Chapter 63

60 4 0
                                    

       Tahimik lang na pinagmamasdan ni Kaede na magbigayan ng regalo ang mga kasama, hindi nya alam kung anong dahilan ngunit ang nabunot nya'ng pangalan ay ang kasintahan rin nya, samantala si Haruko naman ay ang nakuhang pangalan ay si Kogure. Tapos na ang kanyang turn na magbigay ng regalo ganon din ang iba ang natitira na lang ay si Sakuragi, Takenori, at Kimi, mas komportable ang posisyon ngayon ni Kaede dahil magkatabi na muli sila ni Haruko, sa ilalim ng lamesa kung saan may mahabang table cloth nag holding hands silang dalawa, habang ang dalaga ay nakatingin sa mga nasa unahan.

"Okay... Guys, so ang natira na lang ay si Kimi, Tita Hisako ... Sakuragi at Akagi" masiglang bati ni Ayako
"Sino gusto nyo mauna..." tanong ni Ayako

"AKAGI!!! AKAGI!!!" chant ni Miyagi, Kogure at Mitsui
"Ay si Doc, nakisali sa fans club" asar ni Kara

"HAHAHAHA"
"Si Kimi na kaya muna... Ladies first diba?" comment ni Sendoh
"Hindi pwede yan, Aki... dalawa sila ni Tita.. Haha" mula naman kay Kara

(Napakamot ulo naman si Sendoh sabay tumawa)

"Si Sakuragi kaya muna" mula naman kay Momoka
"Hindi... si Tita Hisako muna" saad naman ni Kogure

       Inawat naman ni Ayako ang lahat "Wait, bakit hindi natin pabunutin sa bowl si Tito Ichinose para madali, Haha", pumayag naman ang lahat maliban kay Mitsui "Ayako, nagtanong ka pa.. Hindi mo rin pala sundin sinabi namin", nakatikim naman sya ng bulyaw kay Miyagi "Oi, Hatchoy... huwag mo pinagsasabihan ng ganyan Misis ko". Tawa naman ng tawa si Sakuragi "Nays one, Ryochin... Hatchoy... ako nag bansag sa kanya non.. Nyahaha". Klinaro ni Ichinose ang kanyang lalamunan "Akin na yung bowl" wika nya. Dali dali naman kinuha ni Miyagi ang bowl dahil katabi nya ito, nilapitan nya si Ichinose "Oi, Miyagi, shake mo muna" kantsaw ng boys, game na game naman ito at inikot ikot ang fish bowl na sinabay rin nya ang pag alog sa kanyang ulo, nagtawanan na naman ang lahat kahit ang magkapatid na Itsuki at Kaede ay may mahina pagtawa.

"Ah, hindi ko mabasa, wala akong salamin... Ryota.. Pakibasa mo naman" wika ni Ichinose na halos maningkit ang mata
"Sige po Tito..." kinuha ni Miyagi ang papel habang nagtatawanan pa rin ang lahat

"Okay... Guys... this is it!! Ang maswerteng buena mano..... Drum roll please!!"

       Kinalampag naman ng lahat ang mga lamesa kung saan sila naka pwesto, sumenyas si Miyagi na stop "Ang mag sisimula muli ng exchange gift ay si..... KIMI!!!" nag cheer naman ang boys "Waaaahhhh..." / "Wooohhhh", isang malakas na 'HOY' mula kay Ayako ang nag paayos sa mga ito "Easy lang kayo aba...", may sheepish expression naman ang mga ito. Dali dali nilapitan ni Ayako ang nabanggit na pangalan "So, Kimi... maaari mo ba ilarawan muna kung sino ang nabunot mo?". Ngumiti naman si Kimi "Subukuan ko po.. Hehe" natuwa naman lalo si Momoka at Hisako "Ay ang cute mo talaga Kimi" sabay na wika ng dalawa, klinaro ni Kimi ang kanyang lalamunan "Hindi ko po lubos na kilala ang aking monito... ngunit sa unang kita ko pa lang sa kanya sa tingin ko ay bagay na bagay ang napili kong regalo para sa kanya... Sana hindi sya magwala sa ibinigay ko", todo assure naman ang lahat na hindi mangyayari ang iniisip ni Kimi "Sasapakin ni Aniki kapag inaway ka nyang monito mo" wika ni Kaede.. Nag hiyawan naman ang girls at boys "Yiiiiieeee, may bagong lab teym". Tawa naman ng tawa si Ayako "Dear Kimi, sino ba yang nabunot mo", tinanggap ni Kimi ang mikropono "Ang nabunot ko po'ng monito ay si Hanamichi Sakuragi".

       Tuwang tuwa naman si Sakuragi "Uy!! Ako ang monito mo... Ayos yan Kimi... Ang swerte mo ah, madali ako i please.. Nyahahaha... so, ano ba yang regalo mo?" agad agad lilinga linga ang binata at hinahanap ang 'regalo' dahil wala sya makita na hawak si Kimi. Pinagmasdan ng lahat ng kinuha ng dalaga sa bulsa ng suot na red coat ang isa rin pulang sobra "Ito Sakuragi-san... buksan mo na lang". May pagtataka man ay tinanggap ito ng binata "Cash ba ito?" inosente nyang tanong nasapo na lang ni Fujii ang kanyang noo "Kahit kailan talaga yang boyfriend mo Fujii" comment ng boys "Waaawwww!!!" amaze na amaze si Sakuragi sa natanggap nya at pinakita sa lahat "Uy, tignan nyo... Eat all you can coupon for twice a year visit sa restaurant nila Kimi!!!".

"Ay ang swerte ni Mokong... Sana all" comment ni Mitsui
"Sang ayon ako, Kimi sure ka ba na si Sakuragi nabunot mo, baka ako yan ah" mula naman kay Sendoh

Echoes in the NightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant