Chapter 10

1K 87 2
                                    

Hindi niya gusto ang pinaparamdam sa kanya ng kapitan iyun pero wala naman siya magagawa kundi tanggapin na lamang dahil trabaho nito na bantayan siya oras-oras at kailangan na niyang masanay sa presensya nito.

Pero mukhang hindi sa pakiramdam na pinaparamdam sa kanya nito.

"Magandang Umaga,Mayora!"pagbati nito sa kanya.

Tumikhim muna siya saka casual na binati din ito. "Magandang umaga din,Capt.Zeid,"saad niya.

Bakit ba hindi nakakairita ang pagngisi nito o ganun talaga ito ngumiti?

"Lady's first?"untag nito na sinabayan ng aksyon gaya ng kung paano tratuhin ang pagdaan ng isang prinsesa.

Walang imik na humakbang siya habang nakangisi pa rin ito na tila manghang-mangha pa sa inakto nito. Marahil hindi siya sumalungat sa inakto nito hindi gaya ng una.

Napaigtad siya ng unahan siya nito sa pagbukas ng pintuan ng kotse niya. Ang bilis nito nakalapit sa kanya. Dapat ba siya magtaka? Bihasa ito sa propesyon nito at isa sa training nito ang pagiging mabilis at maliksi.

Nakangisi na sumenyas muli ang mga braso nito pasakay ng kotse.

Kinunot niya ang noo. Sa paraan iyun matalo niya ang nagbabantang ngiti sa mga labi niya sa inaakto nito.

He look so childish.

Parang bata.

Pero aminin mo,self...hindi lang siya ubod na gwapo. Ang cute pa niya.

Napasinghap siya sa pinag-iisip niya. Nang makasakay ito sa likod ng manobela inabala naman niya ang sarili sa pagtingin sa phone niya kung ano ang schedule niya sa araw na ito.

"Mayora,"pagtawag nito sa kanya habang minamaniobra ang sasakyan niya.

Agad na naman bumilis ang tibok ng puso niya pero kaagad din niya kinalma ang sarili.

"Yes,Capt.Zeid?"pormal na tono sabi niya habang nanatili ang mga mata niya sa screen ng phone niya.

Tumawa ito ng mahina. Pero tunog alanganin tawa iyun kaya napaangat siya ng tingin rito.

"Di kasi ako sanay na tahimik ang kasama ko,"saad nito.

Napataas ang isa niyang kilay rito at muli ito tumawa ng lingunin siya.

"Gusto mo iopen ko ang radyo?"tanong niya rito.

Muli ito tumawa pero may himig na pagkamangha na iyun.

Imbes na mainis siya sa inakto nito napatitig na lamang siya sa mukha nito.

Napakagenuine ng tuwa nito. She just staring at him. Sa pagtitig niya sa mukha nito noon lang niya napuna ang bawat anggulo ng mukha nito ng ganitong kalapit.

Mahaba at makapal ang pilikmata nito. Ang kulay brown na mga mata nito pero kung titigan mo ng matagal tila nagiging kulay ginto iyun.

His eyes. Kakaibang mga mata.

Namamangha siya sa kulay ng mga mata nito. He's so manly. Mas lalo ito nagmumukhang matured dahil sa stubbles nito.

"Mayora?"pukaw nito sa kanya.

Agad siyang natauhan. Nahalata kaya nito na titig na titig siya rito?

Pinigilan niya na makaramdam ng pagkapahiya sa inakto niyang iyun.

Tumikhim siya saka umayos ng pagkakaupo niya sa passenger seat saka deretso ang mga mata niya sa unahan.

Pero bigla siya napalingon sa katabi ng marinig ang hindi pamilyar na kanta mula rito.

He singing while he's driving. Napatunganga na lang siya dahil isa na naman nakakamangha at nagpapabilis ng tibok ng puso niya ang nadiskubre niya mula rito.

His voice,yes,it's so manly but husky while he's singing.

