Chapter 34

47 2 6
                                    

"Haruko, pinatawag ka ni Doc Kogure sa clinic n'ya. Ihatid na kita" wika ni Nurse Kara
"Thank you Nurse Kara. Mga bata, mag pahinga lang kayo huwag na muna kayo kumanta" paalala ni Haruko

"Hai" chorus ng mga bata, naglalaro na lang sila kasama si Ayumu

           Nagtungo na si Haruko at Kara papunta sa clinic ni Doc Kogure. Unti unti na nasasanay ang dalaga na makakita, mixed feelings ang kanyang nararamdaman. Inaalala rin nya ang gaganapin na event at paano s'ya makatulong sa pag investigate sa sunog na nangyari sa hospital. Ilan beses pinanood at pinakinggan ni Haruko ang kopya ng cctv, may ilan bahagi nga doon na black lamang at puro audio. Nakita ng dalaga ang dalawang lalake na naglalakad sa hallway ng pedia ward building hindi nakuha ang kanilang mga mukha, nakuhanan ang dalawa na nakatalikod at pababa ng hagdan. May ilan din clips na walang audio "Mahirap ma solve ang kaso na ito" bulong nya sa sarili. Hindi namalayan ni Haruko na nakarating na sila sa clinic ni Doc Kogure.

             Nagpaalam na si Kara kay Doc Kogure at Haruko. Pinaupo ng doctor ang kanyang pasyente sa examination bed. Ginawa naman ito ni Haruko, pinagmasdan nya ng lumapit si Kogure sa isang shelves at kinuha ang stethoscope nito at patient files nya.

"Haruko, 2 weeks na naka bandage ang right eye. Icheck ko if okay na ito" comment ni Kogure
"Opo Doc. Kogure. Kinakabahan po ako.. Paano kung hindi pa okay right eye ko?" wika ni Haruko

"Huwag ka mag alala, naniniwala ako maging okay na ito at tamang tama para sa anniversary ng ospital" pag assure ni Kogure at chineck na ang vital signs ni Haruko

           Nag nod lang si Haruko at sinunod ang mga pinagawa ni Doc Kogure, "Haruko-chan, aalis ko na ang benda sa kanan mong mata. Ready ka na?". "Hai Doc Kogure. Excited rin" sagot ni Haruko. Tinanggal ni Kogure ang metal clip na nasa crown ng hair ni Haruko. Ito ang nag secure sa bandages, pagkatapos ay dahan dahan inalis ni Kogure ang benda, nararamdaman ni Haruko ang pag gaan ng kanyang pakiramdam dahil sa naalis na weight ng bandages. Narinig ng dalaga ang pagpatong ng unrolled bandage sa katabi nya, at sumunod na inalis ni Doc Kogue ang eye pad na naka cover sa right eye nya "Haruko, ipikit mo pa ang mata mo. Bigyan kita signal kapag pwede mo na imulat". Nag nod naman si Haruko, at kasabay ng pag aantay nya ng hudyat ni Doc Kogure ang bilis ng tibok ng puso nya.

              "Haruko, dahan dahan mo ibukas ang iyong mga mata. Huwag mo biglain" instruction ni Kogure. Huminga ng malalim si Haruko at dahan dahan ibinukas ang kanyang mga mata, hindi sya makapaniwala dahilan para maiyak s'ya "Bakit ka umiiyak Haruko? Malabo pa rin ba ang right eye mo?" nag aalala tanong ng doctor. Pinunasan ni Haruko ang luha nya "Doc Kogure okay na, bumalik na rin ang right eyesight ko... Ang gwapo nyo lalo Doc", kahit umiiyak ay hindi maiwasan ni Haruko na tumawa. "Pinakaba mo naman ako Haruko-chan... I'm happy for you kahit nang bobola ka pa. Huwag ka na umiyak baka ma pwersa mga mata mo" paalala ni Kogure, binigyan din nya ng tissue ang dalaga. Tinanggap naman ni Haruko at pinunasan ang kanyang luha at pinakalma ang sarili.

