Chapter 44

837 99 10
                                    

Isang araw. Isang araw na ang lumipas mula ng bihagin si Rafael ng kababata nitong si Derin. He lost his mind. Pagmamahal nito na nagtulak dito upang gawin ito sa kanya. Ang nagawang kasalanan ng kanyang ama na siya din dahilan upang mas itulak ang kababata na gawin ang bagay na ito sa kanya.

He hurt her.

Damang-dama pa niya ang hapdi sa gilid ng kanyang mga labi. Hindi niya lubos maisip na magagawa siyang saktan nito. Ganun na lang ba ang pagkabulag nito sa galit?

Agad na pinigilan niya ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa kamay nito. Ilan beses na binisita siya ni Derin  at sa bawat bukas ng pintuan tanaw niya ang labas. Mapuno. Panigurado siya na napapaligiran ng mga puno ang kinaroroonan nila. Napabaling ang mga mata niya sa isang baso katabi ng plato na may tirang pagkain. Derin feed her. Ayaw man niya pero kailangan niya ng lakas hindi siya pwede maging mahina kung gusto niya makatakas sa kamay nito.

Sinulyapan muna niya ang nakasaradong pintuan saka siya gumalaw upang kunin ang baso. Gamit ang mga nakagapos niyang mga kamay sa likuran niya ay patalikod na kinuha niya iyun. Pigil ang hininga na binalibag niya iyun sa pader upang mabasag. Sa unang subok ay hindi siya nagtagumpay hanggan sa mabasag iyun. Lubid ang nakatali sa kamay niya gamit ang bubog sigurado siya na mapuputol yun kailangan lamang niya ng pasensya at talas ng pakiramdam upang hindi siya mahuli. Nang makita ang ibang bahagi na basag na baso gamit ang kamay matyagang isa-isa pinulot ng mga daliri niya ang mga bubog kahit na mahirap at masugatan siya kailangan niya iyun maitago sa paningin ng kababata.

Pawisan at mahapdi ang pakiramdam niya dulot ng pagkakasugat mula sa mga bubog ay matagumpay na naimpok niya ang mga yun sa kanyang likuran.

Dinampot niya ang malaking bahagi na bubog na siyang gagamitin niya sa pagputol sa lubid. Mahirap ang gagawin niya pero isa ito sa tinuro sa kanya ni Zeid.

"Magagamit mo ang isang bubog para maputol mo ang bagay na nakagapos sa kamay mo..magtatagumpay ka kung magiging kalmante ka lang habang matyaga mong ginagawa iyun.."

Isang paalala na tinatak niya sa kanyang isip mula kay Zeid at ngayon nandito na siya sa sitwasyon iyun na hindi niya kailaman naisip na gagawin niya.

Concetration. Focus. Patience.

Ang hapdi sa kanya mga daliri ay hindi alintanan maputol lamang ang lubid na nakagapos sa kanya.

Tahimik na sinasabayan niya ng dasal na sana ay hindi pumasok ang kababata niya at mahuli siya. Nahihirapan na siya. Masakit. Nakakangalay na ang mga braso niya at balikat pero hindi siya susuko.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata dahil gusto ng bumigay ng kamay niya. Ang pangagalay ng braso niya. Natigilan siya ng maulinigan ang ingay ng sasakyan. Dinunggol siya ng kaba at pangamba.

Abot-abot ang kaba niya dahil sigurado siyang ang kababata niya iyun!

Gusto na niya magpanik pero kung hahayaan niya na pangunahan siya niyun mas lalo lang siya malalagay sa kapahamakan.

Please..please..maputol ka na!

Pinakiramdaman niya ang ingay sa labas. Tahimik ang buo paligid hindi man niya alam ang sakto oras sigurado siya na madilim na sa labas. Napaigik siya ng maramdaman ang hiwa sa daliri niya pero hindi siya tumigil hanggan sa marinig niya ang pagpihit ng doorknob.

Please,please..maputol ka na!

Napasinghap siya ng bumukas ang pintuan at kasabay niyun ang pagkaputol ng lubid. Kinalma niya ang sarili at siniguro niya na walang makikitang kakaiba sa kanya ang mga mata ng kababata.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now