Chapter 47

1K 100 14
                                    

May kaba at pangamba pa rin na nararamdaman si Zeid kahit na madali na naunawaan ng kasintahan ang isa niyang katauhan.

Normal lang ba na makaramdam tayo ng ganito?

Napabuga ng hangin si Zeid. Hindi ba iyun naman ang pinakakaasam niya na matanggap siya ni Rafael?

Muli siya napabuga ng hangin. Tahimik na tinatanaw niya malawak na kagubatan na tanaw na kinaroroonan niya. Nakaupo sa haligi ng tree house. Papalubog na ang araw at bago magdilim kailangan niya makabalik sa kanila munting tahanan kung saan nagpasya siya na iuwi ang dalaga sa kanila upang tuluyan ito makarecover hindi man sa pisikal kundi sa isipan nito. Gusto niya na lubos nito maunawaan ang kanyang pinagmulan.

Mabuti umuwi na tayo baka hinahanap ka na..

Pagkasabi niyun ng kanyang lobo agad na nakalapat sa madamong lupa ang kanyang mga paa at mabilis na nilisan ang mahiwagang talon.

Mabilis na bumabalik sa alaala niya noong bata pa lamang sila ni Zeil ng kanyang kakambal. Bago pa kumagat ang dilim dapag nasa bahay na sila kung hindi mapapagalitan sila ng kanilang mahal na ina kaya nag-uunahan sila ng kanyang kakambal sa takot na mapagalitan at hindi nila gugustuhin ni Zeil na magalit ang ina sa kanila dahil sa pagiging pasaway nila dalawa..pero ngayon hindi lamang ang kanyang ina ang kinakatakutan niya. Ang kanyang kasintahan. Dalawang babae na espesyal sa kanya.

Natanaw  na niya ang kanila munting bahay pero natigilan ng makita ang kasintahan na nakatayo sa labas ng bahay nila na tila may hinihintay ito. Tumigil siya sa paghakbang at ilang metro ang layo ay pinagmasdan niya ang kasintahan. Nakatanaw ito sa unahan na tila may hinahanap saka babaling sa ibang parte ng kakahuyan.

Agad na gumuhit ang isang ngisi sa mga labi niya. Ganito pala ang pakiramdam na makita na may naghihintay sayo.

Parang kanina lang hindi ka nag-emote ah..tudyo ng kanyang lobo.

Imbes na pansinin ang panunudyo ng kanyang lobo. He shifting to him.

Seryoso?

Tumindig ang kanyang anyong lobo at humakbang papalapit sa babaeng itinakda sa kanya.

Agad na natigilan ang kasintahan niya ng tuluyan na makalapit sila rito. Titig na titig ang mga mata nito sa kanyang anyong lobo.

Umihip ang hangin at banayad na tinatangay ang kanyang balahibong lobo. They still staring each other walang kumukurap.

Ang kaluskos ng mga dahon at sanga ng mga puno na siya nagbibigay musika sa kanilang paligid. Unti-unti umangat ang isang kamay ng kasintahan at awtomatiko naman ibinaba ng kanyang lobo ang mukha upang maabot ng dalaga ang nais nitong hawakan.

Ipinikit ng kanyang lobo ang mga mata nito ng banayad na humaplos ang kamay ng dalaga sa kalahati ng mukha nito. He feel her caress. Marahan at banayad. Nang imulat ang mga mata ng kanyang lobo nasilayan niya ang magandang ngiti sa mga labi ng dalaga. Ang mga mata nito na puno ng paghanga at pagkamangha.

The feeling is so surreal. Ito yung eksena na pinapangarap lamang niya na sana balang-araw ay magkatotoo ay heto na nga nangyayari na.

Tuluyan ng nadala ng paghaplos ng kamay nito sa mukha ng lobo niya at unti-unti dumapa ito sa lupa.

Talagang sinamantala mo ah...

Hindi man lang siya sinagot ng kanyang lobo. Pakiramdam niya makakatulog ito anuman sandali.

Hindi naman siya aso...

Mahinang angil ang pinakawalan ng kanyang lobo kaya natigilan ang dalaga .

Kaagad naman nakabawi ang dalaga sa pagkatigil nito at muli humaplos ang kamay nito ngayon ay sa bandang leegan na ng lobo niya.

"Pwede ba kita yakapin? Ang kapal at ang ganda ng balahibo mo,"mangha nito sabi.

Tumango ang kanyang lobo na mas lalo kinamangha ng dalaga. Nanlalaki ang mata nito saka mahinang natawa.

