Chapter 29

875 102 22
                                    

Rafael feeling high now that she let go her true feelings to Zeid...but there's a room for confusion.

Dapat ba alalahanin mo pa? Ikaw na ang nobya niya! She's an ex now!

Napabuga siya ng hangin.

"Ang lalim nun ah!"pukaw sa kanya ni Zeid.

Agad na nakaramdam siya ng pagkapahiya. Huminto ito sa pag-akay sa kanya kung saan man sila pupunta. Lutang ang isip niya. Halo-halo ang emosyon na lumulukob sa kanya.

"Parang nagsisisi ka ata na sinagot mo ko?"nakangisi nitong sabi.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Tumawa ito sa naging reaksyon niya.

Umihip ang hangin agad na umangat ang isa nitong braso para hawiin ang ilang hibla ng buhok niya na tumakip sa mukha niya at iniipit iyun sa likod ng tainga niya.

"Bago tayo makarating sa bahay namin gusto ko muna malaman kung ano ang iniisip mo ngayon,"masuyo nitong sabi.

Hindi niya kaya tumagal sa matiim nitong titig sa kanya.

Nagbaba siya ng tingin pero agad na iniangat nito ang mukha niýa gamit ang hihintuturo nito na nasa ilalim ng baba niya.

"Gusto ko magmula ngayon sasabihin mo sakin kung ano ang nasa isip mo. Masama man o mabuti yun. Gusto ko ipagkatiwala mo sakin lahat na bagay..ang mga laman ng isip mo,"masuyo nitong sabi.

Muli siya nagpakawala ng hininga saka pilit na pinagaan ang kalooban kahit mahirap sa kanya na hindi alisin ang pagdududa.

"First boyfriend kita at.. ahm,siguro may takot lang,"matapat niyang tugon.

Mariin na nakatitig sa kanya ang mga mata ng binata.

Hinaplos nito ang kabila pisngi niya at nagbigay ng comfort sa kanya ang init ng palad nito na nasa pisngi niya. She's even close her eyes to feel his warmt.

Napamulat siya ng maramdaman ang halik nito sa noo niya.

"Kung may gusto kang tanungin sasagutin ko,wala ako ililihim sayo kahit na ano,"sabi nito.

Nagtatalo ang isip niya kung tama bang tanungin pa niya iyun.

"Alam kong may gusto kang tanungin,"masuyo nitong udyok sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim saka buong tapang na nakipagtitigan sa magaganda mga mata ng binata.

"May...may nakita akong litrato,uh,ikaw at isang..babae kanina sa tree house, "saad niya sabay iwas ng mga mata rito.

"Litrato?"anito na tila inaalala kung anong litrato ang tinutukoy niya.

Agad na gumuhit muli sa alaala niya ang mukha ng babae na kasama nito sa litrato.

Hindi sapat ang salitang maganda para isalarawan ang angkin ganda ng babae na kasama nito sa larawan.

Pinamukha lamang ng babae iyun na wala siya sa kalingkingan ng ganda nito. Simple lang ang ganda niya.

Pero naalala mo ang sinabi niya na malakas ang dating sa kanya ang pagiging simple!

Kahit na...wala sinabi ang ganda ng dati nito nobya sa pagmumukha niya!

Naikuyom niya ang mga palad.

Isang mahinang tawa ang pumukaw sa kanya at agad na nakaramdam siya ng inis dahil  pinagtatawanan ata siya nito.

"Ang cute mo talaga kapag nagseselos!"

Sinamaan niya ito ng tingin na mas lumaki ang pagkakangisi nito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now