Chapter 40

51 4 1
                                    

           As usual, sinundo muli ni Kaede si Haruko sa trabaho nito, nakipag palit sya ng schedule kay Sakuragi, noong una ayaw pumayag ng katrabaho, naka upo ang binata sa bench malapit sa entrance at bumalik ang alala nya ng makipag palit ng schedule sa fire department.

-FLASHBACK-

Araw ng monthly meeting ng fire department, present ang lahat, si Maki ay nasa unahan at dinidiscuss ang mga activities nila and other matters na concern for the coming weeks. Nasa last part na sila ng agenda...

"Settled na ang audit ng budget, Miyagi?" tanong ni Maki
"Yes Chief... nakay Mitsui na lang po for finalization" tugon ni Miyagi

"Ah Chief... may idagdag lang po ako then iprint ko after this meeting for your signature"
paliwanag ni Mitsui
"That's good... Good job to the both of you" wika ni Maki sa kanyang staffs

Nag hi five naman sina Miyagi at Mitsui "Yes!! Best duo in the office... Mert and Bert in the house" cheer ni Miyagi. "Its Bert and Mert... Mert... galing talaga natin... Di tulad ng iba dyan" comment ni Mitsui. Sabay ang dalawa na sumayaw habang nakaupo Naka taas ang kaliwanang braso at nakabuo ang kamao ang kanang braso naman ay nilagay sa ilalim ng kaliwang siko. Palipat lipat ng posisyon ang kamay ng dalawa at inaalog din ang ulo. Napatawa naman si Sendoh sa kalokohan ng dalawa "Haha chief hyper na naman yung dalawa". "Sus nag yayabang na naman kayo" comment ni Sakuragi. Nagsalita si Maki para pigilan ang pag aangas ng mga subordinate "So okay na tayo... pwede ko na i end ang meeting or baka may concern pa kayo". Ilang segundo ngunit walang nagsalita kaya sasabihin na sana ni Maki na 'adjourn' ng magsalita ang hindi nya ineexpect

"Chief... gusto ko sana maiba ang schedule ko" wika ni Rukuwa
"ANO???" sigaw naman ng boys maliban sa nagsalita at sa supervisor

"Ayos lang naman sa akin... Ano ba gusto mo schedule?" pag entertain ni Maki
"8 to 5" tipid na paliwanag ni Rukawa

"Ay sorry hindi ako pwede... " nanguna na si Sendoh kumontra
"Bakit hindi ka pwede Sendoh?" tanong ni Maki

"Chief... poporma yan kay Nurse Kara" singit ni Miyagi sa usapan

Napahawak naman sa batok si Sendoh "Haha... medyo lang naman". Napatawa naman si Mitsui sa sagot ng katrabaho "Hanep pumapag ibig.. Ayaw mapag iwanan". "Wala ka rin naman pag ibig eh" asar ni Miyagi at Sakuragi. Nainis naman si Mitsui sa dalawa "Tsk... Busy ako sa work" pagdadahilan nyan. "Tama na yan... so hindi pwede si Sendoh ayos lang para sabi nga ni Mitsui magka pag ibig ka na.. Puro taxes lang part ng buhay mo" wika ni Maki na ikinatawa ng apat maliban si Rukawa na tahimik lang. "Grabe kayo Chief... taasan nyo na po sahod ko para okay lang kahit may taxes" pang gatong ni Sendoh. "Asa naman tayo Hahaha" sagot ni Miyagi. "Sakuragi... ikaw na lang ang pwede na makipag palit kay Rukawa" comment ni Mitsui.

"Ako magstay hanggang 6 pm sa station... Nevah!!!" pag tanggi ni Sakuragi

"Eh bakit mo ba gusto makipagpalit ng schedule Rukawa.. Para mahaba ang itulog mo?" accused ni Miyagi
"Susunduin nya palagi si Haruko sa ospital... Hanggang 5pm na duty niya sabi ni Nurse Kara..." pag buko ni Sendoh


Nagkagulo naman ang boys at pinalibutan si Rukawa, "Aba Sakuragi pumayag ka na... para naman pala kay Haruko ang dahilan" pag pilit ni Mitsui, alam nya na mapride ang nag rerequest at hindi ito magsasalita lalo na kung makikiusap kay Sakuragi. "Ayaw ko nga sabi" sabi ni Sakuragi. Pinilit ng iba si Sakuragi ngunit todo tanggi pa rin ito, nagpasya si Rukawa na magsalita, "Sabihin ko kay Fujii ikaw ang dahilan kapag may nangyaring masama kay Haruko habang pauwi sya galing ospital... Alam mo naman kung gaano kahalaga kay Fujii ang bestfriend nya". Hindi naman alam ng boys kung saan sila mabibigla, na sumali si Rukawa sa usapan at ginuilt trip nito si Sakuragi or ang mahaba na sinabi ng binata na first time nila narinig, pinili na lang nila ang una. Tinignan ng boys si Sakuragi na sara bukas ang bibig na katulad ng isa na bagong huli..

