Chapter 24

906 107 18
                                    

Agad na nakaramdam ng protectiveness si Zeid ng makita magkausap si Rafael at Derin.

Walang kamalay-malay ang dalaga na isang mapanganib ang kababata nito at hindi niya hahayaan iyun.

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kapitana dahil nasa dalawa ang atensyon niya. Agad naman siya nakalapit sa mga ito.

Agad na napatingin sa kanya ang kapitan.

"Capt.Derin!"pagsaludo niya rito pagkalapit niya sa tabi ng dalaga.

Agad naman ito gumanti ng pagsaludo sa kanya. "Capt.Zeid,"anito.

"Magpapadagdag ako ng magbabantay dito sa munisipyo at ganun din sa bahay niyo,"sabi nito sa dalaga.

"Pwede naman ako na ang gumawa niyan tutal ako naman ang nakatalaga sa seguridad niya,"sabad niya sa sinabi nito.

Mapanabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

"Mas maganda siguro,Captain kung mas magpokus tayosa kanya-kanya area natin,ako na bahala kay Rafael,"nakangisi niya man sabi pero nandun ang awtoridad na siya dapat ang masusunod.

Blanko man ang emosyon sa mukha ng kapitan alam niyang ang nasa likod niyun.

"Well,bakit hindi natin tanungin si Rafael tungkol sa bagay na yan?"sabi nito pagkaraan.

Tahimik lang ang dalaga pero dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito at alam niyang naguguluhan ito. She's even feel the tension between his and his childhood friend..na isang traydor.

"Sa tingin mo,Raf...hindi ba mas pagkakatiwalaan ang team ko tutal naman matagal na sila naninilbihan dito sa atin bayan,"nakangiti sabi ni Capt.Derin sa dalaga.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa kanila dalawa.

"Nasa labas ang kalaban maliban na lang kung may traydor sa loob ng bayan ito,"nakangisi niyang sabi.

Napatingin sa kanya ang kapitan pero nakangisi naman siya na sinabi iyun.

"Ganun ang palagay mo?"seryoso saad nito.

Nagkibit siya ng balikat rito ng bumaling siya rito.

"Hindi ko sinasabi na meron nga..mas mainam na alerto lang kung meron man,"playful niyang sabi.

Mabilis na nakitaan niya ng galit ang mga mata ng kapitan.

"Sa tingin ko nga..tama si Capt.Zeid..uh,Derin,salamat mas mainam na magdagdag at higpitan ang pagbabantay sa buong kabayanan,"untag ng dalaga sa kanila na sabay nila kinabaling rito.

"Okay,ikaw ang boss,"tugon ng kapitan.

"Sira,"turan ng dalaga sa kapitan.

Agad na kinuha niya ang atensyon ng dalaga matapos lapitan sila ng ama nito at kausapin ang kapitan kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na masolo muli ang dalaga.

"Alam ko na kababata mo si Capt.Derin..maganda naman ang ideya niya,"turan niya sa dalaga.

Napataas ang isa nitong kilay.

"Anong ibig mo sabihin? Siya ang dapat ko paboran,hindi ikaw?"

Napangisi siya. "Hindi naman..akala ko lang kasi siya ang papaboran mo,"naaaliw niyang sabi.

Umismid ito sa kanya na kinatawa niya ng mahina. Inabot niya ang isa nitong braso at kinalas sa pagkakahalukipkip nito.

"Kinakabahan ako kapag umaatityud ka ng ganyan,bati na tayo?"panunudyo niya rito.

"Isa ka din sira,"anito na kinatawa niya.

"Yeah,sira-sira dahil sayo,"aniya sabay kindat niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito sa inakto niya.

Bago pa man ito makareak nagambala sila ng sumulpot sa tabi nila ang batang kapitanan at napangisi siya ng makita ang irita sa mga mata ng dalaga pero agad din nawala ng batiin nito ang kapitana.

"May pinadala meryenda,halika! Tikman natin!"aya sa kanya ng kapitana pagkabaling nito sa kanya.