Ngayon niya lang ata masasabi na may perpekto ngang nilalang na nilikha ng nasa Itaas at ang kapitan na ito ang nagpatunay niyun.

Hintayin mo na lang kung marunong sumayaw!

Muntik na siya masamid sa sariling laway sa kapilyahan ng isip niya.

Sayaw? Sumasayaw din kaya ito?

Anong klaseng sayaw naman?

Napasinghap siya ng may kung ano hindi kaaya-ayang idea ang papasok sa isip niya na agad niya winaksi.

No,no,no.

This is so insane.

"Panget ba boses ko?"pukaw nito sa kanya.

"Ha?"turan niya.

"Panget ata..nakakunot ang noo me eh,"saad nito na mahihimigan ang pagkapahiya nito.

Napaawang ang mga labi niya. Ito? Marunong mapahiya?

"Pwede na,"usal niya na pilit pinipigilan na mapangiti.

Natawa ito na sinabayan ng pag-iling. "Kailangan ko na ulit hasain ang boses ko para maimpress ka,"bulong nito.

"Ano?"tili nabingi siya sa sinabi nito o talagang narinig niya iyun?

Ngumisi ito sa kanya. "Ayoko mapahiya sayo,Mayora..mahilig ako kumanta kaya lang mukhang kailangan pa ng practice, "tugon nito.

"Hindi naman...uh, Ayos lang. Pasensya na. Hindi ko lang inaasahan na marunong ka kumanta,"saad niya.

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi nito. "Bumabawi si Mayora ah!"

Tumikhim siya upang iwaksi ang balak na sakyan ang biro nito.

"I-push mo lang,"casual niyang sabi sabay tutok sa unahan ang tingin.

Pinigilan niyang lingunin muli ang kapitan ng tumawa ito sa huling sinabi niya.

Mahirap sa kanya magpigil ng sarili lalo na kung nakakahawa ang mood ng kasama mo.

Bakit hindi mo pagbigyan ang sarili mo?

Bago ito sa kanya. Wala pa siyang ibang lalaki na hinayaan niya na makuha ang loob niya maliban sa kababata niyang si Capt.Derin.

Tunay nga talaga mahirap magkunwari sa sarili. Pagkakababa nila ng sasakyan sa harap ng munisipyo agad na pinagkaguluhan ng mga naroroon ang kapitan.

"Good morning,Capt.Zeid!"pagbati ng dalagang kapitana.

Napataas ang isa niyang kilay ng makitang may binigay itong isang paperbag .

"For your lunch,later..sana magustuhan mo. Luto ni mommy,"maligaya nitong sabi.

Napatitig siya sa kapitan. Napasulyap ito sa kanya at tila alanganin pa ang ngiti nito na inabot ang binibigay ng dalagang kapitana.

Tsk.

Tinalikuran na niya ang mga ito at may bumati naman sa kanya papasok sa munisipyo. May ilan na naroroon na una pang binati ang kapitan kaysa sa kanya.

Masanay ka na..pagkakaguluhan talaga yan kung ganyan kagwapo..

Napaismid siya na nakita naman ng sekretarya niya kaya nailang tuloy itong bumati sa kanya. Tumikhim siya ng matanto ang nagawa niyang iyun.

"Nasa table niyo na po yung mga papers na kailangan ng sign niyo,"nanantiya nitong sabi.

"Sige,salamat.."casual niyang tugon saka siya pumasok sa loob ng opisina niya saka nagpakawala ng buntong-hininga.

Apektado ba siya?

Hindi naman dapat, di ba?

Pabagsak na umupo siya sa likod ng desk niya.

"Ewan ko. Basta ayusin niya ang trabaho niya,"usal niya sa kawalan saka hinarap ang mga papel na nasa harapan niya.

Saka karapatan ba niya makaramdam ng inis ng makita na tila close na sila ni Kapitana?

Wala.

Kaya pokus lang sa trabaho,Rafael Raviles!

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now