"Chief... settled na pumayag na si Sakuragi.. Start na ako ngayon mag 8 to 5 schedule. Bye" wika ni Kaede at mabilis umalis ng meeting room. Nagkatinginan naman ang boys na naiwan maging si Maki, "Settled na. Sakuragi hanggang 9 to 6 ka na okay.." at umalis na rin ang Chief ng fire department sa meeting room.

"ANG HABA ULIT NG SINABI NI RUKAWA"
"Oi!!! MARUNONG KA NA MANG GUILT TRIP... WALANGHIYA KA RUKAWA"

Rinig ni Rukawa ang sigaw ng mga katrabaho lalo na ni Sakuragi "Gunggong" mahina nyang bulong at mabilis na umalis ng fire station as much as he can since mabagal siya mag lakad.

-END FLASHBACK-

           Napahinga na lang ng malalim si Kaede ng naalala ang antics ng mga katrabaho, "Siguro ang lalim ng iniisip mo kung ganun na lang ang buntong hininga mo" nagulat naman ang binata na may katabi na pala sya paglingon nya nakahinga sya ng maluwag "Haruko" untag nya. "Hello Kaede-kun, kanina pa kita nilapitan at tinawag ngunit di ka nag salita kaya pinagmasdan na lang kita hehe" pag amin ng dalaga. "Kanina ka pa?" tanong ni Kaede. Nag nod naman si Haruko "Medyo lang, wala pa naman 5 minutes". Tumayo si Kaede at ginaya naman siya ni Haruko, tahimik lang si Ayumu habang naglalakad rin katulad ng dalawa. Habang nag lalakad ay may naalala si Kaede,

"Haruko, sa susunod na linggo ang kasal ni Miyagi at Ayakako"
"Ooh... yes... aattend nga ako, ikaw din, nakita mo ba yung invitation grabe nakabasa na talaga me.. Oops sorry nag side track ako... Ayun na nga part tayo ng sa Secondary Sponsor... partners nga tayo actually" tugon ni Haruko

"Oo.. hindi ka naman excited? Rinig ko sa boses mo ang pagiging hyper mo" comment ni Kaede

             Nag giggle naman ang dalaga, "Sorry na Kaede-kun, excited lang talaga me.. Bata pa ako ng huli ako naging part ng wedding ng close ko na tao". Nag nod lang si Kaede, hinawakan nya ang kamay ni Haruko habang naglalakad. Si Haruko naman ay hinayaan lang ang binata, giddy at may konti kilig sya nararamdaman. "Ay nakauwi na pala tayo... ay naiuwi mo na pala kami ni Ayumu sa bahay, Kaede-kun thank you" comment ni Haruko, "Arf" tahol ni Ayumu. Mabilis na niyakap ni Haruko sa Kaede "Kung nung high school ako ngayon, hindi ko magagawa sa'yo ang mga ito... Shy type ako nun eh... Gusto ko lang sabihin na thank you ulit... Miss kita actually". May maliit na pagkurba sa labi ni Kaede at niyakap pa balik si Haruko "Aa... akala ko ako lang ang nakaramdam ng pagka miss... Miss din kita Haruko". Naghiwalay ang dalawa at tinap ni Kaede ang nose ng dalaga papasok na sa loob ng bahay si Haruko nang marinig nya ang boses ng binata.

"Morning ang wedding nila Miyagi hindi ba..."
"Oo... bakit Kaede-kun"

"Pwede ba tayo mag date after non? Don't worry mag papalit tayo ng damit after.. Kung
papayag ka lang na mag date tayo" kinakabahan si Kaede sa isasagot ni Haruko

"Ay sure... no problem... Saan tayo pupunta?"

             Pinindot muli ni Kaede ang ilong ni Haruko "Secret... you will know when we get there" at binigyan ng smirk, ito ang dahilan ng pagkapula ng pisngi ng dalaga. Bahagya yumuko ang binata at binigyan ng belly rub ang alaga aso "Yumu... bantayan mo maigi si Haruko... uuwi na ako.. Ingat kayo". Ayumu wags his tail and barks bilang tugon. Nagpaalam muli si Kaede sa dalaga at nagsimula na maglakad pauwi ng bahay. Pagkapasok naman ni Haruko sa loob ay naglock sya ng pinto at bintana, umupo sya sa sofa at tinabihan naman sya ni Ayumu, inisip ni Haruko kung paano makausap si Kaede tungkol sa bagay na kanina pa nasa isip nya. 

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now