Chapter 45

1.1K 94 10
                                    

Hindi pa rin mapalagay si Zeid kahit sinabi na ng doktor na nasa maayos ng kalagayan si Rafael.

Sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya kaagad natagpuan ang kinaroroonan nito kung saan binihag ito ni Derin na kababata pa nito!

Galit na galit siya!

Hindi lamang sa Derin na iyun mas nagagalit siya sa sarili niya dahil hindi niya ito nailigtas ng mas maaga dahil kung kaagad niya ito nailigtas hindi ito magtatamo ng mga sugat.

Puro hiwa ang mga daliri nito. Ang pasa at bakat ng lubid sa pulsuhan nito.  Ang sugat sa gilid ng mga labi nito at higit sa lahat ang malalim na sugat na tinamo nito sa hita.

Naikuyom niya ang mga palad habang nakatitig sa maputlang mukha ng dalaga na mahimbing na natutulog. Hindi lamang sugat at pasa ang natamo nito pati trauma.

Nakita niya tayo...ikaw..

Alam niyang wala na sa huwisyo ang kasintahan niya ng siya magbalik sa anyong tao niya bago pa man ito panawan ng ulirat ay nakita nito iyun.

Trauma.

Isa siya sa makakadagdag ng trauma nito!

Kaya ba niyang harapin ito sakaling magkamalay na ito?

Huwag mong sasabihin ngayon ka pa maduduwag?

Muli niya naikuyom ang mga palad.

"Hijo..."

Napukaw siya sa pagtawag ng ina ng kasintahan.

"Tita,"agad na tugon niya sa ginang.

"Mabuti pang magpahinga ka na muna kagabi ka pang walang tulog,"may pag-aalala nitong sabi sa kanya.

"Ayos lang po ako,Tita..hindi rin po ako makakatulog,"aniya.

Napabuntong-hininga ang ginang. "Sobrang natakot ako ng malaman na nawawala si Rafael..at hindi ako makapaniwala na magagawa iyun ni Derin..kasalanan namin ito,"puno ng lungkot at pagsisisi turan ng ginang.

Bumaling siya rito. Mababakas ang kapaguran sa mukha nito. Tila ba biglang dumoble ang edad nito kaysa noong una na lagi ito masiyahin.

"Wala po kayo dapat sisihin..lalo na ang sarili niyo at ni Tito. Pinili yun ni Derin,Tita..pinili niyang saktan si Rafael,"saad niya na pigil ang sarili na umahon ang galit para sa kapitan na iyun.

"Salamat,Zeid. Salamat dahil niligtas mo si Rafael. Baka kung hindi mo nailigtas si Rafael baka hindi ko kakayanin mawala samin si Rafael,"maluhang-luha saad ng ginang. Kaagad na inalo niya ang ginang na pigil na mapahagulhol.

Nagpaalam muna siya pasamantala sa ina ng kasintahan upang puntahan si Derin kung saan sa parehong ospital din ito dinala.

Napatiim-bagang siya ng masilayan ang kapitan. Balot ng benda ang buong bahagi ng dalawa nitong braso.

Hindi siya nakokonsensya sa ginawa niya rito.

Magpasalamat siya nagpigil pa ko kung hindi baka buto na lang natira sa mga braso niya!

May dalawang pulis ang nakabantay rito na nasa labas lang ng silid nito. Hinintay niya na magmulat ito ng mga ito at kaagad na pinukulan niya ng malamig na tingin ang kapitan.

Namumutla ito at tila lango pa ito dahil sa sinasaksak na gamot rito. Napadaing ito marahil nararamdaman na nito ang sakit mula sa tinamo nitong mga sugat.

Nagmulat ito ng mga mata mula sa mariin nitong pagpikit.

Natigilan ito ng magtama ang kanilang mga mata.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now