"Ikaw nga pala si Zeid.."usal nito saka tinitigan ang mga mata ng Lobo niya.

"Noon pa man napansin ko na parang may kakaiba sayo...pero tinatanggi mo yun ng isang beses,"usal nito. "Pero ang mahalaga ngayon nasagot na mga tanong na gumugulo sa isip ko at...hindi pa rin ako makapaniwala na...kakaiba ka nga talaga,"patuloy nito.

"Parang nasa libro lang pero alam ko totoo ito,"usal nito na may kaakibat na damdamin. "Alam ko na hindi ito madali sayo na...ipaalam sa isang tulad ko ang tunay mo pagkatao...at napakaswerte ko dahil ako yung tao na...nakaalam ng isang parte ng pagkatao mo,"emosyunal nito sabi. Inilapit ng kanyang lobo ang mukha nito sa katawan ng dalaga. Agad naman yumakap ang mga braso nito sa leegan ng lobo niya.

"Isa kang napakaespesyal na nilalang sa buong mundo,Zeid. Hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo,mahal na mahal kita,"usal nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Kung nasa anyong tao lamang siya baka umiiyak na siya. Ang marinig na espeyal siya at tanggap siya nito ay labis na nagpapatunaw sa puso niya.

"Isa kang matapang at matatag na tao. Siguro kung sa iba baka hindi niya maharap ang taong nagdala sa kanya ng kapahamakan,"untag ng kanyang ina. Magkakaharap sila sa hapag-kainan. Bumaling siya sa katabi niyang dalaga na may ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Inabot niya ang isa nito kamay at pinagsalikop niya ang kanila mga daliri. Nakangiti na napabaling ito sa kanya.

Nakangisi na kininditan naman niya at nahihiyang ibinalik ang tingin nito sa kanyang magulang.

"Isa po sa naging parte ng buhay ko si Derin,"anang ng dalaga. "Hindi man po maganda ang nagawa niya sakin naging mabuting kaibigan pa rin siya para sakin, "dugtong ng kasintahan.

Tumango-tango ang kanyang ina. "Ang pagpapatawad sa isang tao ay siya ikatatahimik ng puso nito,"masuyo saad ng kanyang ina na kinangiti niya.

"Okay ka lang?"puna sa kanya ni Rafael. Magkatabi sila ng dalaga na nakaupo sa sahig na gawa sa kawayan. Nagpasya sila na matulog sa tree house.

Niyakap niya ang dalaga patagilid. "Ayaw ko man pero wala ako karapatan na tutulan ka na harapin ang kapitan na yun,"deretso niya sabi.

Hinaplos nito ang pisngi niya.  "Nauunawaan ko ang galit mo sa kanya pero salamat pa din dahil...buhay pa siya,"saad nito.

Napanguso siya. Tinutukoy nito ang pagsugod niya sa kababata nito.

May guilt pa rin siya nararamdaman kung hindi siya kaagad napigilan malamang natuluyan na niya ang kapitan na yun.

"Pero nagpapasalamat din ako sa Papa mo dahil napigilan ka niya kaagad,"dugtong nito na kinatigil niya.

Unti-unti gumuhit ang ngisi sa mga labi niya. "Sure ka si ama ang nakita mo?"

Nagkasalubong ang kilay ng kasintahan.

"Bakit? Hindi ba siya?"taka nito tanong saka mayamaya ay nanlaki ang mga mata nito.

"Ibig mo sabihin.."

Agad na tumango siya.

Ang Kuya Zayne niya na pumigil sa kanya ng mga oras na yun. Hinding-hindi niya makakalimutan ang boses nito sa pagtawag ng pangalan niya ng mga oras na iyun.

"Kung ganun,masaya ako para sayo,"tuwa nito.

Natawa siya kahit sa ganun eksena pa na nakasama niya ang kanyang Kuya Zayne sapat na sa kanya.

"Sana magkita ulit kayo,"hiling ng kasintahan.

Iyun din ang hiling niya.

Mas lalo niya niyakap ang dalaga.

"Salamat sa pagtanggap sakin ng buong-buo pati na rin sa aking pamilya,"usal niya.

Hinagod nito ang likuran niya.

"Mahal kita eh,"anito.

Agad na pinakawalan niya ito mula sa yakap niya at masuyong inangkin ang mga labi nito.

"Mahal na mahal din kita,"puno ng pagmamahal na sagot niya saka muli inangkin ang mga labi nito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now