Chapter 71

48 4 0
                                    

         Kahit gusto puntahan agad ni Kaede ang kasintahan alam nya may kailangan pa sya gawin, kasama ang mga katrabaho bumalik sila ng station lulan ng truck, nakasunod sa kanila ang sina Ikegami at Fujima. Hindi pa sya nakapagsalita para magpaalam ay naunahan na sya ni Maki "Sasama ako. Sinabi sa akin ni Akagi ang nangyari kanina". Nag nod si Kaede, si Maki naman ay tinignan si Miyagi at Mitsui "Kayo na muna bahala dito" nag salute gesture ang dalawa. Pagkalabas nila ng building sumakay agad sila sa minamanehong sasakyan ni Ikegami, napili ni Maki na umupo sa tabi nito samantala nasa passenger seat sina Rukawa, Fujima at Sakuragi na may malakas na boses "SAMA RIN AKO SYEMPRE".

         Sa kalagitnaan ng byahe nila patungo sa hospital nakatanggap ng tawag si Maki, hindi naalis ang tingin ni Kaede sa kanyang boss habang may kausap sa kabilang linya, ilan minuto pa ang lumipas ng nagsalita ito "Naialis na ang bala sa balikat ni Haruko". Maiksing kataga ngunit tuluyang nakatulong para mapakalma ang buong pagkatao ni Kaede


 "Ikegami... change route..." naulinigan nya wika ni Maki
"Eeeh.... Nasa ospital si Haruko ah... Lolo boss naman" napakamot ulo si Sakuragi

(Pinigilan mag eyeroll ni Maki)

"Inalis nila agad si Haruko sa hospital.... Tama ba ako?" nagsalita si Fujima sa una pagkakataon simula ng umandar ang sasakyan


       Nag nod si Maki, itinabi muna ni Ikegami ang dala nyang sasakyan "Saan ko kayo dalhin ngayon?" tanong nya "Nasa bahay ni Uozumi ang magkapatid na Akagi" paliwanag ni Maki. "Mas mabuti na wala si Haruko sa hospital.... Maiwasan kung may mga tao pa si Doc Arata na nag trabaho don...." nagpahayag ng sentimento si Kaede, nagkatinginan sila ni Maki at kinumpirma nito na tama ang sinabi nya sa pagtango nito ng ulo.


 "Hold tight...."


        Narinig nila sinabi ni Ikegami bago humarurot ang sasakyan "AAAAHHHHH.... OI Ikegami ayaw ko pa mamatay" napasigaw na naman si Sakuragi sa pagkagulat. May mahina sang ayon si Fujima kahit naman tahimik ay ganito rin ang sentimento ni Kaede gusto pa nya makita at makasama ng matagal ang kasintahan.


 "Malayo ang bahay ni Uozumi isa pa kung nandon sila sa bahay no'n..."


        Hindi na kailangan tapusin ni Ikegami ang sasabihin naunawaan na ng tatlo nyang pasahero ang nais nya sabihin "Hindi pa rin dapat makapante.... Kahit na wala na sa panganib si Haruko"


           Mahigit tatlumpung minuto ang tinahak nila Kaede para marating ang bahay ni Uozumi pansin nya na maraming kabahayan sa lugar; sa kanyang isip advantage ito sa kadahilanan na magdalawang isip kung sino man ang may balak ipahamak ang kasintahan sapagkat maraming tao na magiging saksi. Umiling sya pagkatapos mapagtanto ang iniisip binigyan naman sya ni Sakuragi ng tingin na parang sinasabi na 'Baliw ka na ba' bago tinignan si Fujima na nagkibit balikat lang hindi rin nya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaibigan nila. 

         Nang pinarada ang sasakyan agad na bumaba si Kaede, hindi nya pinagaksayahan pa ng oras ang pag suri sa buong paligid sinundan nya na rin kaagad si Maki at Ikegami patungo sa pinto. Halos makapasok na sya sa loob ng mapansin nya na marami pulis na nasa labas ng bahay. Lilinga linga naman si Sakuragi sa palagid.


           Pagdating nila sa sala nandon si Takenori, Koshino, Fukuda. Tahimik lang si Kaede nagkatinginan sila ng kapatid ng kasintahan napansin nya na may benda ang kamay nito indikasyon na matindi ang konprontasyon na naganap kung kailangan pa nito kumilos. "Umupo muna kayo" pag anyaya ni Uozumi.


 "Kumusta si Haruko?" hindi rin nakatiis si Kaede


          Nanumbalik ang kaba na kanyang naramdaman ng ilang segundo pa ay walang nagsalita "No need to panic.... Okay na ang kapatid ko...." si Takenori ang bumasag ng katahimikan tinignan naman agad ni Kaede ang mga kaibigan pulis "Huwag mo na awayin... pinagsabihan ko na sila...." inunahan muli ni Takenori kung ano man ang nais sabihin ni Kaede "Hn...". Nilapag ni Maki ang baso na may tubig na bigay ni Uozumi sa kanya ngayon lang "So, what really happened... Mukha matindi ang nangyari ngayon sa inyo" minuwestra nya sina Koshino at Fukuda na may mga sugat sa mukha. Tinignan ng dalawa si Uozumi at pinahintulutan magsalita ang dalawa


 "Ayon nga sa tip na nakuha namin, convention week ng Silver Crest employees.... Ito rin ang araw na they are planning on kidnapping Haruko" sa unang pagkakataon sinabi ni Koshino ang matagal na nila alam
"However.... Malayo sa kidnapping ang gusto nila.... Kanina lang namin narealized they want to kill her...." dagdag ni Uozumi

"WHY?" napalakas na tanong ni Sakuragi na nagpipigil ng galit

"They know.... Haruko's helping with the investigation...." statement ito, ito rin ang narealized ni Kaede
"How come? Hindi ba maingat naman si Haruko" nagpahayag si Maki ng sentimento


          Rinig ng lahat ang malalim na paghinga ni Fukuda "Oo..." nilingon nila ang kaibigan nila "May spy sa station" gulat naman ang nalaman nila lalo na si Kaede at Takenori "Sino?" sabay pa sila nagsalita. May solemn look si Uozumi "si Akemi..." agad tinignan nila si Kaede maliban kay Fujima alam nila na gusto ni Akemi ang kaibigan nila. Napapikit si Kaede habang huminga ng malalim ang naisip nya dahilan ay nagselos ito kung ano ang relasyon nila ni Haruko.


           Langitngit ng kahoy ang nagpahinto sa mga nais magsalita, nilingon nila kung saan nang galing ang tunog na iyon si Kogure na puno ng dugo ang lab gown na suot, kahit na alam ni Kaede na ligtas na ang nobya hindi maiwasan ng sarili ang pagkaba ng dibdib nya hindi na kailangan pa sabihin alam nya na kay Haruko ang mga matsa ng dugo na iyon. Bakas ng lahat ang pagod ni Kogure "Nagkamalay na si Haruko" tumayo si Kaede at pinuntahan agad ang kasintahan. Humaba naman ang nguso ni Sakuragi "Hmm... Gori di'ba dapat ikaw muna pumunta kay Haruko... kapatid ka eh...". Sa una pagkakataon ngayon araw may genuine na pagtawa si Takenori dahil sa asta ng kaibigan "Hayaan mo na... boyfriend sya...."


 "So, ibig sabihin demoted ka na Akagi?" comment ni Fukuda

           Agad na nagtago ito sa likod ni Uozumi ng binigyan sya ng stinky eye ni Takenori, nagtawanan naman ang boys.

.

Echoes in the NightKde žijí příběhy. Začni objevovat