Chapter 41

774 77 2
                                    

Hindi maipaliwanag ni Rafael ang nararamdaman niya ng mga oras na iyun habang kasama niya ang mga mahal sa buhay ng kasintahan niyang si Zeid. His twin brother,Zeil. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay ang pagiging seryoso ni Zeil kaysa kay Zeid na pilyo. His Ate Valerie na walang tulak kabigin ang ganda nito. Ang saya niya. Ang saya kasama ng mga ito pakiramdam nga niya hindi siya kabilang sa mga ito dahil may kung anong kakaiba sa mga ito na hindi niya matukoy.

Napukaw siya ng magvibrate ang phone niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Pababa na siya para bumalik sa hardin kung nasaan ang lahat nagpaalam siya saglit na gagamit ng banyo. Dinukot niya iyun sa bulsa niya at nakitang tumatawag ang kababata niyang si Derin.

Agad naman niya sinagot iyun. May pag-aalala din siya rito at hindi na din sila nagkakausap dalawa.

"Derin,"agad na bungad niya sa kabilang linya.

Hindi umimik ang nasa kabila linya kaya kinailangan pa niyang tignan na baka namatay ang tawag pero nakakonekta pa rin naman muli niya binalik sa tapat ng tainga niya ang aparato.

"Derin?"muli niya sambit sa pangalan ng kababata. Magtataka na sana niyang ng marinig niya ang malalim na paghinga.

"Raf..."paos na tono sambit nito sa palayaw niya.

Nangunot ang noo niya. Agad na nakaramdam siya ng pag-aalala rito.

"Okay ka lang ba?"

"Raf...pwede mo ba kong puntahan?"puno ng pagmamakaawa nitong sabi.

"Derin..uh,nandito ako ngayon sa maynila,"nanghihinayang niyang sabi.

"Nandito din ako sa maynila..magkita tayo,please.."

Nilukob siya ng pag-aalala sa kababata sa klase ng pananalita nito.

"May...may nangyari ba?"may kaba niyang tanong rito.

Hindi sumagot ang kababata tanging naulinigan niya na tila may sinasalin ito. Marahil umiinom ito ng alak base na rin sa pananalita nito.

Napabuntong-hininga siya. Hindi kaya...may nalaman ito? Alam na kaya nito kung sino ang tunay nitong ama?

"Please,magkita tayo,Raf..ikaw lang..baka..baka hindi ka payagan ni Capt.Zeid,"anito na may halong pait sa tono nito.

Napahugot siya ng hininga. Magdadalawang-isip siya. Kung hindi niya ipapaalam kay Zeid. Ang huli naman ang mag-aalala sa kanya.

"Please,Raf..kailangan ko ng karamay ngayon. Parang hindi ko na kakayanin,"tila nahihirapan nitong sabi.

"Derin. Wag ka gagawa ng kahit anong hindi maganda sarili mo,naiintindihan mo? Magagalit ako sayo!"mariin niyang sabi.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"patuloy niya.

"Magkita tayo,"saad nito. Ramdam na ramdam niya ang kailangan nito ng karamay at bilang kababata nito kailangan niya itong damayan at may kutob siya may kinalaman iyun sa dating heneral kung ano ang pinagdadaanan nito ngayon. Nag-aalala siya dahil ngayon lamang ito naging emosyunal.

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib saka siya sumagot rito. "Ibigay mo sakin ang address kung saan kita pwede puntahan,"saad niya.

"Tatawagan kita kung saan tayo magkikita,"tugon nito.

"Okay,sige. Magpahinga ka na. Alam kong umiinom ka ngayon. Hindi ko alam kung ano nangyayari sayo ngayon please lang ayaw kong magkita tayo bukas na haggard ang itsura,"papatawa niya sa dulo.

Napangiti naman siya ng maulinigan ang mahina pagtawa ng kababata. "I know..and i miss you,Raf.."

"Miss din naman kita,Derin..naging abala lang tayo..at ako sa dami ng kinakaharap namin ngayon,"may lungkot na sabi niya.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें