Chapter 23

1.2K 102 13
                                    

Nagkaroon ng seremonya sa munisipyo para sa pagpapasalamat ng lahat para kay Capt.Zeid at paggawad rin ng karangalan para sa kapitan pagkatapos ng maghapon trabaho sa munisipyo.

Mula ng magsimula ang seremonya napansin na ni Mayor Rafael ang hindi paghiwalay rito ng kapitana. Nakadikit ito lalo pa ng makaharap ng kapitan ang magulang ng kapitana.

"Nagseselos ka ba?"

Nabigla siya sa tanong na iyun mula sa kanyang ina. Pabulong naman iyun sinabi.

Nanlalaki ang mga mata niya saka lumingon-lingon na baka may nakarinig sa sinabi ng ina na may nanunudyo ngiti sa mga labi nito.

"Ano po ba sinasabi niyo dyan?"

Binunggo nito ang balikat niya. "Kanina pa nakasalubong yang mga kilay mo kapag nagagawi yung tingin mo sa kanila eh,"mahinang sagot ng ina.

Kumabog ang dibdib niya. Kinakabahan siya na baka may makarinig sa kanila ng kanyang ina. Dinaan niya siya pagtawa saka bumaling sa mga pagkain na nakahanda sa mahabang lamesa.

Inabala niya ang sarili sa pagkuha ng pagkain.

"Anak kita..malakas ang mother instinct namin mga ina sa mga anak nila,"patuloy pa rin ng ina.

Bumuga siya ng hininga saka bahagya bumaling sa ina na tumabi sa kanya at inusisa ang mga pagkain na nasa harapan nila.

"Gustong-gusto siya ng mga magulang ni Kapitana..kaibigan ko sila pero syempre talo-talo kami kapag anak na ang usapan,"patuloy nito saka humarap sa kanya.

"Gagawin mo yun?"mangha niyang tanong.

Tumaas ang isang kilay ng ina. "Si Zeid ang gusto ko makatuluyan mo,anak..hindi lang dahil mapoprotektahan ka niya. Nararamdaman ko na kayo ang itinadhana."sigurado nitong sabi.

"Gaano naman po kayo kasigurado dyan?"

Ngumisi ang ina. "Nararamdaman ko gusto ka ni Zeid. Ikaw lang ito snobbish.."

Pinigilan niya ang sarili na sabihin ang ina na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng kapitan tungkol sa damdamin nito para sa kanya. Naiisip pa rin niya na baka mabigo lang sa huli ang kanyang ina kung aasa ito kung...hindi naman sila sa huli.

Masyado mo lang pinangungunahan ni ayaw mo nga pagbigyan ang sarili mo!pangaral ng kanyang isip.

"Ikuha mo ng pagkain si Zeid,"untag sa kanya ng ina.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ina.

"Bago ka pa maunahan ni Kapitana,bilis!"udyok ng ina at kinuha nito sa kanya ang hawak niyang plato na nilagyan niya ng pagkain para sa sarili niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya.

"Sabay tayo lalapit sa kanila. Kakausapin ko si Kapitana saka mo ilayo si Zeid dun,okay?"

Hindi makapaniwala na napatitig siya sa sinabi ng ina.

"Hindi ba nakakahiya,Mama?"

"Anong nakakahiya? Baka nahihiya ka lang sakin na gusto mo naman talaga si Zeid,"tugon nito sa kanya na nagpamaang sa kanya.

"Bilis na!"anito saka siya kumilos sa pagkuha ng mga pagkain para sa kapitan.

Nang makakuha na ng sapat. Agad na hinila siya ng ina kung nasaan ang kapitan na kausap pa rin ang magulang ng kapitana.

Mas dumoble ang tibok ng puso niya habang papalapit sila sa mga ito. Mas naging triple pa iyun ng bumaling sa kanya ang mga mata ng binata na tila naramdaman agad nito ang presensya niya.

Agad na ngumiti ito sa kanya. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa pinggan na may laman na pagkain para rito.

