Chapter 30

816 93 12
                                    

Nasisiyahan na makita ni Zeid ang mga nakikita niyang reaksyon ni Rafael. Nakakatuwa na makita kung paano magselos ang dalaga sa kanyang ina na mapagkamalan nitong dating nobya niya.

Kahit sino naman talaga aakalain dahil sa batang itsura ng kanyang ina at napakaganda pa.

Nilingon niya ang dalaga habang ginigiya niya ito papasok sa kanilang munting bahay. Abala ang kanyang ina sa kusina marahil inihahanda nito ang tsaa para sa kanila.

Natigilan ang kasintahan ng may makita ito. Bumitaw sa kanya at hindi naalis ang tingin nito sa malaking kwadrado na nakasabit sa dingding ng salas nila. Napangisi siya ng makita ang pag-awang ng mga labi ng dalaga. Ang pagguhit ng mangha sa mukha nito habang titig na titig sa family picture nila mag-anak na gawa ni Zeil.

Lumingon sa kanya ang dalaga ng makalapit siya sa tabi nito.

"May kakambal ka?"nanlalaki ang mga mata nito tanong sa kanya

Agad na tumango siya. "Yes,Zeil ang pangalan niya..at si Ate Valerie na katabi ni ina, "

Nanlalaki pa rin ang mga mata nito sa pagkamangha at muli tinitigan ang painting. May itinuro ito. "Sila din magkambal?"

Natawa siya na kinalingon ng kasintahan.

Nginisihan niya ito. "Hindi sila magkambal,si Kuya Zayne yan at ang aming a--"

"Mabuti naman naabutan ko kayo!"

Mapanabay na napalingon sila ng dalaga.

Nakangisi na lumapit sa kanila ng dalaga ang kanyang ama na kakarating lang.

Sumulyap siya sa dalaga na tulala na nakatitig sa kanyang ama.

"Ama.."usal niya na kinalingon ng dalaga sa kanya.

Gusto niya tumawa ng malakas dahil parang hihimatayin na ang itsura ng kasintahan.

Nakangisi sila mag-ama na nagyakapan saka nagtapikan ng balikan pagkaraan.

"Mahal,ang aking ama,Zei ang pangalan niya..ama,si Rafael po,nobya ko,"pagpapakilala niya sa mga ito.

Tuliro na bumaling ang tingin ng dalaga sa ama niya na nakangisi na alam niyang manghang-mangha sa nakikitang reaksyon ng dalaga.

Inakbayan niya ang dalaga at tila doon lang ito nakabawi sa sarili. Tumikhim ito saka wala pa ata sa sarili na bumati sa kanyang ama.

"H-hello po,"untag ni Rafael na bakas pa rin ang pagkashock nito.

Natawa ng mahina ang kanyang ama. "Natagpuan mo na pala,masaya ako para sayo,anak.."nakangisi sabi ng kanyang ama sa kanya.

Bago pa man siya makasagot lumabas ang kanyang ina.

"Nandito ka na pala,Zei! Tamang-tama nakahanda na ang tsaa,halina kayo,"magiliw na aya na sa kanila ng kanyang ina.

Nauna ng lumapit ang kanya ama sa kanyang ina. Ang pinakapaborito niya na makita ang kanyang magulang na masayang magkasama. Sa tuwing magkasama ang mga ito akala mo kay tagal hindi nagkita.

"Anong klase lahi meron kayo?"

Napabaling siya sa tanong ng kasintahan.

Hindi pa rin nawawala ang mangha at di pagkapaniwala sa maganda nitong mukha at sa mga mata nito.

Lahing lobo kamo...

Nginisihan niya ang dalaga. "Maganda ang lahi namin! Kaya magiging kasinggwapo ko ang magiging anak natin at kasingganda niyo naman nina ina at Ate ang magiging anak natin babae!"pilyo niyang tugon rito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें