Chapter 3

1K 92 5
                                    

Aminado si Zeid na inisip niya na hindi niya matitipuhan si Mayor Rafael.

Pangalan pa lang nito baka mas macho pa ito sa kanya pero..gusto nila umalulong ng kanyang wolf ng masilayan na si Mayor Rafael.

Hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi niya pero napansin nga niya ang sinabi ni Riel. May pagkapoker face nga ito pero sigurado siya ang ganun atityud ay naknakan ng lambing niyan!

Sabagay si bayaw mo nga naknakan ng pagkabrat pero sweet naman sa kambal mo.

Mas lalo siya napangisi. Kakatapos lang ng maikling pagpapakilala sa kanya at magsimula ng magsikainan ang lahat na naroroon.

He feel so special at may ubod pa ng gandang gift para sa kanya.

Ano? Babakuran na ba natin?

Hindi na siya nakareak ng matanaw ang paglapit ni Capt. Derin kay Mayor Rafael. Nakausap niya ito kanina at masasabi niyang masyado itong propesyunal makitungo pero sa linaw ng mga mata niya kitang-kita niya kung paano nagbago ang aura nito.

Tila ba itong teenager na tuwang-tuwa na nakakausap nito ang crush nito. Bahagyang nawala ang pagkakangisi niya at nakatutok ang mga mata niya sa mga ito.

Nagtatawanan ang mga ito habang magkausap.

Tipid nga ngumiti sayo eh..hindi ka siguro type...

Oh shut up,wolf. Makisama ka. Alam mong ngayon lang may babae nakakuha ng atensyon ko..natin.

Alam ko. Baka siya na ang mate natin..

"Huwag masyado titigan,Big boss! Baka matunaw yan,"bigla pagbulong sa kanya ni Riel.

Agad na napabaling siya rito. "Maganda eh,"agad na tugon niya na kinatawa nito.

"Sang-ayon ako dyan..pero may asungot,boss eh,"anito sabay nguso sa kausap ng dalaga.

Nilingon niya muli ang kinaroroonan ng mga ito at ngumisi.

"Captain versus Captain,huh.."

"Basta,Big Boss ah! Walang barilan,"turan nito na kinatawa niya.

"Hindi ako bayolente. Patas akong lumaban,"nakangisi niyang sabi.

"Kaya idol kita eh!"saad nito na kinatawa niya.

"Captain Zeid!"

Agad na napalingon siya sa tumawag sa kanya.

"Sir!,"malugod niya pagtugon dito.

Ipinatong nito sa balikat niya ang kamay nito. "Alam kong magiging ligtas lagi ang unica hija ko habang nasa tabi ka niya,"nakangiti saad nito na kinapalakpak ng mga tainga niya.

Nang makilala niya ito kanina umaga ng dumaan ito sa kampo nila pagkatapos ng pagpapakilala nila sa isa't-isa. Naging close agad ang pakikitungo nito sa kanya. Doon pa lang nakakakita na siya ng puntos para makalapit sa anak nito.

Lumaban ng patas...

"Wala kayo dapag ipag-alala sa kaligtasan ng anak niyo,Sir..hindi ko po hahayaan na may manakit sa kanya kahit sino pa sila,"tugon niya sa ginoo na kinalapad ng ngiti nito.

"Napakaswerte ng girlfriend mo sayo,"makahulugan nitong sabi.

Natawa siya at umiling.

May kakaiba talaga sa sinasabi niya. Baka gusto ka niyan sa anak niya..

"Wala pa nga,Sir.."aniya.

Nanlaki ang mga mata nito at agad napalitan ng pagkamangha.

"Totoo? Sa gwapo mong yan eh,wala kang gf? Pero maraming chicks?"anito na lalo niya kinatawa.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now