"Kamusta?! Kamusta?!"magiliw na pagbungad ng kanyang ina sa mga ito ng tuluyan na sila makalapit sa mga ito.

Agad na napadako ang mga mata niya sa kamay ng kapitana na nakahawak sa braso ng binata na katabi nito sa upuan.

Mabilis na tumayo ang kapitan na may ngisi sa mga labi nito. Kita sa mga mata nito na tila kanina pa siya nito hinihintay na lumapit rito.

Tumikhim siya ng makalapit sa kinatatayuan niya ang kapitan.

"Captain,kain ka na muna. Kinuha ka ni Rafael ng pagkain,Anak,hija..asikasuhin mo muna si Zeid,"saad ng kanyang ina na kulang na lang pagtulakan sila dalawa.

"Sige po..maiwan ko ho muna kayo rito,Ma'am,Sir!"paalam nito sa magulang ng kapitana.

Bago pa makapagsalita ang kapitana agad na sumabad ang kanyang ina.

"Sige na,hija..alam kong may pag-uusapan pa kayo,"pagtataboy ng kanyang ina sa kanila.

Napakislot siya ng maramdaman ang kamay ni Capt.Zeid sa likod niya. Kinuha nito sa kanya ang hawak niyang plato at ito na ang gumiya sa kanya palayo sa mga ito.

"Para sakin lahat na ito?"untag nito sa kanya habang magkaagapay sila naglalakad.

Nasa likuran pa rin niya ang kamay nito at hindi na siya mapakali.

Mas doon nakatuon ang atensyon niya kaysa sa tanong nito.

Natauhan lang siya ng hawakan siya nito sa siko niya na kinahinto niya sa paglalakad.

"Dito na lang tayo,"giya nito sa kanya sa isang monobloc na upuan.

Saka lang niya natanto na nasa banda dulo sila nakapwesto medyo malayo sa karamihan na abala sa pagkukwentuhan.

"Ayos ka lang ba?"untag nito sa kanya.

Napakurap-kurap siya at agad na natauhan sa sarili. Tumikhim siya saka binaling ang tingin sa pinggan nito na nasa harapan nito. Magkaharap sila ng kapitan.

"Bakit ako lang may pagkain? Ikukuha kita!"

"Hindi! Huwag na,kumain ka na..nakakain na ko,"agad na pigil niya rito.

"Ganun ba?"

"Bakit? Ayaw mo sa kinuha kong pagkain para sayo?"nanantiya niyang tanong rito.

Agad na umiling ito ng mabilis. Muntikan pa siyang mapangito sa inakto nito.

"Wala naman ako sinasabi! Hindi kasi romantic,mag-isa lang ako kakain,"saad nito na kinaawang ng mga labi niya.

Ngumisi ito sa kanya.

"Parang date lang natin,"nakangisi nitong turan na mas lalo kinamaang niya.

Tumawa ito at nahigit niya ang hininga ng pisilin nito ng masuyo ang baba niya.

Nakanganga ata siya!

"Ang cute mo!"

Agad na nakaramdam siya ng pagkahiya.

"K-kumain ka na nga,"napapahiyang wika niya rito.

"Opo,boss!"agad nito pagsunod sa kanya.

Pagkatapos nito sumubo hindi niya inaasahan ang sunod nito ginawa. Iniumang nito sa tapat ng bibig niya ang isang pirasong maliit na karne.

"Saluhan mo ako,"nakangisi nitong turan sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito.

"Sige na..ubusin natin dalawa itong kinuha mo pagkain para sakin,"untag nito sa kanya.

Wala na siya nagawa kundi tanggapin ang nakaumang na pagkain sa harapan niya.

Nagpalinga-linga pa siya at may iilan na naroroon na tumatanaw sa kanila pero hindi siya gagawa ng eksena.

Ayaw niyang pareho sila mapahiya ng kapitan kung mag-iinarte siya kung sa kalooban naman niya ay gusto niya ang ginagawa ng binatang kapitan.

Ganyan nga..huwag na magdeny pa.

Tama. Oras na siguro na hayaan niya ang totoong nararamdaman nila pareho.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon