Chapter 8

1K 89 6
                                    

Pinagpagan ni Rafael ang hawak na makapal na binding folder na kulay asul. Siya na mismo ang naghalungkat niyun sa storage room kung saan ito roon nakatago. Nais niyang ireview ang laman niyun kung natugunan ba iyun ng mga nakaraan mayor bago siya. Nais niyang malaman at gusto niya may magawa siya para roon.

Hindi na niya iyun iniutos pa sa sekretarya niya pero ng pabalik na siya sa opisina ng makitang nag-uumpukan ang mga babaeng empleyado niya at isa na roon ang sekretarya niya. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi alam ng mga ito na palapit siya sa mga ito.

"Grabe! Hindi lang siya super gwapo ang galing pa niya makipaglaban!"impit na tili ng isa.

"Pareho naman sila ni Capt.Derin makisig pero iba talaga si Capt.Zeid,"saad ng sekretarya niya na kinatigil niya na marinig ang dalawang kapitan na iyun.

"I agree! Napatumba niya si Capt.Derin!"

"Talaga?"bigla niya pagsabad na kinatili ng mga ito sa pagkagulat.

"Mayor?! Nagulat naman po kami sayo!"gulat na bulalas ng sekretarya na napahawak pa sa dibdib nito.

"Hindi ko naman kayo ginugulat,"saad niya at isa-isa niya tinapunan ng tingin ang mga ito.

"Uh,mayor..ano,may pinagkakaguluhan kasi ngayon na vedio,"untag ng isa na hindi pinapahalata ang pagpahiya nito.

"Talaga? Sino? Narinig ko binanggit niyo sina Capt.Derin at Capt.Zeid?"nanantiya niyang tugon.

"Eh,mayora! Opo! Sila nga po pinapanuod namin!"paglapit sa kanya ng sekretarya niya saka pinakita sa kanya ang hawak nitong celpon.

Nagplay ang vedio at agad na bumungad sa kanyang mga mata ang dalawang kapitan. Ang kanyang kababata na si Derin at si Capt.Zeid.

Napaawang ang mga labi niya ng makita ang pagtumba ng kababata laban kay Capt.Zeid.

Impit naman ang tili ng mga katabi niya.

Kilala niya si Derin. Competitive ito sa kahit ano lalo na pagdating sa propesyon nito. Puno ng determinasyon makamit lang ang gusto nito gaya ng pagiging kapitan nito ngayon.

Wala pang nakakatalo sa binata.

Pero meron na ngayon...

"Super galing talaga ni Capt.Zeid!"pigil ang tili na bulalas ng isa na pasimple naman siniko ng sekretarya niya.

Wala siyang sinabi at nagkibit lang siya ng balikat.

"Uh,Mayor,nakuha niyo na po ba hinahanap niyo?"untag sa kanya ng sekretarya niya.

Itinaas niya ang hawak. "Oo,sige..sa opisina na ko,"casual niyang sabi saka tinalikuran niya ang mga ito pero narinig pa niya ang pabulong na sabi ng sekretarya niya.

"Ingay mo...alam mo naman kababata ni Mayor si Capt.Derin..baka magalit satin si Mayor!"pabulong na sita ng sekretarya niya.

Magagalit nga ba siya?

Kanino? Kay Capt.Zeid dahil sa unang pagkakataon may nakatapat na ang kababata niya?

Napabuga siya ng hininga ng mailapag niya ang hawak sa ibabaw ng table niya.

Naglalaro pa sa isipan niya ang napanuod na vedio. Aminado siya mas natuon ang atensyon niya kay Capt.Zeid.

Napakawarrior ng datingan nito. Ang bawat galaw at anggulo nito masasabi mong bihasa ito sa pakikipaglaban.

Napansin nga niya na paeasy-easy lang ito habang inaatake ang kababata niya. Hindi niya alam kung siya lang ang nakapansin niyun.

Tiyak dahil nakatuon ka sa kanya!

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें