Chapter 15

935 93 11
                                    

Hindi maiwasan ni Zeid na mamangha sa dalaga. Mas lalo tuloy siya nahuhulog rito dahil kahit tarayan siya ng tarayan nito mas lalo lang ito gumaganda sa paningin niya.

Kanina pa niya pinipigilan na tumawa sa nakikitang padabog na paglalakad ng dalaga na ngayon ay hinayaan niyang mauna sa kanya. Patag na ang nilalakaran nila kaya hindi na siya mag-aalala na baka masugatan ito.

Galit siya kanina dahil nasaktan ito.

Kalma na..aksidente lang yun..

Masaktan lang talaga ulit ito at talagang totohanin niya ang sinabi niya rito.

Kalma na kasi..

Napatigil siya ng tumigil sa paglalakad ang dalaga. Natanaw na nila ang ilang kabahayan kung saan may mga tribung naninirahan roon. Naroon na rin ang mga kasamahan nila at ang pinauna niyang kasama nila.

Nilingon siya ng dalaga.

"Nandito na tayo,"saad nito na may himig ng pagmamalaki.

Nginisihan niya ito.

"Good job,"tugon niya saka siya nito inirapan na kinatawa niya.

Sarap talaga halikan!

Oh kalma lang...kung ayaw mong pagulungin ka niyan.

Agad na sinalubong sila ng mga naroroon. Tuwang-tuwa ang mga nakatira roon.

Sa pangunguna ng pinakamatanda sa mga ito na siyang tinuturing pinuno ng tribo ang humarap sa kanila.

Matanda na ito at payat. Kitang-kita sa suot nito na tanging bahag lamang ang kasuotan.

"Nagpapasalamat kami sa inyo sa ginawa niyong ito. Napakalaking bagay nito para sa amin na hindi man lang naabutan ng kahit sino,napakabuti ng inyong kalooban,"anang ng matandang pinuno.

"Huwag po kayong mag-alala. Hindi lamang po ito ang huling beses na matulungan kayo,"tugon ng dalaga rito.

Nakatitig lamang siya sa dalaga. Hindi lang talaga ito maganda mas napapatingkad ang angkin nito kagandahan dahil sa kabaitan at tapang nito.

Iniwan niya muna ang mga ito nag-uusap at kinamusta ang mga kasama nila na abala sa pagtayo ng pasamantalang matutulugan. Dalawang araw sila mananatili roon bago sila bumaba muli ng bundok.

Nagkaroon ng salo-salo ang lahat. Natutuwa siya na makitang masaya ang mga taga-tribo. Namamangha naman ang mga kabataan lalo na ang mga kababaihan. Ang ilan ay namamangha na pinagmamasdan siya na tinatawanan na lang niya dahil ang weird sa pakiramdam niya.

Masaya sila nagsalo-salo sa ng hapunan. Nakahain ang pagkain sa isang dahon na saging. Katabi niya ang dalaga at kahit hindi nito gusto inasikaso niya ito. Pinaghimay niya ito ng isda at hindi na nakaalma dahil kinakausap ito ng mga nasa harap nila.

Namamahinga na ang lahat pero may ilan nakakatanda na naisipan gumawa ng apoy gamit ang mga naglalakihan kahoy at pinalibutan nila iyun habang nakaupo at nagkakatuwaan na pagsaluhan na inumin ang pinagmalalaki ng mga ito na inumin.

Nang makakita siya ng gitara na gawa ng mga ito agad na hiniram niya iyun at mas lalo naging masaya ang pagkukwentuhan ng lahat. Nasa banda tapat niya nakaupo ang dalaga. Nakatitig ito sa kanya habang naggigitara na sinasabayan ng lahat.

Namamangha marahil ito dahil may alam siya sa kinakanta ng mga tagatribo.

Hindi naman nagtagal nababawasan na sila dahil malalim na ang gabi at ilan sa kasama nila ay bumalik na sa kani-kanila pwesto para magpahinga at magmasid na rin.

Pahina na rin ang apoy sa gitna nila kaya mas malinaw nila nakikita ang isa't-isa ng dalaga.

"Magpapahinga na kami,"paalam na ng naiwan pa roon.

Naiwan na sila dalawa ng dalaga.

"Hindi ka pa magpapahinga?"untag niya rito.

"Ikaw?"

"Babantayan kita,"tugon niya.

"Safe naman dito kaya magpahinga ka,"iling nito.

"Ayoko,babantayan kita.."

"Ikaw ang matigas ang ulo satin dalawa,"saad nito na kinangisi niya.

"Hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang buhay mo kahit nasa ligtas na lugar pa tayo,"saad niya.

Hindi umimik ang dalaga. Nakatitig lang ito sa kanya.

Nginisihan niya ito at saka ito nagbawi ng tingin. Tumayo na ito.

"Bahala ka..matutulog na ko,"anito sabay talikod sa kanya.

"Goodnight,mahal.."

Natigilan ito saka lumingon sa kanya.

"Anong sabi mo?"

"Ha?"kaila niya sa tinatanong nito.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya.

"Sabi ko,Goodnight,mahal na mayora!"

Sumama lalo ang tingin nito sa kanya. "Hindi iyun narinig ko sa huli mo sinabi kanina,"anito.

Tumawa siya. "Narinig mo pala,ulitin ko?"

Nanlaki ang mga mata nito sa panghahamon niya.

"Ewan ko sayo..ang dami mo alam,"sikmat nito saka nagmamartsa na iniwan siya roon.

Tinawanan niya ang inakto nito.

Ang cute naman!

Nakita mo yun? Namula siya!

Napangisi siya ng ubod ng laki ng makita nga niya iyun bago siya nito talikuran.

Masaya ang puso niya. Hindi talaga siya matutulog.

Sa gitna ng katahimikan ng kagubatan ay maririnig ang mga kaluskos at ingay mula sa inaapakan na tuyo mga dahon. Mga yabag na maingat at alerto sa bawat hakbang paakyat sa bundok ng Mt.Tibos kung saan naroroon ang kanilang pakay.

"Habilin ni general na  harangin sila sa oras na makababa na sila,"habilin ng isang  dating sundalo na siyang nagsisilbing komando ng grupong rebelde.

"Bakit hindi na lang natin atakehin habang tulog ang lahat,"untag ng isa.

Ang tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing panglaw nila.

"Narinig mo naman siguro ang utos ni heneral.."sikmat nito sa kasama.

"Kaya natin sila..anim lang ang sundalo na kasama ng babaeng mayor. Sa tingin mo sa dami natin na mag-aabang sa kanila makakaya nila tayo?"pagsegunda ng isa naman.

Naningkit ang mata ng nagsisilbing komander ng grupo.

"Gusto mo mauna mamatay sa kanila?"pagbabanta nito sa kasamahan.

"Kailangan natin mag-ingat dahil hindi lang ang heneral ang magagalit kapag nasaktan ang babae,"mariin nitong sabi sa kasamahan.

"Magagalit? Hindi ba magagalit ang kapitan na iyun sa oras na malaman niya na kumilos si Heneral na hindi niya alam na ipapakidnap ang babae?"

"Tumahimik na kayo. Napakarami nyong sinasabi. Sumunod na lang kayo. Tandaan niyo ang sinabi sa atin. Kailangan natin maging alerto dahil hindi basta-basta ang Captain Rostov na yun,"paalala nito sa mga kasamahan.

Wala ng umimik at tahimik na muli nagpatuloy sa paglalakad upang marating ang tamang lokasyon kung saan ang mga ito mag-aabang.

Sumikat na ang araw at maghihintay na lamang ang mga ito na makababa ang mga sundalo kasama ang babaeng Mayor.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now