Chapter 37

850 96 7
                                    

Kanina pa balisa si Rafael. Katatanggap lang niya ang balita na hawak na ng mga opisyal ang dating heneral na siyang lider ng mga rebelde na nanggugulo sa bayan nila. Ang dating kaibigan ng kanyang ama. Paroo't-parito siya hindi niya makontak si Zeid at ganun din ang kababata niya. Magkasama kaya ang mga ito sa paghuli sa dating heneral?

Napatigil siya paglalakad ng bumukas ang pintuan ng opisina niya. Ang kanya ama at ina ang mga iyun.

Kinalma niya ang sarili na hinarap niya ang mga ito. Hindi niya gusto na maging malamig ngayon ang pakikitungo niya sa mga ito pero hanggat hindi naaayos ang lahat nasa panig pa rin siya ng tama.

"Luluwas ako ng Manila upang makaharap si Felipe at...ipaalam sa kanya ang tungkol kay Derin,"saad ng kanyang ama.

That's make her happy but she's still worried about her father. Sigurado siya na kailangan nitong harapin ang batas.

"Sasama ako..i want to talk to him...about Derin,"determinado niyang sabi na kinatigil ng kanyang magulang.

"Hija...baka delikado,"nag-aalala saad ng kanyang Mama.

"Bilang anak ni Papa na siyang dahilan kung bakit nagkalayo ang mag-ama nais ko personal na ihingi iyun ng kapatawaran,"matigas niyang tugon sa ina.

Nagbaba ng tingin ang kanyang ama. Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha ng kanya Mama.

"Kay Zeid ako magpapasama paluwas ng Manila,"saad niya na kinaangat ng mata ng kanyang Papa sa kanya.

Agad na iniiwas niya ang mga mata at pinatiling malamig ang anyo.

"Pwede ka naman sumabay sa Papa mo,hija.."apila ng kanyang Mama.

Binalik niya ang tingin sa mga ito. "Mas mainam na hiwalay kami ni Papa bumyahe para na rin yun sa safety natin,hindi naman natin alam kung nahuli ba ang lahat ng mga kasamahan ng dating heneral,"tugon niya sa Mama niya.

Hindi na umimik ang kanyang Mama at tumango naman ang kanyang ama na sang-ayon sa sinabi niya.

Tumikhim siya. Kanina pa namamagitan ang tensyon sa pagitan nila mag-anak.

"Magandang umaga po sa inyo!"

Magkakasabay nila nilingon ang bumati iyun at agad naman natuwa ang puso niya ng makita ang kasintahan. Magiliw nito binati ang kanyang magulang. Nakamasid lang siya sa mga ito. Makikita ang awkward sa kanyang ina na dati-rati ay sa tuwing magkikita ang mga ito para ang kasintahan pa niya ang anak nito kaysa sa kanya kung ituring pero ngayon nagbago na. Tahimik at may ilang na sa pakikitungo ang kanyang ina rito.

Lihim siya napabuga ng hininga. Kahit siya nahihiya siya sa kasintahan dahil sangkot sa malaking gulo ang kanyang pamilya. Ang akala niya na perpektong pamilya na kinabibilangan niya ay siyang dismaya niya. Nahihiya siya kay Zeid. Ano na lamang ang sasabihin ng mga magulang nito kapag nalaman ng mga ito ang bagay na yun?

May mukha pa ba siyang maihaharap sa mga ito?

Nakakahiya yun!

Pero dapat ba niya ikahiya ang kanyang ama?

"Magkita na lang tayo sa Manila."untag ng kanyang ama makikita ang lungkot sa mga mata nito na ngitian siya ng ama. Tahimik lang niya sinundan ng tingin ang papaalis na magulang niya.

Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa nakasara ng pintuan ng opisina niya.

"Ayoko talaga nakikita malungkot ang mahal ko,"saad ni Zeid na nagpabaling sa kanya rito.

Masuyo siya nito hinila at naglalambing na yumakap sa kanya. Unti-unti tinutunaw ng mainit nito yakap  ang mga samu't-saring emosyon na nararamdaman niya.

"Nandito lang ako kahit anong mangyari hindi kita iiwan..hindi ko kaya iiwan,"masuyo nitong sabi na siya nagpainit sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata.

"Sana..sana hindi ko na lang nalaman..ang..ang hirap,Zeid. Mabigat sa kalooban ko ang lahat na ito. Ang bigat sa kalooban ko na kailangan kong tikisin si Daddy. A-ang hirap. Nahihirapan ako.."sabi niya ng hindi na  napigilan pa ang sarili na ilabas ang nararamdaman.

