abala na siya sa munisipyo.

"Tanda ko pa naman ang lahat,Dad.."tugon niya.

"Yes,alam ko,hija..pero iba pa rin kung sasanayin mo ulit ang sarili mo,"anang ng ama.

"At..sasabihan ko si Capt.Zeid na siya na mismo ang magtrain sayo ulit,"dugtong agad ng kanyang ama na kinatigil niya.

"Less hassle.."pagkibit nito ng balikat pero may nakita siyang kislap ng panunudyo sa dulo ng mga labi nito.

Naningkit ang mga mata niya sa pagpipigil ng ama.

"Dad...?"

Napabuga ng hininga ang ama niya. "What? Wala naman masama dun,"depensa nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. "Kayo talaga,Mama.."

Natawa na ang ama. "Basta magtrain ka ulit..alam mo hindi natin masasabi kung kailan sila ulit aatake at ayaw ko na maulit ang nangyari sayo last time.."seryoso na nitong sabi sa huli.

Tumango na lamang siya sa ama. May punto ang kanya ama pero kailangan ba bigyan niya ng malisya ang payo ng ama?

Aba nakakahiya ata siya kung ganun!

"Kailan mo gusto magsimula sa train mo?"untag sa kanya ni Zeid nang makasakay sila ng sasakyan patungo sa munisipyo.

Nakanguso na nilingon niya ang binata na may ngisi sa mga labi nito. Sinabihan kaagad ito ng daddy niya pagkarating nito kanina.

"Actually,duda ako sa ituturo mo eh,"sagot niya rito.

Natigilan ang binata pero kaagad din nakabawi ng tumawa ito sa sinabi niya at sinamaan niya ito ng tingin.

"Grabe ka naman sakin? Sa tingin mo ipapagawa ko sayo gaya ng mga pinagagawa ko sa mga team ko? Hindi ko gagawin yun..ako muna masasaktan bago ka masaktan,mahal ko,"depensa nito.

Siya naman ang natigilan sa huling sinabi nito.

Mahal ko?

Lumaki ang pagkakangisi nito sa nakita nitong reaksyon niya. Sandali inihinto nito ang sasakyan saka inilapit ang mukha nito sa kanya.

She's caught off guard sa biglaan nito paglapit kaya hindi na siya nakapagreak.

Pinatakan nito ng halik ang bahagyang nakaawang niyang mga labi.

"Kaya patay na patay ako sayo eh! "

Bago pa man siya matauhan muli nito pinausad ang sasakyan at natahimik na lang sa ginawa nito.

He kiss her!

Hindi man lang ba siya magagalit?

Dapat ba siya magalit?

Gusto naman niya eh!

Agad na nakaramdam siya ng init sa mukha niya ng maalala ang halik at parang nararamdaman pa niya sa bibig ang labi nito.

Napahigpit tuloy ang hawak niya sa bag niya na nasa kandungan niya.

Pasipol-sipol naman ito habang nasa unahan ang atensyon.

Ang bilis talaga ng mokong na ito!

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now