Chapter 36

913 95 3
                                    

Mula sa kinatatayuan ni Zeid malinaw na tanaw niya ang maingat na pag-aligid ng mga sundalo at otoridad na siyang hiningan niya ng tulong upang madakip ang mga rebelde.

Sana hindi na manlaban ang dating heneral..

Napukaw siya ng marinig ang mga putok ng baril.

Naalerto ang mga rebelde ngunit dahil napaghandaan ang lahat mabilis na nasukol ang mga ito ngunit may ilan sa mga ito ang napuruhan. Nalulungkot siya para sa buhay ng mga ito.

Sa bagay na iyan ay hindi tayo ang magdidesisyon..

Natuon ang kanyang mga mata sa pagdakip sa dating heneral habang iniiskortan ito ng dalawang sundalo palabas ng maliit na kubo.

Napaangat siya ng tingin ng marinig ang pagdating ng chopper kung saan isasakay ang nadakip na dating heneral upang dalhin ito sa siyudad kung saan dapat ito humarap sa batas. Ang iba naman kasamahan nito ay sinasakay sa armor truck.

Masaya siya na matagumpay ang misyon bago pa sumikat ang araw. Nililisan na ng lahat ang kampo ng mga rebelde ng maagaw ng atensyon niya ang isang pamilyar na ingay ng motor.

Mapanganib ang gagawin niya!

Bago pa man siya makapag-isip nagpalit na siya sa kanyang anyong-lobo at mabilis na tinungo kung saan nagmumula ang ingay ng makina.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa na banggain ito upang ito ay mabuwal mula sa sinasakyan nito at bago pa man ito makareak agad na sinunggaban niya ito.

Gulat at halos maistatwa ito ng makita siya. Umangil ang kanyang lobo na lalong nagpaestatwa rito.

Pinakalma niya ang kanyang lobo na wag maging agresibo ito pero ng makabawi ito at tangkang huhugutin ang baril nito na nakasuksok sa may binti nito ay inunahan na ito ng kanyang Lobo.

Napasigaw ito sa sakit.

Huwag mo masyadong saktan!

Umangil ang kanyang lobo at tinantya ang magiging sunod na kilos nito habang iniinda pa rin nito ang nasaktan na binti ng iyun apakan ng kanyang lobo.

Bago pa man ulit na magtalo sila ng kanyang lobo mabilis na nagbalik siya sa kanyang katawan tao at hindi niya hinayaan na makita nito iyun. Wala na itong malay bago pa man nito makita siya.

Pinasya niya na dalhin ito sa isang liblib na lugar kung saan may talon na naroroon. Kasulukuyan na kasi nasusunog na ang kampo ng mga rebelde upang matiyak na hindi na iyun mababalikan pa ninuman.

Mahina naman pala..

Nangunot ang noo niya sa sinabi ng lobo niya. Hindi na lamang niya ito pinatulan pa dahil hindi ito ang tamang oras para magtalo sila dalawa.

Inunahan ko lang...buhay natin yun eh..

Patuloy pa rin ito sa hinanaing nito pero nanatili siyang hindi sinasagot ito. Nakamasid lang siya sa wala pa rin malay na si Capt.Derin.

Nakasandal ito sa malapad na bato habang nakasalampak sa lupa.

Buti yun lang ginawa ko..kung sinakmal ko siya? Pero hindi ko gagawin ayoko ng lasa ng dugo ng tao..

Napahugot siya ng hininga saka sinaid ang laman na tubig mula sa stainless bottle.

Pagkaraan niya maibalik ang takip niyun agad na bumaling siya sa papagising na kapitan.

Umungol ito ng mahina ata agad na napangiwi.

Ngayon pa lang nakokonsensya na siya dahil nasaktan nila ang kababata ng kasintahan niya.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now