Hinayaan siya ni Zeid. Tahimik lamang ito habang marahan na inaalo siya nito sa pamamagitan ng paghagod sa likuran niya ng magsimula na siyang humikbi.

"Matatapos din ang lahat ng ito,"mayamaya saad ni Zeid. Kinalas nito ang pagkakayakap sa kanya at kinulong sa pagitan ng mga palad nito ang mukha niya.

Hindi na niya alintanan kung nakakahiya man ang hitsura niya dahil luhaan siya. Humihikbi pa rin siya at mariin ang mga mata nito nakatitig sa kanya. Pinalis nito ang umaagos niyang mga luha gamit ang magkabila nitong hinlalaki.

"Alam ko mahirap ito para sayo. Si Tito Resty at si Capt.Derin..alam ko nahihirapan ka dahil sa kanila,"usal nito.

Hindi niya alam kung paano siya kumalma dahil namalayan na lamang niya hindi na siya umiiyak.

"Kahit anong mangyari,huwag na huwag kang magagalit kay Tito Resty. Nagkamali siya pero alam natin para lamang iyun protektahan ang mahal niya pero dahil doon nagdulot yun hindi maganda..hindi ko gusto na..mangyari din yun sayo. Hindi ko papayagan,"mariin nitong sabi.

May kung ano katanungan na namumuo sa isip niya sa huling sinabi nito. Tila ba may malalim na kahulugan iyun.

Bago pa man niya iyun isawika nahigit niya ang hininga ng lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya na halos nakakabingi na pero...ramdam na ramdam niya ang init at lambot ng mga labi nito.

Ang halik nito na parang iniaangat siya sa lupa.

Puno iyun ng damdamin..ng pagmamahal.

She return his kisses. Ginantihan niya ang halik nito ng puno din ng pagmamahal.

Kapwa nila habol ang paghinga at gusto niyang lumubog sa kinatatayuan sa kahihiyan.

Nakangisi na niyakap siya ng mahigpit ni Zeid at pinagdikit nito ang kanila mga noo. Parehong namumungay ang kanila mga mata.

"Mahal na mahal kita,Rafael.."usal nito na kinasinghap niya.

Ang mga salita iyun na ramdam na ramdam niya sa tuwing sinasabi nito ang mga iyun pero.. anong klase siyang kasintahan kung hindi man lang niya masasabi rin dito ang mga salita iyun?

"M-mahal na mahal din kita,Zeid,"usal niya na may piyok pa sa simula.

Natigilan ito at hindi makapaniwala napatayo ng tuwid. Agad na nag-iwas siya ng tingin rito pero hinuli nito ang mga mata niya kaya napasimangot siya rito.

"Mahal na mahal mo din ako?!"patanong nitong sabi na tila ba nagbibiro lang siya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ayaw mo ata eh,"pataray niyang sagot.

Bigla na lamang ito napasuntok sa hangin at umakto na para bang nanalo ito sa lotto.

Nang mahimasmasan ito saka ito humarap sa kanya na kalmado na pero kitang-kita ang kislap ng kaligayahan sa magaganda nitong mga mata.

"Kahit hindi mo sabihin yan araw-araw. Okay lang sakin! Alam kong mahal mo na ko nung pumayag ka ng maging nobya ko,"sabi nito.

Inabot nito ang isa niyang kamay at napasinghap siya ng may sinuot itong nakakamanghang singsing sa daliri niya. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya kay Zeid.

"Z-Zeid..."anas niya.

Ngumiti ito na may pagmamahal. "Huwag ka mag-aalala. Sa ngayon isang singsing ng pangako muna ito. Gusto ko isuot mo ito para tuluyan na ko maging isang parte ng buhay mo,"madamdamin nitong sabi.

Wala siya masabi. Marahil sa sobrang pagkamangha natulala na lang siya sa suot na singsing at manghang-mangha na nakatitig roon.

Isang kakaibang singsing na aakalain mo na hindi totoo. Tila iyun gawa sa malinaw na tubig at tila may kumikislap pa sa pinakaloob niyun.

Sigurado siya na hindi lamang iyun isang simpleng singsing o pinagawa lang.

Kakaiba iyun.

Sigurado siya na nag-iisa lang ganoon klase singsing sa mundo na suot niya ngayon.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now