Chapter 2

1.1K 107 12
                                    

Maaga gumising si Rafael. Natatawa na lang siya kapag naiisip niya kung bakit panglalaki ang pinangalan sa kanya ng magulang niya. They want a boy as their first baby ay dahil nasa linya na ng politika ang pamilya nila ninais ng mga ito na sana ay lalaki ang unang anak pero siya ang nabuo,isang babae at ng malaman iyun ng kanyang magulang wala naman nagbago dahil natupad pa rin ang nais ng mga ito sa unang anak na ipagpatuloy ang paninilbihan ng mga ito sa kanilang nasasakupan at ang hindi lang nabago ay ang pangalan niya.

Pinadala siya ng kanyang magulang sa Maynila upang doon magkolehiyo at ng matapos siya agad na umuwi siya upang gabayan na siya ng kanyang ama tungkol sa pamamalakad sa kanilang lugar.

Nang makapag-ayos agad na lumabas na siya ng kanyang silid. Gwardyado na ang buong paligid nila dahil sa huling panggugulo ng mga rebelde at pagbabanta sa buhay niya.

Ang ninong niya na isang komander ay humingi ng tulong mula sa kakilala nito na dagdagan ang mga sundalo sa lugar nila at agad naman nagpadala ng isang team at isang linggo na mula ng makarating ang mga pinadalang sundalo ngunit hindi nakasama ang kapitan ng mga ito .

Ngunit gayon araw ay makikilala na nila ang kapitan dahil dumating na ito ng nakaraan gabi. Nagpahanda sila ng kaunti salo-salo para na rin sa pagpapasalamat sa kapitan na pumayag na manilbihan sa lugar nila.

"Magandang umaga,hija..halina sa hapag at kumain ka na,"agad na pagbati sa kanya ng kanyang ama. Nilapitan niya ang ama at hinalikan ito sa noo at ganun din sa ina niya.

Umupo na siya pagkatapos katapat ng kanyang ina.

"Nanggaling ako kanina sa kampo para kamustahin sila at nakilala ko na ang kapitan,"simula ng kanyang ama habang siya naman ay abala sa pagkuha ng pagkain.

"Mabuti naman po kung ganun,"komento niya.

Isa sa hinahangaan niya sa kanyang ama ay pagkakaroon nito ng konsidirasyon sa iba. Lagi nito inaalala at inuuna ang iba kaya naman labis ang tiwala sa kanila ng mga tao dahil sa pagiging totoo at mapanggawa ng kanyang ama.

"Hindi ko inaasahan na bata pa ang kapitan nila,"anang ng ama na siyang nagpasulyap niya rito.

"Talaga,hon? Ano ba pangalan?"kuryuso tanong ng kanyang ina.

"Halos kaedad lang ng anak natin at ni Capt.Derin. si Capt.Zeid Rostov,"tugon ng ama.

Well,nakuha niyun ang atensyon niya. Ang bata pa nito para maging kapitan ng isang grupo ng mga sundalo.

"Talaga? Aba,mahusay na bata na sundalo yan ah,ang bata para mapromote!"natutuwa komento ng kanyang ina.

"He's goodlooking,too.."

Napabaling siya sa ama sa huling sinabi nito. Nakatingin sa kanya ama at napataas ang kilay niya rito.

Isang tawa ang kumawala sa bibig ng kanyang ina.

"Mukhang nahanap na ng daddy mo ang lalaki na bet niya para sayo,hija"panunukso ng kanyang ina sabay kindat sa kanya.

Hindi siya umimik. Wala siya masabi sa bagay na iyun. Wala sa isip niya na pumasok sa isang relasyon dahil mula ng imulat siya ng kanyang magulang sa politika iyun na ang pinagnasahan niya at naging first love niya.

"Gusto mo ng isang sundalo para sakin?"panunubok niya sa ama.

Uminom muna ng kape sa tasa nito saka siya sinagot.

"Life and death ang kinaroroonan mo ngayon kaya mas mainam na kaya kang protektahan ang makarelasyon mo,"tugon ng ama.

"Why not,Derin?"prangka niya sa ama.

May pagkakataon na nagkakasagutan sila ng kanyang ama pero sa huli din naman nagkakaayos sila.

Sabi nga ng kanyang ina. Namana niya ang ugali at talino niya sa kanyang ama kaya magka-clash talaga sila mag-ama.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now