Chapter 21

73 3 3
                                    

           Sinusuklay ni Haruko ang kanyang buhok nang bumalik ang kanyang isip sa nangyari sa kanila ng kanyang kuya Takenori sa park kaninang umaga. Hindi n'ya maiwasan mapangiti.

-FLASHBACK-

           Nagsasalu-salo na ang magkapatid na Akagi, Maganda ang panahon at mahangin, bagay para sa picnic activity. Si Ayumu ay nakahiga din sa nakalatag na blanket may relax expression at nag wag ng kanyang tail slowly. Ninanamnam naman ni Haruko ang malamig na simoy ng hangin. Si Takenori ay pinagmamasdan ang kanyang kapatid. Kahit ilan taon na ang lumipas, naaalala pa din ng binata ang araw na nawalan ng paningin si Haruko. Isa sa kanyang panalangin ang bumalik na ang eyesight ng kapatid.

           "Haruko, kumusta na ang paningin mo ano ang sabi ng Doctor" tanong ni Takenori
           "Ganun pa din Nii-chan, sabi ni Doc Kogure hindi naman ako totally blind may chance pa din na babalik din ang paningin ko" paliwanag ni Haruko

             "Mabuti kung gano'n. Sundin mo lang ang mga medication na sinabi ni Kogure... oh bakit ka malungkot"
            "Minsan nawawalan na ako ng pag-asa nii-chan.. Ilang taon na pero wala pa din nangyayari"

           Pinagsabihan naman ni Takenori ang kanyang kapatid "Haruko, huwag ka panghihinaan ng loob, babalik ang paningin mo, naniniwala ako kaya dapat maniwala ka din". Ngumiti naman si Haruko "Thank you kuya sa pagpapalakas ng loob ko. Sana nga bumalik na talaga ang paningin ko". Inextend ni Haruko ang kanyang dalawang braso, lumapit naman si Takenori at niyakap ang kapatid. "Ayan dapat palagi ka positive Haruko. Malay mo makita mo na din itsura ni "Rukawa-kun" mo" nagawa pang asarin ni Takenori ang kapatid, hinampas naman ni Haruko ang likod ng kanyang kapatid "Nii-chan!".

           Hindi napigilan ni Takenori ang tumawa, alam nya na something is going on sa kanyang kapatid na si Haruko at kay Kaede Rukawa.

- END OF FLASHBACK-

            Saktong pagkatapos mag daydream ng dalaga ay narinig nya ang sigaw ni Takenori mula sa ibaba ng hagdan "Haruko! Baka malate tayo, bumaba ka na". Kinausap naman ni Haruko ang kanyang aso "Yumu, ready na ako. Tayo na baka maging king kong na naman ni Nii-chan. Haha". Ngumiti lang si Ayumu at ibinigay ang leash kay Haruko. Dahan dahan bumaba ang dalawa. Nasa ibaba naman ng hagdan sina Takenori at Kaede inaantay ang dalaga. Tinitignan ni Kaede ang kanyang orasan ng marinig ang malambing na boses ni Haruko

"Pinag intay ko ba kayo dalawa? How do I look? Pasado na ba?"
"Hmm, mukha ka tao ngayon Haruko"
"Nii-chan naman ang mean"

            Hindi makapaniwala si Kaede na he will be rendered speechless once again by Haruko.. Well, obviously tahimik naman talaga s'ya pero never in his life na masasabi ng binata na isang babae, hindi basta babae kung hindi si Haruko Akagi ang reason kung bakit maniniwala s'ya sa mga stereotype when it comes to romance or love. Pinagmasdan n'ya ang itsura ni Haruko "Wow" bulong n'ya sa isip. Napukaw naman ang atensyon ng binata ng tawagin s'ya ni Takenori. Ang suot ni Haruko ay isang chiffon powder blue dress na hanggang ibabaw ng elbow ang mangas, square neckline at may ½ inch white ribbon belt sa waistline. May tatlong maliit na puting buttons sa gitna mula sa neckline paibaba. May kulay puti na lace lining din sa ibabaw ng square neckline at mangas.Regalo ni Momoka sa kanya.

"Rukawa, alam ko tahimik ka pero pansin mo naman ang kapatid ko kanina ka pa nya tinatawag" comment ni Takenori habang pinagmamasdan si Kaede alam nya na speechless ang binata dahil sa kanyang kapatid

"Aa... sorry,. You dress nicely Haruko" comment naman ni Kaede

           Nainis naman si Takenori "Ayan lang sasabihin mo kay Haruko? Hindi mo ba nakita ang ganda ng kapatid ko". Inawat naman ni Haruko ang kapatid "Haha, Nii-chan, okay lang. Ayan na makukuha ko na compliment kay Rukawa-kun, sabi ni Sakuragi-kun at Sendoh-kun, pa mysterious kasi image nya". Nakasimangot pa din si Takenori pero hinayaan na ang binata. Passive look lamang si Kaede pero ang totoo more than what he said earlier yung gusto nya sabihin kay Haruko, nahihiya lang s'ya dahil nandito ang kapatid ng dalaga. "It's 10 minutes before 8, we need to leave" command ni Takenori. "Isasama ko si Ayumu okay lang ba?" tanong ni Haruko. Nag nod naman si Kaede "Allowed daw ang service dogs sa restaurant". Ngumiti naman ang dalaga.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now