Chapter 32

49 3 2
                                    

           Naghanda na si Haruko na makauwi, dinalaw sya ni Momoka kinagabihan, binigyan ng pamalit na damit at ilang toiletries. Nang makita ni Momoka si Haruko ay niyakap nya agad ito at nagpasalamat dahil walang nangyari masama sa kanya at sa mga bata. Nabalitaan din nito na bumalik na ang boses ng anak na si Nagi maging ang pagbalik ng paningin ni Haruko kahit na partial pa lamang. Ipinaliwanag ni Doc Kogure sa kanilang dalawa ang possible cause ng pagbalik ng boses ng bata, ayon sa doctor dahil sa sunog, matinding emosyon tulad ng takot at ang kagustuhan ni Nagi na makaligtas si Haruko at Megumi ang naging daan para bumalik ang boses nito.

             10:30 am na at ayon kay Nurse Kara may go signal na mula kay Doc Kogure na maaari na sya umuwi. Si Kaede ang nagbantay sa kanya kagabi balak pa ng binata na mag leave sa trabaho para mabantayan si Haruko at maihatid ito sa bahay ngunit hindi sumang ayon ang dalaga. Sinabi niya sa binata na kaya nya ang sarili nya at mas importante na makapasok sya sa trabaho. Wala naman nagawa si Kaede at hinayaan ang kagustuhan ng dalaga. Nakita ni Haruko na pinagmamasdan sya ni Ayumu na nakahiga sa dulo ng kama...

            "Yumu, come here boy" pagtawag ni Haruko habang tinapik ang katabi nyang space. Lumapit naman ang aso, niyakap ni Haruko si Ayumu at pinagmasdan maigi ito. Hindi pa s'ya nakuntento at hinawakan ang cheeks ng aso at pinisil pisil ito. Hindi nya napigilan mag giggle "Yumu, now lang kita nakita after all these years na magkasama tayo. I love you Yumu". Ayumu wags his tail maya maya nag whimper ito at binop ang nose sa mukha ni Haruko "Huh, bakit Yumu may problema ba?" nag aalala ang dalaga kung anong cause ng distress ng kanyang aso. Patuloy na nag whimper si Ayumu, sinubukan hulaan ni Haruko kung ano iniisip ng alaga nya "Gusto mo ba ng dog food?" / "Water?" / "Maihi ka ba?" ngunit walang reply or tahol mula dito. May naisip naman si Haruko "Yumu, you think na hindi na kita kailangan dahil bumalik na ang eyesight ko?". Mabilis na sumagot ni Ayumu "Ahooo!!".

            Haruko eyes' soften due to what she thinks Ayumu is thinking about, binigyan nya ng belly rub ang aso "Oh no, Yumu. Hindi ka aalis sa tabi ko. Palagi tayo magkasama Ayumu kahit na bumalik na ang paningin ko okay? Love mo ako di'ba? Love din kita". Masaya naman si Ayumu sa narinig nya "Arf. Arf.". Niyaya na ni Haruko ang aso na umalis na sila "Akin na yung leash mo Yumu, uuwi na tayo". Tumahol si Ayumu at tumalon mula sa kama at kinuha ang leash na nakalagay sa upuan. Bumalik ito kay Haruko at binigay ang leash, kakakabit lamang ng dalaga ng leash ni Ayumu sa collar nito at paalis na sila nang may dumating na bisita.

"Saan pupunta ang pasyente?"
"Itsuki-kun! Ano ginagawa mo dito?"

"Ako una nagtanong Haruko-chan" binigyan ni Itsuki ng smirk si Haruko
"Ay Haha sorry nemen, discharged na me, uuwi na sa bahay kasama si Ayumu" paliwanag ni Haruko

"And to answer your question earlier, susunduin kita ako maghahatid sayo. Good thing naabutan kita"
"Oohh.. Uhm pero why? May work ka di'ba and wala ako naalala na pinag usapan natin na ihatid mo ako pauwi ng bahay?"

