Chapter 52

962 99 23
                                    

AUTHOR'S APOLOGY : FIRST OF ALL I WANT TO SAY SORRY KUNG BAKIT ANG DALANG KO NA MAG-UPDATE HINDI GAYA NOON😭 PERO SOBRANG NAMIMISS KO DIN YUNG LAGI MAY UPDATE AKO. YUNG MASIPAG PA KO PERO NAGBABAGO LANG SIGURO ANG IKOT NG ORAS. NANDYAN YUNG SOBRANG BUSY KA SA WORK KASI IKAW LANG INAASAHAN NG PAMILYA MO NASA PILIPINAS. PATAWARIN SANA NIYO AKO SA UBOD NG BAGAL NG MGA UPDATE KO NGAYON😭 KAHIT AKO NAPAPAISIP KUNG TULUYAN KO NG ITIGIL ANG PAGSUSULAT KASI MAY PUNTO NA NAWAWALAN NA DIN AKO MAGSULAT PERO SA TUWING SUMISILIP AKO DITO AT MAKITA ANG BILANG NG FOLLOWERS KO NAHIHIYA AKO LALO NA MGA SA NAUNANG NAGING MAMBABASA KO NA SANAY SA MABILISAN UPDATE KO. SORRY TO DISAPPOINT YOU ALL,GUYS! HINDI NIYO LANG ALAM KAHIT SA SARILI KO NAIINIS AKO DAHIL BIGLA NA LANG AKO HUMINA SA PAGSUSULAT PERO ALAM KO MAGPAPATULOY PA DIN AKO LALO NA MARAMI PA DIN NAGMIMESSAGE SAKIN KUNG KAILAN ANG UPDATE. MARAMING-MARAMI SALAMAT! SLMT! SA MATYAGANG PAGHIHINTAY SA TAMAD NIYONG AUTHOR😅🤣


Pilit na pinatatag ni Zeid ang kalooban habang mariin na nakatitig sa maputlang mukha ni Riel. Mahinang-mahina na ito. Ang puso nito na mabibilang na lamang ang pagtibok. Naikuyom niya ng mariin ang mga palad.

Gusto niya ko makita..

"Kuya..."halos pabulong nitong saad na siyang pumukaw sa atensyon niya.

Mariin niya naipikit ang mga mata. "Riel.."wika niya sa pangalan nito.

"S-saka n-nga pala..g-gusto ko sana ilibing ako sa k-katabi ng puntod nina n-nanay at tatay,"usal nito pagkadaka paghabol nito sa paghinga.

Naitiim niya ang bagang. Mahirap man tanggapin ang kapalaran nito sigurado naman siya magiging masaya naman ito sa kabilang buhay kasama ang mga magulang nito.

Dinaklot niya ang likuran ng ulo nito at pinagdikit niya ang kanila mga noo kasabay niyun ang biglaan pagbuhos ng ulan. Tila ba nakikiramay ang ulap sa papalapit na paglisan nito. Ang ulap na siyang lumuha para sa kanya pero ramdam niya ang mainit na likido na dumaloy sa kanyang pisngi kasabay ng tubig ulan na bumabasa sa kanyang mukha.

"Alam mo kung gaano mo ako napapabilib,Riel! Isa kang matapang na tao na nakilala ko sa mundong ito! Hindi ka lang isang hero ng mundong ito,Riel..sa puso ko ikaw ang nag-iisang hero sakin,"usal niya habang magkalapit ang kanila mga mukha. Tumango ito. Tumatawa na pinaglayo niya ang kanila mukha na basang-basa na ng ulan.

"U-umiiyak ka ba,K-kuya.."nang-aasar pa nitong turan sa kanya na kinailing niya sabay tapik sa braso nito.

"Hindi noh! "

Nanghihina na tumawa ito saka humugot ito ng napakalalim na hininga. Naalarma siya na baka hindi na ito magmulat ng mga mata.

"Gusto mo siya makita,di ba?"untag niya rito.

Dahan-dahan pinilit nito imulat ang mga mata.

Hindi na ito nagsalita pa. Humugot siya ng malalim na hininga saka tumindig sa harapan nito.

"Salamat sa katapangan at sa kagitingan mo,RIEL SEYTO!"

Isang iglap ay nasa anyong-lobo na siya. Ang halos di na nito maimulat na mga mata ay pilit na itinuon ang tingin sa lobo na nasa harapan nito.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito at kung hindi lamang matalas ang kanyang pandinig hindi niya maririnig ang huling salita na sinabi nito bago ito tuluyan bawian ng buhay.

"Salamat,Kuya Zeid.."

Matiim na nakatitig ang mga mata ni Zeid sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng dating kasamahan at tinuring niyang kababata kapatid na si Riel. Gaya ng huli nitong hiling ay pinalibing niya ito sa katabi ng puntod ng mga magulang nito.

Masakit at mahirap para sa kanya sa tuwing may nawawala sa mga kasamahan niya hindi niya mapigilan na isisi sa sarili na hindi niya magawang protektahan ang mga ito. Nabigo man siya kay Riel. Alam niyang may dahilan ang lahat.

Itiningala niya ang mukha sa kalangitan. Maaliwalas at kulay asul ang kalangitan. Umangat ang braso niya upang bigyan ito ng huling saludo para rito.

Patuloy ang buhay,ika nga may mawala man may parating naman sa buhay mo.

Hindi makapaniwala na nakatitig si Zeid sa hawak na kulay puting pregnancy test.

Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng dalawang pulang linya na naroroon. Tatlong buwan na ang lumipas mula ng mawala sa kanya si Riel pero...may dumating.

Pag-angat niya ng mga mata sa kasintahan na may ngiti sa mga labi nito. Mabilis pa sa hangin na sinunggaban niya ito ng mahigpit na yakap saka binuhat ito. Nagpaikot-ikot sila habang may masasayang tawa mula sa kanila.

"Zeid,nahihilo na ko!"

Agad naman binaba naman niya ang kasintahan sa paanan ng kama. Buong ingat na pinaupo niya ang kasintahan roon ng matanto ang agresibong ginawa.

"Shit! Sorry! Dapat di ko ginawa yun!"nagsisisi niyang bulalas.

Nakangiti na hinaplos ng kasintahan ang kanyang ulo. Nakaluhod siya sa harapan nito. Niyakap niya ang balakang nito saka inilapat ang kabilang mukha sa tyan nito.

"Hello,baby ko! Excited na ko makita ka ni Dada!"kausap niya sa impis pang tyan ng kasintahan na kinatawa naman ng huli.

"Excited ka nga,dugo pa yan eh,"natatawa nitong sabi.

Nakangisi na ipinikit niya ang mga mata at dinama ang init na nagmumula sa kasintahan.

"Gusto ko kapag lalaki ang anak natin..Riel ang ipangalan natin,"untag nito na mabilis na kinamulat niya ng mga mata saka tiningala ang nakangiting kasintahan.

Lumipat sa pisngi niya ang mainit at malambot nitong palad. Masuyong humahaplos roon.

"Hindi rin naman nagkakalayo sa pangalan natin,di ba? "

"T-talaga? Kasi yan sana gusto ko ipaalam sayo,"saad niya.

Nakangiti na tumango ang kasintahan. "Alam ko na naging bahagi ng buhay mo si Riel..at alam ko habam-buhay mo siya alalahanin,"anang ng kasintahan.

Napuno ng kalagakan ang puso niya sa sinabi ng kasintahan.

"Salamat, Mahal ko!"

Pinatakan nito ng halik ang kanyang mga labi.

"Walang anuman,my big captain!"

Inabot niya ang mga labi ng kasintahan at puno ng pagmamahal na hinalikan niya ito.

Punong-puno ng kasiyahan ang puso niya ngayon na nagkaroon ng kalungkutan mula ng pumanaw ang dating kasamahan.

Nagpapasalamat siya na nariyan ang kanyang pamilya. Ang kanyang pinakamamahal na kasintahan si Rafael na sinamahan siya magdalamhati at hinayaan siyang ipagluksa ang dating kasamahan ng maraming araw. Hindi ito nagreklamo sa kanya ng may pagkakataon na mas pinipili niya abalahin ang sarili sa trabaho at pagtitrain sa mga kasamahan. Initindi siya nito at ngayon ito pa ang nagsabi na ipangalan sa dating kasamahan ang unang magiging anak nila sakali man na lalaki ang kanilang panganay.

"Mahal na mahal kita,Rafael..patawarin mo ako sa mga araw na hindi kita nabigyan ng atensyon,"usal niya.

"Nauunawaan kita,Zeid..hindi madali sayo ang pagkawala ni Riel. Hindi ko yun ipagdadamot sayo dahil bukod sa una siyang dumating sa buhay mo kaysa sakin,"tugon ng kasintahan.

"Salamat, "puno ng pagmamahal niyang saad.

"Mahal na mahal din kita,Zeid. Mahal na mahal ka namin ng anak natin!"tugon ng kasintahan.

Tahimik na nagpasalamat siya buong Maykapal sa pagdating ng blessing na ito. Ang kukumpleto muli sa kanyang buhay.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя