Chapter 9

1K 94 6
                                    

Sa gitna ng tahimik ng kagubatan mauulinigan ang kaluskos ng mga sanga na tinatangay ng hangin mula sa matataas at matatayog na puno. Isang lugar na hindi maaabot ninuman at hindi tatangkain na taluntunin dahil sa tarik at layo nito mula sa nayon.

Sa isang kubo ay bumukas ang pintuan niyun na gawa sa dahon ng niyog tanging lampara lamang ang liwanag sa kabuoan ng maliit na kubo. Sa labas naman ay tahimik na nakapalibot ang mga kalalakihan na nay kanyang-kanya hawak na armas.

"Ngayon ka lang napadalaw?"untag ng mababang boses ng isang lalaki. Nasa sulok kung saan may maliit na papag roon kung saan ito roon namamahinga.

"Masyadong abala sa ibaba,"tugon naman ng lalaki na siyang pumasok at naupo sa nag-iisang upuan na plastik kaharap ang maliit na mesa.

"Abala? Masyado ng nakakainip,"saad ng naunang nagsalita na lalaki.

"Sinabihan na kita..dumating na ang kapitan ng Blackwolves team,"agad na tugon ng lalaking bisita.

Mula sa dilim mauulinigan ang pag-ismid nito. "Gaano ba kabagal ang pagkilos mo?"patuya nitong sabi.

"May usapan tayo..ako lang ang mata mo at ang magsasabi kung kailan dapat kayo aatake,"mariin pagtugon ng bisita.

Mapanuyang tumawa ang may-ari ng kubong iyun.

"Kaya kong atakehin ang lugar na yun kung kailan ko gugustuhin pero dahil sa mga bagong saltang mga sundalo iyun at ang paghigpit ng seguridad sa baba. Kailangan kong umasa sayo,"sarcastic na wika nito.

Ang bisita lalaki naman ang siyang tumawa. "Kaya nga dapat mag-iingat ka sa sasabihin mo. Ako lang ang maaasahan mo para matupad ang plano mo na masakop ang lugar na yun,dating heneral,"patuyang tugon sagot ng lalaki.

Hindi umimik ang lalaki na siyang dating heneral;ang siyang dating nagpoprotekta sa lugar na nais niyang sakupin pero dahil sa pait ng na nakaraan napilitan ang dating heneral na umaklas bilang hero ng lugar na iyun. Naabuso ng kasamaan ng isang tao na siyang kanyang pinoprotekta noon.

Lumangitngit ang upuan ng tumayo ang lalaking bisita.

"Hindi na ko magtatagal. Hintayin mo ang ipapadala ko signal para sa muling pag-atake,"saad ng lalaki.

"Pinag-isipan mo na ba ang sinabi kong bagong plano?"pahabol na tanong ng dating heneral.

Natigilan ang bisitang lalaki bago pa man itong makarating ng pintuan.

"Hindi mo siya gagalawin,"mariin at puno ng babala nitong sabi.

Napahalakhak ang dating heneral.

"Masyado kang mahina,bata..."tumatawa nitong sabi.

Tahimik naman napakuyom ng mga palad ang lalaki.

"Hindi mo kailangan makielam,"mariim at may pagbabantang sagot nito saka ito lumabas  bago pa man maisara nito ang pintuan nagsalita muli ang dating heneral.

"Baka maunahan ka niyan,bata...mukhang hindi papahuli ang Capt. Zeid na yun,"tuya nitong sabi saka malakas na isinara ng lalaki ang pintuan.

Tiimbagang na tinungo niya ang kinapaparadahan ng motorsiklo niya.

Wala pang sinuman ang nakakatalo sa kanya kahit na ang Capt.Zeid na yun. Kung sa una nautakan siya nito hinding-hindi na ulit mangyayari yun sa susunod.

Hindi rin niya hahayaan na maagaw nito ang dapat na sa kanya lang.

Masyadong malawak at isolated ang buong lugar na ito...komento ng lobo ni Zeid.

Naisipan nila na mag-ikot-ikot habang nagpapahinga ang ilan sa kaniyang kasamahan na nasa kampo.

Sang-ayon si Zeid sa sinabi ng lobo niya. Malawak at tila walang hangganan ng kagubatan pataas sa kabilang kabundukan. Hindi lang ito ang unang beses na napunta siya sa ganitong klase lugar pero ito ang lugar na tiyak na pinamumugaran ng mga rebelde kung saan hindi maaabot ng seguridad mula sa kabihasnan.

Sa ganitong lugar ay malaya nagpapalit sila ng kanyang lobo gaya ng lamang ngayon. Mula sa kadiliman tahimik na minamatyagan ang kapaligiran. Ilang gabi na rin nila ito ginagawa upang humanap ng bakas mula sa mga rebelde na siyang nanggugulo sa mga tao. Sa ngayon,bigo pa sila ng lobo niya.

Hindi naman  nagtagal nagpasya na sila ng lobo niya na bumalik na sa kampo. Palabas na ng kagubatan ng matigilan sila ng kanyang lobo. Agad na kumubli sila sa mas madilim na parte sa may likuran ng kasukalan ng makaulinig sila ng ugong mula sa isang sasakyan.

Ingay mula sa isang motorsiklo.

Papalakas ng papalakas ang ingay mula sa makinang iyun hanggan sa masilayan ng matatalas nilang mata ang isang mataas na motor.

Hindi ba si Capt.Derin yun?

Nanatili sila nakakubli sa kadiliman habang tinatanaw ang pagdaan ng kapitan sakay ng isang mataas na motorsiklo.

Mukhang gaya mo ay nag-iikot din siya..

Napatango-tango siya. Mangha din siya sa kapitan iyun. Hindi nga naman ito magiging kapitan kung pa-easy-easy lamang ito at umaasa sa iba. May kusa din. May sarili din sikap.

Okay naman sana maging kaibigan kaso iba lang talaga ang nasisense ko sa kanya..

Nang tuluyan ng mawala sa paningin niya ang kapitan at makalabas na ito ng kagubatan saka sila nagpatuloy at nagpalit na sila bago pa man niya marating ang kanilang kampo.

Walang naman siguro masama kung kakaibiganin niya ang kapitan na iyun kahit nasisiguro niya na kahati niya ito kay Mayor Rafael.

Kinabukasan,agad na hinanap niya si Capt.Derin kung saan ito nakadestino. Sa dulong bayan ito ngayon naroroon kasama ang ilan sa team niya. Agad sinaluduhan siya ng mga ito ng makita siya. Dumaan muna siya rito bago siya tumuloy sa bahay ng Mayora upang sunduin ito.

"Capt,Zeid,"pagsaludo sa kanya ni Capt.Derin.

"Dumaan lang muna ako para kamustahan ang lahat,"bungad niya pagkaraan saluduhan ito.

Tumango ito saka nilibot ang tingin sa kapaligiran kung saan may kanya-kanya pwesto ang mga sundalo kasama nito.

"Salamat sa pagbisita. Maayos naman ang lahat at payapa pa,"turan nito.

"Sana nga hindi na maulit ang panggugulo nila gayun marami-rami na rin tayo nakabantay rito,"saad niya sabay suyod ng tingin sa paligid.

"Hindi pa rin tayo pwede makapante kahit marami na tayo,Capt.Zeid,"saad nito na kinatango niya.

"Tama ka dyan,sigurado ako bilang kapitan tinitiyak mo din ang kaligtasanan ng lahat kahit sa oras ng pahinga,tama?"

Napatitig sa kanya ang kapitan.

Anong iniisip mo? Hindi kita mahagip?

Maya-maya ay tumawa ito ng mahina. "Syempre, mahal ko ang mga tao nakatira dito kaya hindi ko hahayaan na may masaktan ni kahit isa sa kanila,"saad nito.

"Ganun din ang nais ko,Capt. Derin,"segunda niya.

"Bago magpahinga. Naglilibot ako sakali man may makuha akong bakas na pwede magturo kung saan nagpupugad ang mga rebelde na nanggulo dito ng nakaraan,"aniya habang tinatantya ang kaharap ng kapitan.

Seryoso at blanko ang mukha nito.

"Magandang ideya yan,Capt.Zeid,"anito.

"Hindi ba gayundin ang ginagawa mo?"

"Nakatuon ang atensyon ko segu-segundo sa mga tao ko..hindi ko pa nagagawa yan. May mga nakatalaga naman kasamahan na gumagawa niyan,"tugon nito.

Teka...hindi ba siya naman ang nakita natin kagabi?

"Tama ka naman dyan.."pagsang-ayon na lang niya.

Something fishy,Zeid...iba ang sagot niya sa pagkakita natin sa kanya kagabi.

Kalma lang baka naman hindi na niya kailangan ipagsabi pa.

Tsk,kahit poker face pa siya. Ramdam ko may kakaiba sa kapitan na yan..

Hindi na siya nagtagal pa at nagpaalam na rito at sa mga sundalo na naroroon saka siya tumuloy sa bahay ng pamilyang Raviles.

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon