Chapter 28

839 98 14
                                    

Maingat na inaalalayan ni Zeid ang dalaga sa bawat paghakbang nito palapit sa may talon. Tila kasi wala sa sarili ang dalaga habang naglalakad dahil hindi manghang-mangha ito sa paligid.

He chuckled. Natutuwa siya makita ang manghang itsura ng dalaga.

Tumigil lamang sila ng marating na nila ang talon.

"Nagustuhan mo ba dito?"untag niya sa dalaga.

Nakanganga na lumingon sa kanya ang dalaga at natawa siya ng mahina.

"Tell me...totoo ba talaga mga nakikita ko?"maang nitong sabi.

Muli siya tumawa. Talagang hindi ito makapaniwala.

"Totoo. Totoo ang lahat ng nakikita ng mga magaganda mong mga mata,"pagsagot niya sa tanong nito.

Bumaling ito sa harapan kung saan malakas na bumabagsak ang tubig mula sa ituktok ng talon.

"Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng lugar ako makikita,parang sa libro lang maiimagine mo ang ganitong kagandang lugar,"usal nito.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya inaasahan na masasaksihan niya kung paano mamangha ang dalaga.

She's being talkative.

Tila ito isang bata na manghang-mangha pa.

"May nakahandang pagkain para sa atin sa itaas,"untag niya rito.

Bumaling ito sa kanya saka sinuyod ang paligid marahil hinahanap nito kung saan naroroon ang binabanggit niyang pagkain.

Ngumisi siya rito ng bumalik sa kanya ang mga mata nito.

"Sa itaas,mahal.."

Agad na umangat ang mukha nito sa itaas at unti-unti nanlaki ang mga mata nito ng makita kung ano ang nasa itaas.

"Tree house?"bulalas nito.

"Yes,Mahal.."natatawang sabi niya.

Maang na binalik nito ang tingin sa kanya.

"Aakyat tayo dyan?"

Lumaki ang ngisi niya sa tanong nito.

"Pwede naman kita buhatin habang paakyat tayo,"nagmamalaki niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Tara,sampa ka sa likod ko,"untag niya rito na hindi pa rin nabubura ang hindi makapaniwala nito reaksyon at duda.

Tumawa siya. "Wala ka ata bilib sa lakas ko eh!"

Napakurap-kurap ito at ng makabawi napasimangot ito sa kanya.

"Kaya ko umakyat mag-isa. Hindi mo na ako kailangan buhatin pa saka baka mahulog tayo konsensya ko pa,"anito na kinatawa niya.

"Sarap naman,concern ka sakin.."nanunudyo niyang tugon rito.

Nanlaki ang mga mata nito pero napaiwas naman ng tingin sa kanya.

"Kaya ko umakyat mag-isa..minamaliit mo ata ako eh!"may panghahamon nito sabi sa kanya pagkaraan.

"Hindi,Mahal...ikaw lang naman ang may kaya na panghinaan ako ng loob eh,"nakangisi niyang banat rito.

Sinamaan siya nito ng tingin.

Umismid ito na kinatawa niya.

"Ang dami mo hirit..sanay na sanay kasi,"saad nito.

Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito.

"Ouch! Masakit talaga kapag pinagdududahan ako ng Mahal ko!"madrama niyang turan na kinamaang nito.

Muli siya tumawa saka masuyong inabot ang kamay nito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now