Chapter 6

1K 90 5
                                    

Pagkapasok ni Rafael sa kanyang kwarto mabilis na hakbang ang ginawa niya upang tunguhin ang closet niya para kumuha ng damit. Mabilis din ang kilos niya na pumasok sa banyo at mabilis na naglinis ng katawan at ng matapos humarap naman siya sa salamin upang magsuklay saka lang niya natanto ang ikinikilos niya.

Bakit ba siya nagmamadali?

Hindi ba pinagpapahinga na siya?

Ano? Baba pa ba siya?

Bigla nakaramdam ng inis si Rafael sa sarili na hindi niya maunawaan kung bakit siya nagkakaganito. Padarag na binagsak niya ang hawak na suklay saka mariin na ipinikit ang mga mata at ilang beses na humugot at nagpakawala ng hininga.

Relax..walang lang ito.

Unti-unti niya iminulat ang mga mata pero biglang gumuhit sa likod ng isip niya ang naabutan eksena kanina pagkalabas niya ng kanyang opisina. Nadatnan niya na nag-uusap sina Kapitana Sheryl at ang lalaking yun.

Mukhang close na agad base sa masayang ngiti ni Kapitana habang kausap nito ang Kapitan.

Maganda at sexy si Kapitana Sheryl. Friendly pa.

Samantala siya. Malamig ang pakikitungo niya sa isang bagong kakilala.

No,bakit ko ba kinikompara ang sarili ko sa iba?

Muli siya humugot ng hininga. Pagod lang ito. Tama.

Baka nakaalis na din naman siya.

Namalayan na lamang niya na nasa tabi na siya ng bintana upang tumanaw sa labas kung saan matatanaw ang garahe nila.

Hindi pa siya umaalis?

Natutukso siyang bumaba pero pinagpapahinga na siya di ba?

Pero minsan makisama ka na lang..

Marahas na buntong-hininga muli ang kumawala sa kanya.

Bakit ba ang stress niya ngayon?!

Wala naman nakakastress,denial ka lang..

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng isip niya.

"Pakielam ko sa kanya,"angil niya sa sarili saka lumabas ng kwarto niya.

Baba siya dahil gusto niya makisama. Iyun lang.

Makisama sa taong alam niyang araw-araw na niyang makakasama.

Pababa pa lang siya ng hagdanan naulinigan na niya ang pagtawa ng kanyang magulang. Hindi na muna siya magpapakita sa mga ito dahil mukhang nag-eenjoy ang magulang niya kasama ang kapitan.

Napahalukipkip siya at napasimangot.

Minsan lang magkatawanan ang kanyang magulang kapag may bisita sila. Hindi siya palabiro sa magulang kaya nakakamangha na marinig ang masayang pagtatawanan ng mga ito.

Enjoy na enjoy ang mga ito na kausap ang kapitan na iyun.

Isinandig niya ang kabilang balikat sa dingding malapit sa bukana palabas ng hardin nila. Nanatili lamang siya roon at pinapakinggan ang pagtatawanan ng kanyang magulang.

"Akalain mo sa laki mong yan eh takot ka sa ipis?!"nanunudyong sabi ng kanyang mommy.

"Nakakagulat lang po,"magalang na pagtugon ni Capt.Zeid.

Takot sa ipis?

Umangat ang isang sulok ng mga labi niya pero agad din nabura ang ngisi sa labi niya ng matanto ang nangyayari sa kanya.

Natutuwa ba siya?

"Hija?"

Muntikan pa siyang mapatili sa biglaan pagsulpot ng matandang katiwala nila.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon