Chapter 65

60 4 0
                                    

       Masayang nag handa ng almusal si Haruko para sa kanila ni Kaede, hindi pa rin nya nakalimutan ang nangyari sa kanilang 'date' kagabi. Habang nag wisk ng egg sa isang bowl may mahina sya pag giggle "Mou... who knew magawa namin ni Kaede-kun yon" hindi maalis sa kanyang isipan ang ginawa nila ng kasintahan ang 'pedestrial scene' "Parang nasa isang movie kami.. Kyaahh" tinakpan nya ang bibig gamit ang kanang palad "Kaede-kun, saan mo natutunan yon... Iihhh" wala na kilig na kilig na sya kaya naman hindi napansi na naalis ang takip ng maliit na bote ng asin at nahulog lahat ang laman nito sa hinanda nya sana na scramble egg "HALA!!!" pagpapanic nya "Huhu... kasi naman Haruko wala ka sa focus". Nagpasya ang dalaga na itapon na lamang ang hinanda nya, humanap sya kung may asin pa nakatabi sa pantry ng kasintahan.

       Pinakalma ni Haruko ang sarili "Kailangan ko mag focus para sa almusal namin" nagsimula muli sya na maghanda at magluto ng pagkain nila ngayong umaga. Tinignan nya ang oras at alas syete imedya singko pa lang ng umaga, nagpasya rin si Haruko na gisingin na lamang si Kaede pagkatapos ng lahat ng kanyang ginagawa, binuksan nya ang electric kettle para ihanda ang mainit na tubig para sa kape at hinugasan na rin ang mga ginamit na kasangkapan at pang luto. Nilagay ng dalaga sa serving plate ang niluto na scramble egg with garlic, onion and tomatoes, swiss ham, sinalin rin nya sa bowl ang spanish sardines bago nilapag ito sa hapag kainan. Linggin na rin ang sinaing nyang kanin ngunit hindi pa sya nagkadlo para mas lalo maluto ito. Tinakpan nya ang mga pagkain sa lamesa bago nagpasya na umakyat sa kwarto at gisingin mula sa mahimbing na tulog ang kasintahan.

       Habang umakyat ng hagdanan nagpadala ng text message si Haruko sa kanyang kapatid na si Takenori kinamusta nya ang kalagayan nito bukod sa pagbibigay ng update, ganito rin ang mensahe na pinadala nya sa ina ng kasintahan na si Hisako. Alam nya na gusto ng dalawa na pinapaalam nya palagi ang kalagayan nya; mabilis na narating ni Haruko ang pangalawang palapag ng bahay na tinutuluyan, maingat nyang binukas ang pinto, sa kanyang posisyon kitang kita nya na mahimbing na natutulog na binata. Dahan dahan nya nilapitan ang kama at umupo, mahinahon rin nya tinapik ang sa tingin nyang braso ng kasintahan - dahil sa nakabalot na kumot sa katawan nito "Kaede-kun...." untag nya "Kaede-kun...." ngunit wala pa rin reaksyon kaya naman mas nilakasan nya ang pagtapik dito "Kaede-kun, wake up ka na, breakfast's ready" malambing nyang wika ngunit hanggang ngayon tulog mantika pa rin ang binata "ZZZZzzzzz" nag giggle si Haruko ng marinig ang paghilik ng kasintahan "Oh Dear..." comment nya habang patuloy sa pag hagikgik kaya naman naisipan nya pindutin ang pisngi ng kasintahan hanggang sa magising ito "Wakey-wakey... Kaede-kun!!!".

       Ang hindi alam ni Haruko, sa pangalawang untag nya sa pangalan ng kasintahan ay gising na ang diwa nito; pinili ni Kaede na mag tulug-tulugan at alamin kung ano ang gagawin ng kasintahan. Minsan na gumawi sa isip nya darating ang panahon na maging kabiyak nya ang kasintahan ay araw araw syang gigisingin nito sa umaga in which, he secretly excited about. Sa palagay ni Kaede ay 'quota' na si Haruko sa pagpindot sa kanyang pisngi habang humahagikgik, pasimple nya minulat ng maliit ang mga nakapikit na talukap at nakita na nakapingit si Haruko na animo malalim ang iniisip kaya naman kinuha nya ang pagkakataon para yakapin ang pinakamamahal na sa kanyang pagkilos ay umibabaw sa kanya....

"You made fun of my face, Huh..."
"Oops... Ohayo Kaede-kun"

"....."

"Meanie... You're already awake na pala but why didn't you move?"
"I want to know what you'll do"

(Hinampas ni Haruko ang braso ni Kaede; nagtawanan ang dalawa)

"Bangon na Kaede-kun, kain na tayo breakfast"
"Aa... Ohayo... Hindi kita nabati agad"


       May understanding naman si Haruko inalis nya ang pagkapatong sa ibabaw ng kasintahan ngunit hindi pa nya nagawa ng lubusan ng pigilan sya nito "Nani?" takang tanong nya bago tumingin sa mga mata ng binata "Haruko, Good morning kiss ko" deretsahang saad ni Kaede habang seryosong tinignan ang kasintahan. Nag giggle muli si Haruko "Sige.. but after kain na breakfast, sayang yung hinanda ko kung lalamig", agad naman nilapit ni Kaede ang kanyang mukha para maglapat ang kanilang mga labi "bonus yung hug" niyakap na mahigpit ang kasintahan na hinayaan lang sya. Bumangon na si Kaede, tinulungan sya ni Haruko na tiklupin ang kumot at isaayos ang pinaghigaan bago bumaba patungo sa hapag kainan.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now