"Tinawagan ako ni Foolish little brother kanina at binilin na ihatid kita at huwag hayaan mag isa si "Haruko" " ginaya ni Itsuki ang boses ng kapatid kapag tinatawag ang pangalan ng dalaga

           Nag giggle naman si Haruko sa antics ni Itsuki, masaya din sya at pinipigilan mag squeal dahil sa kilig. Iniisip pa din ni Kaede ang kapakanan nya, "You're special to him, Haruko-chan.. Or should I call you sister-in-law? Hmm?"comment ni Itsuki habang nakaupo sa sofa. Nag stutter naman ang dalaga at namula ang mukha "Sister...in...law??... Hala... ano... yan... grabe ka naman... Itsuki-kun... advance mo...". Itsuki chuckled when he witnessed how Haruko was affected by what he said. Tumayo ang binata sa kinauupuan at lumapit sa dalaga, pinindot nya ang ilong ni Haruko "Hindi ako nagbibiro. Boto ako sayo para kay Kaede, kung ano man ang mayroon sa inyo happy ako. Tell me honestly, boyfriend mo na ba sya? Or what?" tanong ni Itsuki. Umiling si Haruko "Hindi ko pa boyfriend si Rukawa-kun... Ano, nanliligaw pa lang sya pero huwag mo sasabihin na sinabi ko, baka magalit sya" pag amin ng dalaga.

           "Aa.." tipid na sagot ni Itsuki, may naalala ang binata kaya dinagdagan nya ang sinabi "So gusto nya ng private lang. I understand that. May advice ako sayo Haruko-chan". Tinignan naman ni Haruko si Itsuki sa mata, "Ano yun Itsuki-kun?". "Why don't you call him sa first name nya na Kaede... or Kaede-kun? And pahirapan mo si foolish little brother ko?" nag wink si Itsuki na dahilan para matawa si Haruko "Eh ano, about sa first name ask ko muna sya baka ayaw nya... and dun sa second hehe sige sabihin ko idea mo yun. Haha". "Trust me, gusto nya na tawagin mo sya na Kaede.. Nga pala Haruko bilin ng kapatid ko na kumain muna tayo bago kita iuwi. Pagsabihan mo nga yun, hindi pa nga kayo official overprotective na".

             Natawa lang si Haruko at nag nod, si Itsuki ang nag bitbit ng bag ng dalaga, kahit kulay pink ito at design na pang bata ay hindi ito naiilang "Huh, I guess wala pakialam si Itsuki sa comment ng ibang tao" bulong nya sa sarili. Sinundan na nila ni Ayumu si Itsuki papunta sa elevator.

.....

Tinanong ni Itsuki si Haruko kung may alam ito na restaurant na nag allow ng pets inside. Itinuro ng dalaga ang way papunta sa cafe na pinuntahan nila ni Fujii noon, nag nod si Itsuki at nagpunta na sila sa minention na cafe ni Haruko.

             Namukhaan ng waitress si Haruko at inabutan ng braille na menu "Hi Miss, ano po next time yung ordinary menu na lang partially bumalik na eyesight ko" paliwanag nya. Nag smile naman ang waitress "Ah ganun po ba? Congrats Ma'am. Sige po" at iniwan na silang tatlo ni Itsuki at Ayumu. Habang kumakain sila ay may naalala naman si Haruko "Itsuki-kun, ayos lang ba kung tawagan ko lang ang nii-chan ko, hindi ko pa nasabi sa kanya". Nag nod naman ang binata bilang pag sang ayon. Dinial ni Haruko ang number ng kapatid at mabilis naman sinagot ang tawag.

Haruko: Nii-chan! Hindi ka ba busy? Bilis mo sumagot ah?
Takenori: Katapos lang ng meeting ko. Kumusta ka na?
Haruko: Kuya may balita ako sa'yo....
Takenori: Bumalik na paningin mo yung left eye mo okay na pero yung right eye malabo
pa. Congratulations Haruko. Sabi ko sayo babalik din paningin mo.
Haruko: Paano mo nalaman nii-chan?
Takenori: Tinawagan ako ni Rukawa kagabi, sinabi nya din na natrap ka sa sunog pero ligtas ka  na

Haruko: Kuya Takenori, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka beastmode?
Takenori: Gusto mo ba ako magalit? Beastmode ka dyan? Nung narinig ko yung balita mula kay Rukawa gusto ko magwala talaga dahil ano ba naman yan Haruko suki ka ng mga aksidente at disgrasya pero kinausap ako ni Rukawa na okay ka na and nahuli na yung mga magnanakaw na gumawa sayo ng masama kaya kalmado na ako

Haruko: Close na pala kayo ni Rukawa-kun. I thought hindi pa kayo okay
Takenori: Well, mabait sya sayo at inaalagaan ka nya that's what matters most. Anyway ano, kayo na ba ni Rukawa? Update mo si Takenori-niichan mo. YUMU!! Bantayan mo si Haruko at si Rukawa no funny business okay?!
Ayumu: ARF. ARF.
Haruko: Nii-chan!!

          Binababa na ni Takenori ang phone, hiyang hiya naman si Haruko dahil naka loudspeaker ang kanyang phone at ang paguusap nila ng kapatid ay narinig ni Itsuki. Dahan dahan itinaas ni Haruko ang kanyang mata at tiningnan si Itsuki, hindi nga sya nagkamali tumatawa ang binata "Pasensya ka na Itsuki-kun, narinig mo pa iyon". Umiling naman si Itsuki No it's okay. Natuwa lang ako at naalala ko yung comment mo about sa mga panganay". Natawa din si Haruko, maya maya ay nagbayad na sila at umalis na ng cafe. Pagkahatid ni Itsuki kay Haruko at Ayumu sa bahay nito ay umuwi na rin ang binata sa kanyang bahay.

.....

           After a week ay back to normal na ang routine sa pedia ward department as much as normalcy that they can have, pansamantala ginagamit ng mga bata at ni Haruko ang Nurse Office para sa paghahanda sa presentation nila para sa founding anniversary ng hospital. Malungkot sila dahil halos wala na natira sa mga arts and crafts na ginawa ng mga bata maski ang mga instrumento at materyales na ginagamit nila sa mga activities ay walang natira. Bumili ng bagong keyboard ang ospital para may magamit ang mga bata, ang violin naman ay magagamit pa at naisalba sa sunog. Mabuti na lamang at may soft copy at nasa system ng hospital ang patient files.

"Mga bata, malapit na natin maperfect ang pagkanta. Excited na ba kayo sa party?" tanong ni Haruko
"Hai" chorus ng mga bata

"Haruko-neechan baka pwede kumanta rin ako at kayo na lamang po sa keyboard" suggestion ni Nagi
"Oo nga po Haruko-nee"/ "Tapos sabayan nyo po kami kumanta"

"Sure ba kayo? Kung ganun may mga changes tayo sa kanta"
"Opo! Next next week pa po ang event kaya may time pa tayo" pagsang ayon ng mga bata

           Pumayag na rin si Haruko sa gusto ng mga bata "Okay sige pero konti lang ang part ko dahil hindi ako ang star ng presentation, kayo mga bata". Namula naman ang mukha ng mga ito sa compliment ng kanilang ate "Aww, Haruko-neechan. Thank you Hehe". "Haha, nahiya pa ako nyan ah.. Totoo naman ang sinabi ko. Okay? May 15 minutes pa tayo bago matapos ang practice kaya 1 last song for this day"wika ni Haruko. "Hai" chorus ng mga bata

           Awit at tunog mula sa instrumento ang umalingawngaw sa buong silid.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now