Chapter 7

944 94 5
                                    

Wala naman kakaiba kaya relaxing time!

Napangisi si Zeid sa sinabi ng wolf niya. Minsan gusto na niyang makipagpalit rito. Ito ang mas nakakaramdam ng pahinga.

Pero alam natin mas lamang ka kaysa sa anupaman na kaya ko o ano nagagawa ko. Limitado lang. Magkahati tayo sa isip mo at katawan mo ,yan lang ang parte ko sayo..

"Big boss!"

Agad na napabaling siya kay Riel na siyang tumawag sa kanya habang inaalis niya ang nakabalot na benda sa buo niyang palad. Pagkagising niya routine na niya ang ang magbanat. Sparring with the air pero sa likod ng isip niya ay ang sarili niyang lobo ang siyang katapat niya.

"Riel,"usal niya sa pangalan nito. Sumaludo ito sa kanya pagkalapit na agad niya tinugon din ng pagsaludo.

"Dumating ang kabilang team,rest day natin lahat kaya naisipan nila bumisita dito satin,"inporma nito.

"Ganun ba,"aniya. Alam niyang may mga dumating pero hindi niya iyun pinansin dahil abala sila ng lobo niya sa pag-uusap.

"Oo,nandun nga sila lahat oh! May sparring nagaganap,"anito.

Pumihit siya paharap dito. Kilala niya ang batang ito.

"Dalawa na ang napatumba ni Capt.Derin,boss!"saad nito.

Nginisihan niya ito. "Reresbakan ko ba?"

Napakamot sa ulo ang binata sundalo. "Boss! Alam mo naman basta kapitan sa isang team magaling talaga. Kapitan ka at...sigurado ako mapapatumba mo si Capt. Derin,"anito na kinailing niya.

"Bilib na bilib ka talaga ka sakin noh,"untag niya na lalo kinapahiya nito.

Tinawanan niya ito saka tinapik ito sa balikat.

"Sa tingin mo mapapatumba ko si Capt.Derin?"

"Oo naman,big boss! Ikaw pa?! Huh! Wala pa nakakapagpatumba sayo!"agad na tugon nito.

"Meron na,actually,"saad niya na kinatigilan ng binata.

"Huh? Wala pa naman ah?"

Nginisihan niya ito at tinapik sa gilid ng ulo nito. "Meron na..."muli niya giit.

Kay Mayor Rafael. Hindi lang napatumba...nahulog pa!

Bago pa muli makareak ang binata inunahan na niya ito. "Tamang-tama kakatapos ko lang medyo mataas pa ang energy ko,"saad niya na agad na kinatuwa nito.

"Hinihintay ka nga nila,big boss!"

Napailing na lang siya. Labis ang pagmamalaki ng mga kasamahan niya sa kanya.

Kaya patumbahin mo ang Capt.Derin na yun..di ba kaagaw mo din yun kay Mayora?

Okay,lalaban tayo ng patas.

Napangisi siya habang nakasunod kay Riel na excited na excited na.

Sa malayo pa lang dinig na niya ang hiyawan ng lahat.

"Captain Zeid!"

Agad na sumaludo sa kanya ang lahat pagkalapit niya sa mga ito.

"Captain!"nakangisi pagsaludo sa kanya ng isa sa team niya ng makatayo ito mula sa pagkakasalampak nito sa lupa.

Sinaluduhan naman siya ni Capt.Derin na siyang kasparring ng huli.

Agad niya tinugon ng saludo ang kapitan.

"Capt.Derin,"turan niya rito.

"Nagkakasiyahan lang. Naisip namin na bisitahin kayo rito at...masaya sila kasparring, "saad nito.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang