Chapter 13

999 89 5
                                    

Nararamdaman ko may mapapala tayo ngayon gabi...

Walang ingay ang bawat hakbang niya habang sinusuyod niya ang madilim na kagubatan. Wala man siya nararamdaman kakaiba kailangan pa rin mag-ingat. Ang katahimikan minsan ay may dalang kapahamakan.

Malayo na mula sa kampo nila ang kinaroroonan nila ngayon ng kanyang lobo.

Tama ang kanyang lobo. Nararamdaman din niya na may mangyayari ngayon gabi.

Napatigil siya ng makarinig ng kaluskos. Gamit ang talas ng pandinig niya at talas ng mga mata niya agad na hinanap niya ang ingay na yun.

Sabi na eh!

Napangisi siya ng makita ang isang bulto ng lalaki na siyang gumagawa ng kaluskos mula sa sanga na hinahawi nito gamit ang hawak nitong baril.

"Nandito lang pala kayo,"nakangisi niyang bulong sa kadiliman.

Nagtuloy sa paglalakad ang lalaki at walang ingay na sinundan niya ito. Huminto lamang ang lalaki ng marating nito ang isang talon.

Mukhang maliligo ata..

Tsk.

Nagtanggal ng kasuotan ang lalaki at saka ito lumusong sa tubig sa may talon. Napabuga na lang siya ng hininga.

Walang pagpipilian kundi maghintay na matapos ang lalaki hanggan sa matunton niya ang kampo nito.

Hindi pa naglipat ang minuto ng magvibrate ang beeper niya.

911

Oh!

Nilingon niya ang lalaki na na nakalubog pa rin sa tubig.

Kung pwede lang tayo magkahiwalay ng katawan!

Kalmante na nilisan niya ang talon at iniwan ang lalaki na tiyak na magtuturo kung saan ang mga kasamahan nito pero mas importante sa kanya ang kaligtasan ng iba. Sisiguruduhin niya matutunton pa rin niya ang mga ito.

Mabilis na nakarating siya sa kampo at hindi niya inaasahan ang sumalubong na balita.

Duguan ang isa sa team niya.

"Anong nangyari?"kalmante niyang tanong rito.

Ginagamot ng isa sa kasamahan nila ang natamo nitong sugat sa gilid ng ulo at braso.

"Captain,may bigla humarang sa akin habang pabalik ako dito galing sa kabilang kampo,"tugon nito sa nanghihinang boses.

Nasa anyo pa rin nito ang katapangan pero mahihimigan ang panghihina nito. Magaling sila sa pagtatago ng totoong emosyon pero may pagkakataon na hindi iyun napipigilan kahit anong tapang at tigas ng anyo mo.

Nakaramdam siya ng galit dahil nasaktan ang isa sa team niya. Alam niyang may masasaktan na isa sa kanila sa klase ng trabaho nila pero bilang ibang uri at mas higit pa ang kakayahan niya sa mga ito hindi niya matatanggap na hindi niya mailigtas ang mga ito.

May bahid ng dugo ang kamay nito na naglahad sa harapan niya. Isang kulay pulang tela iyun. May nakasulat roon na ginamitan ng kulay puting tinta.

"Gusto nila ibigay sayo kaya...binuhay nila ako,"anito.

Napatiim-bagang siya at saka niya binasa ang nakasulat roon.

Maraming traydor,Captain..lisanin ang lugar na ito. Sayang ang oras mo sa pagtatanggol sa lugar na ito. Sila mismo ang trumaydor sa sarili nilang teritoryo.

Nakatitig lang siya sa nakasulat. Masyadong malawak ang kahulugan ng nakasulat.

"Magpagaling ka..samahan niyo siya at pagpahingahin,"seryoso niyang komando sa mga naroroon na agad naman tumalima sa utos niya.

Tinungo niya ang kanyang tent at kuyom ang mga palad at saka niya nilatag ang tela sa ibabaw ng maliit na mesa.

Matalim ang mga na nakatitig siya sa mga nakasulat roon.

Traydor? Pero sino?

"Big boss,"pagpukaw sa kanya ni Riel.

Binasa nito ang nakasulat sa tela. "May traydor satin?"turan nito.

Umiling siya. "Hindi sa team ko,"mariin at seryoso niyang sagot.

"Binigyan tayo ng kalaban ng isang babala,Boss..panlinlang,"komento nito.

"Kailangan na mas maging alerto ngayon,Riel..aasahan kita na maging mapagmatyag,"komando niya rito.

"Asahan mo,Big boss!"

Kinaumagahan,tahimik ang dalaga habang nasa daan sila papuntang munisipyo.

Hindi siya nakatulog sa pag-iisip ukol sa babala na pinadala sa kanya ng mga rebelde. Agad na inireport niya iyun sa matandang heneral tungkol sa babala at kahit ito mismo ay hindi mawari ang pagkahulugan ng pinadalang babala.

"May kailangan tayo pag-usapan,Captain,"untag nito na hindi niya inaasahan dahil napakatahimik nito.

Agad na bumaling ang tingin niya rito. "Mukhang napakaimportante,"aniya sa tonong kuryuso na sinundan niya ng pagngisi.

Nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya na mas lalo kinangisi niya.

Bigla nabura ang antok niya na makita ang naapektuhan ito sa kanya.

Tahimik na ulit ito kaya nakabuntot lang siya hanggang sa makapasok sila sa opisina nito.

"Maupo ka,"anyaya nito pero nanatili siya nakatayo sa harapan ng desk nito.

Napapantastikuhan naman napatingin sa kanya ang dalaga.

"You are my boss,Mahal na Mayora,"nakangisi niyang turan.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito saka isinandal ang likod sa sandalan ng inuupuan nito at pormal na ang anyo ng mukha nito.

Here she is..the uneffected aura.

"Aakyat ako sa Mt.Tibos,may naninirahan tribo doon at gusto ko mag-abot roon ng kunting pangagailangan nila,pagkain at medisina,"saad nito na kinapilig ng ulo niya.

"Pero alam mong delikado yun,"kontra niya.

Tinapatan nito ang titig niya. Determinado sa nais nito.

"Hindi ako magsasama..kayo lang ng team mo,"saad nito.

Mainam naman...

"Kailangan ko ba ng aprobal mo?"dugtong nito.

"Well,you are my boss.."aniya.

Tumango ito. "Bukas ng madaling araw ang gusto ko oras na umalis tayo,"dominante nitong sabi.

"Planado na pala,"nakangisi niyang sabi.

Bahagyang napataas ito ng kilay sa kanya.

"Hindi ako basta-basta nagdidesisyon na hindi planado,nakahanda na ang dadalhin natin..nasa bahay na ang lahat,"anito.

Napuna nga niya na may mga karton na patong-patong na nakalagak malapit sa gararehan.

"Ipapahanda ko na kaagad ang sasakyan natin helicopter,"aniya.

"Hindi..ang mga dadalhin natin ang isasakya doon at ang ilan sa team mo,"anito na kinakunot ng noo niya.

Hindi mainam ang pinupunto niya.

"Aakyatin natin ang bundok,"seryoso nitong saad.

"You love hiking?"bulalas niya sa namamanghang tono.

Natigilan ito pero kaagad din nakabawi sa sarili.

"Why not? Matagal-tagal na rin hindi ako nakakapaglakad ng mahabang oras...bakit? Di ka sang-ayon?"

"Hindi naman...sanay ako sa ganyan,hindi ko lang inaasahan na adventorous ka pala,"nakangisi niyang sabi.

Nagbaba ito ng tingin bago pa niya nakita ang pagkailang nito.

"I-isettled mo na ang mga dapat isettled lalo na sa maiiwan rito,"nakababa ang tingin sabi nito.

"Masusunod,mahal na Mayora!"pagsaludo niya rito.

Nangangamoy bonding time yun ah!

Guns And Love : Zeid Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now