Nanatili ang mga mata niya sa dalaga na masama ang tingin sa kamay nito na nakahawak sa braso niya.

Pasimple niya binawi ang braso niya sa mula sa kapitana at umusog patabi pa sa tahimik na mayora niya.

Inabot niya ang kamay ng dalaga na kinatigil nito.

"Samahan mo ko dun,"aya niya sa dalaga.

Napakurap-kurap ito.

Bumaling ito sa kapitana na alam niyang nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa kamay ng dalaga. Tumikhim ang dalagang mayora saka tumango.

"Uh,sige.."

Napangisi siya pero hindi niya binitawan ang kamay ng dalaga at siya na humila rito.

"Alam ko ayaw mong hinahawakan niya ko,"pabulong niyang sabi rito na kinasinghap ng dalaga.

"Hindi noh,"agad na pagtanggi nito.

"Alam ko noh.."aliw niyang sabi.

Tinawanan niya ang pagtalim ng mga mata nito sa kanya saka hinila na niya ito ng maramdaman na sumunod na ang kapitana sa kanila.

"Teka,akala ko ba kukuha tayo ng meryenda ni Kapitana?"may pang-iinis nitong turan sa kanya ng igiya niya ito palabas ng court.

Madilim na sa labas at nasa kanya-kanya naman ang lahat na nagbabantay na nakatalaga roon. Sinaluduhan siya ng mga ito ng makita sila ng mga ito.

"Saan ba tayo pupunta? Baka hanapin tayo sa loob,"untag nito sa kanya.

"Magpapahangin lang tayo saka napadami ata kain ko,"aniya habang ginigiya pa rin niya ito habang mahigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"May tsaa sa office,yung binigay mo para matunawan ka,"anito.

Nakangisi na nilingon niya ito.

"Dalawa na lang tayo sa loob,gusto mo doon tayo?"

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niyang kapilyuhan. Bago pa man ito makareak mabilis niya ito hinila at iniharap sa malawak na tanawin na tanging mga ilaw ang matatanaw sa malayong dako ng kabayanan.

Napasinghap ang dalaga sa ginawa niyang pagyakap rito mula sa likuran nito. Naninigas ang katawan nito na kinangisi niya.

"Kung pagpipiliin ka..saan mo gusto mo manirahan dito o sa siyudad?"pabulong niyang tanong sa gilid ng ulo nito.

Unti-unti ay nagrelax na ang paninigas ng katawan nito.

Malakas ang kabog ng dibdib nito at maingay ang isip nito na hindi naman niya gugustuhin na basahin.

"D-depende sa sitwasyon,"mayamaya saad nito.

Napangisi siya at inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya na nagpaubaya naman.

"Ako,sa siyudad ang gusto ko manirahan,"aniya.

"Obvious naman,"anito na kinatawa niya ng mahina.

Humigpit ang yakap niya rito. Nilanghap niya ang mabango nitong buhok.

"Malalaman mo rin kung bakit gusto ko manirahan sa siyudad,"saad niya.

"Talaga ba? Kasi...maraming chicks?"anito sa nang-iinis na tono na kinatawa niya ng mahina.

"Kapag natagpuan ko na siya. Sa kanya lang ang atensyon ko...ang buo kong pagkatao,"saad niya.

Natahimik ang dalaga.

"Siya na ang magiging buhay ko,"dugtong niya.

Tumikhim ang dalaga pagkaraan ng ilang sandali.

"Na hindi mo pa natatagpuan,"anito.

"Alam mo natagpuan ko na siya,"usal niya at muli humigpit ang yakap niya rito.

"Z-zeid,"usal nito sa pangalan niya na kinatuwa ng puso niya.

"Papatunayan ko naman yun,"masuyo niyang anas sa gilid ng sintido ng dalaga.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin at tanging ingay ng hampas ng hangin at ng kanila mga tibok ng puso ang namagitan sa kanila ng dalaga ng mga sandali iyun.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant