Chapter 46

57 3 1
                                    

             Naka upo sa sala si Haruko kasama nya si Ayumu maging sina Hisako at Ichinose nanonood sila ng tv. Si Itsuki ang naatasan na maghugas ng mga pinagkainan si Kaede naman ay nagtungo sa kwarto para makapag handa ng sarili dahil ngayon araw mamasyal sila ni Haruko. Napansin ni Hisako na may malapit na bumagsak ang buhok ni Haruko sa pagkakatali nito "Haruko-chan ang ponytail mo" untag nya, hinawakan ni Haruko ang nakatali n'yang buhok at naramdaman nya na matatanggal na nga ito "Ay oo nga po... baka po sa pagkilos ko kanina... wala po kasi ako sanrio, straight ko po ginamit yung ribbon" paliwanag ng dalaga tatayo na sana ito para umakyat sa kwarto ng awatin siya ni Hisako "Haruko-chan..." untag nito humarap naman ang dalaga sa kanya "Pwede... ako mag ayos ng buhok mo?" kinakabahan si Hisako na baka tanggihan siya ni Haruko. Isang matamis na ngiti ang binigay ng dalaga "Sige po Okaasan... Kunin ko lang po sa taas ang suklay ko". Nagulat naman ang dalawa ng bigla rin tumayo si Ichinose "Ako na Haruko... tabihan mo na lang si Hisako" nagkatinginan ang mag asawa alam ni Hisako na alam na ni Ichinose ang gusto nya mangyari

"Yes, Tsuma kukunin ko rin yung rubber band sa kwarto".
"It's sanrio... not rubber band" pag correct ni Hisako

"Same lang sila..."
"Hay nako Anata... bilisan mo na nga"

"Okay.. wala bang thank you? Tsuma"
"Thank you Anata..."

              Hinalikan ni Hisako ang pisngi ni Ichinose may knowing smirk naman si Ichinose nag giggle lang si Haruko sa antics ng mag asawa. Umakyat na nga si Ichinose sa itaas at si Haruko naman ay tinabihan si Hisako. Hinayaan ng dalaga na alisin ni Hisako ang ribbon na naka pusod sa kanyang buhok. Makalipas ang limang minuto ay bumalik na rin si Ichinose at kasama sina Itsuki at Kaede. Nagtaka naman ang magkapatid kung bakit hinahawakan ng kanilang ina ang buhok ni Haruko. Mas nagulat sila ng binigay ng ama ang suklay at panali ng buhok sa kanilang ina, "Haruko-chan, talikod ka sa akin para maayusan kita" naramdaman ng lahat ang excitement sa boses ni Hisako. Nag smile naman si Haruko at nag nod "Opo Kaasan" sinunod nya ang instruction ni Hisako. May smirk naman si Itsuki "Now we know... aayusan mo pala ng buhok si Haruko-chan", tahimik lang si Kaede at pinag mamasdan ang moments ng kanyang ina at ni Haruko. Hindi lubos akalain ni Haruko na marunong mag ayos ng ibang buhok si Hisako.

"Half bun pa rin ba ang gusto mo ayos?"
"Opo... Uhm, Okaasan marunong po pala kayo mag hairstyle sa iba..."

"Oo naman... alam mo Haruko noon akala ko babae ang pinagbuntis ko sa bunso kong anak kaya excited ako maayusan sya ng buhok kaya lang si Kaede-cakes pala ang binigay ni Lord"
"Parang hindi kayo masaya kaasan na anak ninyo ako" nagkunwari na hurt si Kaede

"Of course not.. Syempre mahal ko kayo... namin ng Father ninyo, Itsuki-kun, Kaede-cakes... pero syempre dream ko talaga noon na magka baby girl"
"Mother... matutupad nyo pa rin po yung dream na yun di'ba... Since nandito na si Haruko"

"Tama si Itsuki... Besides, about sa sinabi mo kanina Haruko.. Nung bata si Kaede binibihisan ni Hisako ng dresses at inaayusan ng buhok na pang babae dahil nga feminine ang features nya"

"OTOUSAN!!"

             Sa pagbuko ni Ichinose ng secret ni Kaede, hindi nya napigilan ang pagpula ng mukha "Really! Haha, sayang wala sa photo album kanina yung pag suot mo ng dresses, I'm sure ang cute mo dun Kaede-kun" comment ni Haruko habang nakangiti. Lalo naman namula ang mukha ni Kaede, iniwas nya ang tingin sa mga kasama at mas pinakatitigan ang bintana hindi nya alam na sasabihin ng ama ang isang embarrassing scenario ng kanyang childhood. Nang kumalma na si Kaede at naramdaman nya na hindi na namula ang pisngi nya ay bumalik ang tingin nya kay Haruko at sa kanyang ina, nakita nya na hinahaplos na maigi ni Haruko ang white ribbon na niregalo nya noon. Napansin rin ito ni Ichinose "Haruko, mukha special sayo ang white ribbon na yan" comment nya, nag smile naman si Haruko at binigay ang ribbon kay Hisako, tinali naman ni Hisako ito sa buhok ng dalaga matapos nya isecure ang bun gamit ang sanrio, "Opo si Kaede-kun po nag regalo sa akin nito.. Nung gabi na binigay sa akin ni Kaede-kun yung ribbon yun din po yung gabi na nahuli yung mga nagnakaw sa bahay ko" pagsalaysay ng dalaga.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now