Chapter 77

67 2 6
                                    

           Kalaliman ng tulog ni Kaede nang magising ang kanyang diwa, minulat nya ang kanan mata ngunit nanatili nakapikit ang kabila. Kinapa nya sa may ulunan ng kama ang cellular phone, tinaas nya ang kamay sa may side table at nagbakasakali na matagpuan ang hinahanap. Napagtagumpayan nya naman ito, pinindot nya ang isang button sa gilid para ito ay umilaw. Naningkit ang nakabukas na mata ng makita ang oras, mas nilapat ang katawan sa kama bago pinikit ang kanina ay nakabukas nyang mata. Nagpasya sya na muli matulog, sa pagkakataon na ito hindi napagtagumpayan ang nais. May paghinga ng malalim ang binata, lumipad ang isip nya "Haruko..."


          Pabulong na tinawag ni Kaede ang pangalan ng kasintahan, sumagi rin sa isip nya ang nais na pagbisita dito. Nasapo ng binata ang noo, sigurado sya mahimbing pa na natutulog si Haruko. Bigla na lang naalala ng binata ang kataga "A little bit of unexpected action surely lit up the joy of your loved one". Naalala nya na sinabi ng kapatid na si Itsuki ito sa kanya noon huli sila nagkaroon ng sibling conversation na malayo sa kanilang mga magulang at mga kasintahan. Tinanong siya ng nakatandang kapatid kung may ginawa na ba sya na surprise para kay Haruko. Nang sinagot nya ay noon lang sa Eco park ang naalala nya ay tinawanan sya ng kausap, pinitik ang kanyang ilong


"Tsk.. Foolish little brother, how could you let Haruko-chan feel unloved"
"..She knows I love her.."

(Tinaasan ni Itsuki ng kilay ang kapatid na parang sinasabi na 'Does she?' and 'is it enough?')


"Idiot Aniki" mutter ni Kaede
"Kaede... kahit na tanggap ni Haruko-chan na hanggang ganyan ka lang talaga"


(Sinamaan ni Kaede ng tingin ang kapatid)

"Haha.. See? Simpleng bagay naka glare ka agad.. pero think about what I said..."
"..." nanatili tahimik si Kaede para makapagsalita muli ang kanyang kuya


"Try showing her simple act of love.. yung hindi pa nya naramdaman mula sayo.. Haruko is a sweet girl, you're lucky foolish brother"

          Mahina sinuntok ni Itsuki sa braso si Kaede na may smug look. Open ang magkapatid sa isa't isa kaya komportable ang dalawa na ipakita ang totoo nilang naramdaman. Kaagad na napalitan ng simangot ang mukha ni Kaede at gumanti ng suntok sa nakakatandang kapatid na sinabi nito "..sige ka, baka matauhan si Haruko-chan at iwan ka..", seryoso pa rin ang itsura ni Itsuki "sabagay, pwede naman sila ni Fujima.. pareho sila baby face, neh?"


         Mula sa pagkapikit ay bumukas ang talukap, nanlaki ang mga mata kasabay ng pagbalikwas sa kama. May bahagya pag iling ng ulo hindi nya gusto ang naramdaman tuwing maalala ang dulo ng pag uusap nilang magkapatid. Wala na sya sinayang na oras, sinuot ang relo, kinuha ang red hooded jacket na nakasampay sa upuan ng office table nya sa kwarto at pinatong sa damit. Hinablot nya ang cellphone na kaagad binuksan, may tinignan muna sya at nang mahanap ang gusto makita ay nagmadali umalis ng silid.


          Halos patakbo ang pagbaba ni Kaede ng hagdanan, nagtungo kaagad sya sa gilid ng pinto para isuot ang rubber shoes. Saglit nya inayos ang buhok ng matapat sa glass door patungo kung sa sasakyan, pinindot nya ang button ng hawak na remote para sa gate ng garahe, sumakay sya sa kotse para mailabas ito. Pagkatapos magawa ang kailangan ay bumaba muli sya ng sasakyan, kahit na pinindot rin nya ulit ang remote para isara ang gate ay siniguro muna ni Kaede na nakalapat nga ang hinges at lock para hindi manakawan sa pag alis nya. Nang matapos ang kailangan ay binalikan nya ang kotse, bago pa makalayo ay napansin nya na bukas ang ilaw sa patio at ground floor kung nasaan ang living room. Binigyan nya ng internal pat ang sarili para sa pagiging alisto kahit ang totoo ay inaantok pa sya.

.

.

.

.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now