Chapter 26

808 90 12
                                    

Agad na nilingon ni Zeid si Rafael ng maramdaman ito sa likuran niya. Ang ngisi sa mga labi niya ay nauwi sa pag-awang ng mga labi.

Rafael just wearing a black sports sando na tinernuhan ng kulay puting jogging pants.

She look badass and sexy.

Sanay siya nakapormal ito na pinangpapasok sa opisina nito.

"What?"sita nito sa kanya.

Saka lang siya natauhan ng marinig ang boses ng dalaga.

"Ang ganda mo,"saad niya na muli may ngisi sa mga labi niya.

Hinagod niya ang kabuoan nito sa paraan ng puno ng pagkamangha at paghanga.

"Tsk,ewan ko sayo,Rostov"pag-irap nito sa kanya na kinatawa niya.

Rinig na rinig niya ang galabog ng dibdib nito.

"Hays,ang ganda talaga ng makakasparring ko! Baka matalo ako nito. Weakness ko pa naman,"wika niya na kinasimangot nito.

"Alam mo,hanap na lang siguro ako ng iba magtitrain sakin,"untag nito sa kanya.

"Huwag ganun! Ito naman naglalambing lang eh,pero totoo yun ah!"agad na sagot niya sa banta nito.

Umismid ito sa kanya na kinatawa niya.

"Ang ganda na napakacute pa!"

Mabilis na nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Alam niya kinikilig ito sa kanya.

Ewan ko sayo..tumataas ang balahibo ko sayo eh.

Tinawanan niya ang sinabi ng wolf niya at bago pa magtanong ang dalaga kung ano tinatawa-tawa niya agad na tumungo siya sa likuran nito.

"Hassle kapag nakalugay ang buhok..maaasiwa ka,"sabi niya ng sikupin niya ang mahaba nitong buhok.

"M-magtatali naman ako bago tayo magsimula,"awkward nitong sagot.

"Ako na magtatali,marunong ako!"pagmamalaki niya.

"Marunong ka?"may himig na sarcastic nitong sabi na kinatawa niya ng mahina.

Alam niyang may himig na pagdududa na naman ito.

"Oo..kapag umuuwi ako sa amin. Ako ang magtatali sa buhok ni ina kapag nakikita ko siya nagsusuklay,"may ngiti sa mga labi niyang sabi ng maalala ang mga eksena na iyun ng paglalambing niya sa ina.

Hindi na umimik ang dalaga hanggang sa matapos na niyang maitali ang buhok nito.

"Ayan! Hindi ba masyadong mahigpit?"pagtatanong niya rito ng humarap ito sa kanya.

"Tama lang,salamat,"mahina nitong sagot.

"Sabi ko sayo marunong ako eh!"aniya na sinabayan niya ng pagkindat.

"M-magstart na nga tayo!"mabilis na pag-iwas nito.

"Warm up?"

Tumango ito at saka sinabayan siya sa pagstretching pagkaraan sinimula na niya sabihin rito ang unang ituturo niya rito.

They did a hand to hand combat sa mabagal muna paraan upang makabisa nito at saka nila gagawin sa mabilisan paraan.

"Ready ka na to real fight?"may paghahamon niyang tanong rito.

"Oo naman,"mabilis nitong sagot.

Pumuwesto sila paharap sa isa't-isa at pumorma na upang simulan ang sparring nila ng dalaga.

"Figth with me for real,Capt.Zeid..i want a real fight with you,"mariin nito babala sa kanya.

Ngumisi siya sa katapangan nito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now