Chapter 22

870 89 11
                                    

Padarag na bumukas ang kawayan pinto na siyang kinatigil ng pag-uusap ng nasa loob. Kalmante lang ang dating heneral kahit kitang-kita nito ang galit sa mukha ng bagong dating na bisita.

Mabilis naman naalarma ang dalawa kausap ng dating heneral ng tutukan ito ng baril.

Nagpupuyos sa galit ang bisita ng dating heneral.

"Ibaba niyo yan,"utos ng dating heneral sa dalawang kasamahan na nakatutok ang mga baril sa lalaki.

"Ibaba naman kung ibaba niya,"matigas na tugon ng kanan-kamay niya.

Humitit ang dating heneral sa hawak nitong tabako. Saka pinakatitigan ang galit na galit na bisita.

"Masyado ka nagpapadala sa emosyon,kaibigan,"untag niya rito.

"Traydor ka! Bakit mo sila pinakidnap?!"puno ng galit nitong sabi.

"Iwan niyo muna kami,"baling ng dating heneral sa dalawa kasamahan pero gusto ng mga ito magmatigas ngunit sa huli ay sumunod din ang mga ito sa dating heneral. Bago tuluyan umalis ang dalawa nagbanta muna ang kanan-kamay ng dating heneral.

"Huwag ka magkakamali. Alam mong hindi ka makakaalis dito ng buhay,"banta nito saka ito tuluyan isinara ang kawayan pinto.

"Ibaba mo na yan,"untag ng dating heneral rito.

Tiimbagang na ibinaba ng lalaki ang braso nito pero nanatili ang galit sa mukha nito.

"Makinig ka..gusto ko lang naman makilala ng harapan ang mga yun kaya pinakuha ko. Pakakawalan ko rin naman sila gayun nga lang mautak talaga ang kapitan na iyun..nakakamangha. Akalain mong nakatakas ang mga ito na hindi namamalayan ng mga tauhan ko,"saad ng dating heneral na sinamahan ng mahinang pagtawa at pag-iling sa huli.

"Sa tingin mo magandang ideya yun?! Gusto mo talaga ako ilagay sa alanganin?!"galit nitong tugon sa dating heneral.

Kalmante lang na humitit muli ang dating heneral sa tabako nito.

"Paano kung natagpuan ko agad ang pinagdalhan niyo sa kanila? Wala akong pagpipilian kundi patayin ang mga tauhan mo!"tiimbagang na sabi nito.

"Hindi ko inaasahan na magiging mabilis ang pagkilos ng kapitan yun.."

Padarag na itinukod ng lalaki ang mga palad nito sa mesa at nanliliit ang mga mata na tinapatan nito ang mga mata ng dating heneral.

"Ngayon alam mo na hindi basta-basta ang kapitan na yun..masyado kang atat,"tiimbagang nitong sabi.

Tumawa ang dating heneral saka inihulog nito ang papaubos ng tabako sa loob ng baso na wala ng laman na tubig.

Tinapatan ng dating heneral ang galit na mga mata ng lalaki.

"Hindi ko gusto yan pananalita mo,bata...baka nakakalimutan mo..pwede kita ikanta sakali man maggaguhan tayo rito,"may pagbabanta sabi ng dating heneral rito.

"Binabantaan mo ba ko? Alam mong kaya ko kayo ubusin lahat dito,"tiimbagang na tugon nito sa dating heneral.

Tumindig ang lalaki pero nanatili pa rin ang galit sa mga mata nito.

"Sa oras na kumilos ka ulit na hindi ko alam..alam mo kung ano kaya kong gawin sa inyo lahat,"wika nito na puno ng pagbabanta.

Padarag nitong binuksan ang pintuan at pabagsak na sinara iyun muli. Naiwan na hindi nakakibo ang dating heneral.

Kung hindi lamang malaki ang maitutulong nito sa kanya hindi niya hahayaan na basta na lang siya nito bantaan ng ganun. Kaya nitong gawin ang binabanta nito.

Ano ba pinaglalaban ng dating heneral?

Isa lang.

Ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya.

Isa ang pamilyang Raviles ang sumira sa tiwala at bumura sa paghanga niya sa mga ito.

Napakuyom ng mga palad ang dating heneral.

Buhay ang kinuha nila marapat lang na buhay rin ang kabayaran.

Kuliglig ang ingay ng mga panggabi hayop ang maririnig sa loob ng kagubatan. Sa kalagitnaan ng katahimikan ng gabi ang mabigat na yabag. Ang pag-ingay ng mga tuyong dahon.

Masusundan natin kung saan sila nagtatago ngayon..

Sa anyong-lobo ni Capt.Zeid ay malaya nitong hinahanapan ng bakas kung saan nila matunton ang mga rebelde na siyang kumidnap sa kanila ni Mayor.Rafael.

Walang kahirap-hirap sa kanila ng kanyang lobo ang iniwan na bakas na siyang magtuturo sa kanila kung saan matatagpuan ang pinagkukutaan ng mga rebelde.

Hindi pa man sila nakakalayo ay natigilan sila ng kanyang lobo ng makarinig sila ng ugong mula sa isang sasakyan.

Mula sa makina ng isang motorsiklo. Pamilyar na ingay.

Mabilis ang pagkubli nila ng papalapit na iyun. Tumatama ang liwanag ng ilaw mula sa maingay na motor na iyun na siyang pumapanglaw sa dadaanan nito.

Nanliit ang mga mata ng lobo ng makita ang mukha ng sakay ng motor na iyun.

Sa tingin mo maniniwala tayo sa sinabi niya?

Nanatili sila sa pinagkukublihan nila ng kanyang lobo hanggan sa mawala sa paningin nila si Capt.Derin.

Nang tuluyan makalayo ang ingay saka lumabas sa pinagkukublihan ang lobo niya at binaling ang pinanggalingan ng kapitan.

Sa derekyon na iyun naaamoy ko ang mga tao yun...

Muli bumaling ang lobo niya sa dinaanan ng kapitan.

Sumang-ayon ka sa iniisip ko...tinatraydor ng kapitan yan ang sarili niyang bayan..

Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Sinundan nila ang pinanggalingan ng kapitan.

Ayaw niya paniwalaan pero amoy na amoy ang katotohanan na tama ang lobo niya hanggan sa matanaw niya ang kampo ng mga rebelde. Malayo pa sila mula roon pero sa talas ng mga mata ng kanyang lobo kitang-kita niya ang apoy na siyang nagsisilbing liwanag roon. May mga nakatayong maliliit na kubo. Marami ang nakabantay na mulat ang mga mata.

Mas marami ang mga ito kaysa sa mga rebelde na humarang sa kanila ng dalaga.

Dito nanggaling ang kapitan na yun..pinaglalaruan niya ang lahat..pero hindi tayo.

Isang malaking katanungan sa kanya ito.

Nakikipag-isa ang kapitan na yun sa rebelde. May kinalaman din ito sa pagsabog sa bayan?!

Pero nadatnan niya ito pinuntahan ang dalaga. Isa lang ba iyun palabas para hindi mapaghinalaan na may kinalaman ang kapitan na yun sa pangyayari iyun?

Damn!

Pinaglalaruan pala nito ang lahat!

Isang traydor!

Paano nito naaatim na gawin nito iyun sa sarili nitong bayan?

Sa kababata nitong si Rafael?!

Kailangan na maging mahigpit tayo sa pagbabantay sa mate natin!

To hell with him!

Kasama lang ng dalaga ang kalaban!

Bisto ka na Capt.Derin.

Kung gusto pala nito ng laro puwes makikipaglaro siya dito.

Kapanabik-panabik yan!

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now