"Haruko, masaya ako katulad ng sinabi ko kanina para sayo. I'm sure masaya rin si Akagi kapag nalaman nya ito" comment ni Kogure
"Oo nga po Doc Kogure. Ibalita ko agad ito kay nii-chan" pag sang ayon ni Haruko habang may ngiti sa labi

"Sige, okay na tayo Haruko. See you sa party. May date ka na ba?" pag usisa ni Kogure
"Haha intrigero ka na ngayon Doc Kogure... Ano, ininvite ko po si Rukawa-kun" pag amin ni Haruko

               Ngumiti naman si Kogure at niruffle ang buhok ni Haruko "I see. Bagay kayo ni Rukawa". Nag blush naman si Haruko "Salamat po Doc Kogure. Salamat sa lahat. Abangan nyo po pagkanta namin ng mga bata". "Oo naman" tugon ni Kogure. Nagpaalam na si Haruko kay Kogure at tinungo ang nurse office. Tinawag nya si Ayumu at lumapit naman ito, "Babye, see you soon" bati ni Haruko. Kumaway din ang mga nurses at ang head nurse sa dalaga. Abala na sila sa paghahanda para sa gaganapin na founding anniversary.

.....

              Tahimik lang si Haruko at hinayaan na ayusan sya ng mga kapwa police na babae ni Ayako. Sila rin ang nag prisinta na maghanda ng dress na isusuot nya para ngayon gabi. "Haruko-san, i-curl ko na lang ang hair mo mas bagay sa look mo ngayon" comment ng isang officer, nag thumbs up lang si Haruko. "Yoshi, gandahan mo ang ayos mo kay Haruko, okay ako naman bahala sa make up nya" wika ni Ayako. Seryoso sina Yoshi at Ayako sa make over na ginagawa nila para kay Haruko. May kumatok naman mula sa pinto ng kwarto

"Hey girls, kumusta. Wow Haruko-san ang ganda mo lalo ah" compliment ni Suki isa din woman police officer
"Thank you po..." tugon ni Haruko
"Haruko, huwag ka sabi magulo, steady ka lang... Suki ano kailangan mo" paalala ni Ayako

"Itatanong ko lang kung formal na super formal ba ang event or mejj lang?"
"Formal... and hindi mejj formal. Basta ang sabi long dress daw" comment ni Yoshi

           Nag nod si Suki at umalis rin, hindi natagalan ay bumalik rin ito na may dala na ilang dresses na nakasabit sa isang rolling clothes rack "Buti na lang nag shopping ako ng marami. Nako, bagay ito lahat kay Haruko-chan" mababakas ang excitement sa boses nya. Tumigil saglit si Yoshi sa pag curl ng hair ni Haruko "Ay nako, may barbie doll na naman si Suki... Pagpasensyahan mo na sya Haruko-san". Tumawa lang si Haruko "Okay lang po at least napasaya ko si Suki-san.. Uhm, paano nyo po nalaman ang size ko?". "Ininform namin ang kuya mo Haruko baka magalit yun kapag hindi namin pinaalam.. Kaya sinabi nya sa amin na tanungin si Fujii about sa measurements mo" pag amin ni Ayako. Nagulat naman si Haruko nang malaman ito.

            Nagpatuloy ang hair and make up session nila, after 30 minutes ay natapos rin. "Finish!" chorus nina Yoshi at Ayako. Kukunin sana ni Haruko ang isang compact mirror na nasa kanyang bag ng tapikin ni Ayako ang kamay nya "Stop... Hindi pa tayo tapos, need muna natin malaman kung ano isusuot mo, Haruko". Wala naman nagawa si Haruko at pinabayaan na lang ang kanyang Ate Ayako, "Haruko-chan, dali its my moment na, isukat mo na isa isa ang mga dala kong damit. 8 lang ito" wika ni Suki at ibinigay ang unang damit kay Haruko. Nagpunta ang dalaga sa isang divider wall sa kwarto at isa isa sinukat ang mga dresses...

             "Nope" / "Too bright" comment nina Suki, Yoshi at Ayako sa suot ni Haruko na orange gown, sweetheart neckline ito at gawa sa chiffon ang tela. Sumunod sinukat ng dalaga ang isang violet long sleeve dress at plunging neckline "Mukha ka matanda.. Next".... Ilang gowns pa ang sinukat ni Haruko at ito na ang pinaka last. Napapagod na sya sa kakapalit dalangin nya na ito na ang dress na magustuhan ng tatlong women police officers. Pikit mata sinuot ni Haruko ang gown na pinili ni Officer Suki sa kanya at lumabas na mula sa divider.

"Okay na po ba ito?" nag aalalang tanong ni Haruko kinabahan sya ng hindi nagsasalita ang tatlo, "So, hindi rin ito? Ano po gagawin natin para sa dress?" dagdag nya
"Oh em Geee!!! We have a winner" cheer ni Yoshi

"Gosh, Suki ang ganda ng napili mo na gown. Bet na bet" comment ni Ayako
"Of course, I'm Fabulous" pagyayabang ni Suki at nag hairflip pa

             Nagtawanan naman ang girls, "Ay Hindi bagay ang naka lugay na hair para sa gown na suot mo Haruko-san... I updo ko, para mas shining shimmering splendid ka lalo" comment ni Yoshi at pinaupo muli si Haruko para simulan ayusin ang hair ng dalaga. "I agree, Suki may accessories ba na kasama sa prinepare mo na gown?" tanong ni Ayako. Nag nod naman si Suki "Oo Ayako, here sa boxes help me na hanapin pati shoes at jewelries". Nagtulong ang dalawa police officer na hanapin ang mga accessories na babagay kay Haruko at ibinigay kay Yoshi ang mga ito.

"Mabuti po marunong kayo sa mga pag aayos kapag may mga event" comment ni Haruko
"Oo naman, part ng training namin ito at its very handy kapag may mga ganito na Operation" paliwanag ni Suki
"Thank you nga pala Haruko sa pagtulong sa department namin" wika ni Ayako

"Thank you rin po sa inyo, Ayako-nee, Yoshi-san at Suki-san"
"Walang dramahan baka umiyak lusaw ang makeup" paalala ni Suki

"Ayan finish na talaga ang laban... Bigyan na ng salamin si Haruko-san"sabi ni Yoshi

             Inalis ni Ayako at Suki ang naka cover na tela sa salamin ng dresser, "Wow" ito lang ang nasabi ni Haruko nang makita ang kanyang itsura "Kung may pageant sa anniversary mamaya sure ako winner na ako. Haha" pagbibiro ng dalaga. Natawa naman ang tatlong police officers sa sinabi ni Haruko. Nagpasalamat ulit si Haruko sa pag make over sa kanya ng tatlo, dumating naman si Fukuda kasama si Ayumu "Wow, Haruko-san ang ganda mo ngayon gabi. Ang galing nyo ladies" compliment ng binata. Proud naman ang tatlo sa ginawa nila, binigay ni Fukuda ang hidden camera at mic kay Yoshi "Paki kabit naman sa damit ni Haruko-san para mamaya. May 45 minutes pa bago ang start ng event" at umalis na rin ito kasama si Ayumu.

               Nag tulong naman ang tatlo na itago sa gown ni Haruko ang mini mic and camera. Sinabi ni Ayako sa dalaga na kasama sila na mag inspect sa labas ng building ng hospital. Nagtungo ang girls sa living room ng hotel na pinag istayan nila. Dito pinili ni Uozumi na manatili ang mga part ng investigation team imbis na sa police station at hindi naka suot ng uniform ang lahat, iniiwasan nila na may maka alam ng kanilang gagawin. Maya maya ay dumating si Ikegami at Koshino na kasama si Kaede. Mga naka suit ang boys at naka gown naman ang mga girls. Binati ni Ayako si Kaede "Ang gwapo mo Rukawa. Haha, bantayan mo si Haruko okay... Mahirap na" paalala ng dalaga. Nag nod naman ang binata at hinanap sa kanyang paningin si Haruko. "Kaede-kun! Hello" bati ni Haruko.

                 Nakita ni Kaede ang itsura ni Haruko at he can't be help to be mesmerized once again, nilapitan nya ang dalaga para batiin, ngunit bago pa sya makapag salita ay dumating si Koshino "Rukawa, sumama ka muna sa akin kay Ikegami. Lalagyan namin ng hidden camera at mic ang suit mo". Wala naman nagawa si Kaede at sumama kay Koshino. After 15 minutes ay bumalik na si Kaede kung nasaan si Haruko. Ngumiti naman ang dalaga sa binata "Bagay sayo ang suot mo... Nako I'm sure kilig na naman mga nurses sayo mamaya". "Aa... ikaw din kasali ka sa kinikilig?" asar ni Kaede, hinampas ni Haruko ang braso ng binata "Kapal mo". Lumapit si Ayumu sa dalawa, may kulay navy blue na bow tie ang suot nito imbes na dog collar.

           "Ready na lahat?! Good. Haruko-san, Rukawa mauna na kayo pagpunta sa hospital. After 10 minutes sina Ayako naman. Then kami" hudyat ni Ikegami. Nag nod naman ang lahat, "Try nyo magsalita sa mic" utos ni Koshino. "Hello" sabi ni Haruko at Kaede... Nag thumbs up si Fukuda upang sabihin na gumagana ito. Lumabas na ng hotel room ang dalawa kasama si Ayumu. Nakapark ang sasakyan ni Kaede sa basement at sumakay na sila ng elevator, nagkataon sila lamang ang sakay at dere derecho ang pagbaba nito. After 30 minutes ay nakarating na sila ng hospital. Sa dome like building ng hospital gaganapin ang founding anniversary ngayon gabi. Ito ay reserved para sa mga events and activities ng hospital, nakatayo ito sa likod ng Medical Building. Ang medical building naman ay may 7 floors para sa mga outpatient department at medical records department. Bago makarating sa dome building ay dadaanan mo muna ang malawak na garden.

             Pagkababa ng sasakyan ni Kaede ay agad nya inalalayan si Haruko na makababa ng sasakyan, walang hawak na leash ni Ayumu ang dalaga ngayon... "Haruko, gusto ko sabihin na you even look lovelier tonight... Bagay sayo ang ayos mo". Nagblush naman si Haruko "Thank you Kaede-kun, you too look handsome". Tumahol si Ayumu, "Ay oo Yumu, ikaw din ang gwapo mo" wika ni Haruko. Nag smirk naman si Kaede. Nilead na ng binata si Haruko papunta sa loob ng dome building. Hindi maiwasan ni Kaede mapansin ang mga sumusunod na tingin ng mga tao kay Haruko, hindi rin nya masisi ang mga ito, para sa kanya parang dyosa si Haruko ngayong gabi.

              Ang suot na gown ni Haruko ngayon gabi ay powder blue spaghetti strap triangular corset top, mababa ang neckline nito at may paka revealing, may padding para sa breast area ng dalaga, sa gitna hanggang ibabaw ng belly button ay mesh ang tela, ang buong top ay puno ng crystals sa disenyo na maliit na bulaklak. Mababa ang likod nito at may ilan flower crystals din na disenyo. Ang skirt naman ng gown ay A-line powder blue rin at tulle ang tela nagsimula sa ibabaw ng belly button na may ilan crystals embroidered din. Kapag naglalakad si Haruko ay makikita na may slit ito na hanggang bago dumating ng panty line. Naka messy bun ang ayos ng buhok ni Haruko at may silver na headdress ito na manipis lamang may ilan bato rin ito, may ilan strands ng hair na naiwan para bigyan ng goddess look ang dalaga. Para sa accessories, dangling silver earrings ang suot niya, champagne 2 inch pointed heels with strap ang suot ni Haruko na sapatos.

             Si Kaede naman ay navy blue ang kulay ng suit, nakasuot sya ng brown leather shoes. Na pinarisan nya ng kanyang paboritong relo. Nang makapasok sila sa loob marami na rin tao nakita nya ang mga kaibigan nya "Haruko, nandito rin sila... Kita ko si Gunggong" bulong nya. Hinanap naman ni Haruko ang mga ito "Oo nga Kaede-kun, tara puntahan natin sila" pagyaya ng dalaga. 

Echoes in the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon