Chapter 51

53 3 0
                                    

"HARUKO...."

             Booming voice ni Takenori ang umalingawngaw sa loob ng bahay, mabuti na lamang nasa bakuran si Yui kung nagkataon ay napagalitan rin ang binata. Matapos marinig ni Takenori mula kay Fukuda at Uozumi ang encounter ng kapatid sa hospital specifically the fact na muntikan na mapahamak si Haruko sa loob mismo ng medical records ay nasapo na lamang nya ang kanyang noo, "Nii-chan, I'm okay, wala naman nangyari sa akin at besides hindi naman nila ako nakita.. Hehe" pabulong na wika ni Haruko ngunit narinig pa rin ng lahat.

"Paano kung may nangyari sa'yo, sigurado ako magpapakita sa akin sa panaginip si Mama at Papa... Si Mama alam ko sisigawan nya ako at sasabihin na bakit kita pinabayaan" hysterical na boses ni Takenori sa sobrang pagaalala sa kalagayan ni Haruko

"Takot ka pala sa ghost, nii-chan... Tsaka ang O.A mo naman, I'm safe kaya hindi nga nila ako nakita sa ilalim ng lamesa at akalain mo kasya ako dun Haha" comment ni Haruko at hindi affected sa pag hysteria ng kapatid
"Tigilan mo ako Haruko Akagi... Ewan ko ba sa'yo bakit may magnet ka sa disgrasya... Safety mo nakasalalay dito"

"Solving the 'case' is also at stake here nii-chan kaya kahit mainis ka pa tutulong pa rin ako... Besides, hindi mo naman ako matitiis eh"

              Pinagmamasdan lang grupo ni Uozumi, Maki, Kaede at Kogure ang interaction ng magkapatid. Naintindihan nila ang sentiments ni Takenori kung ganun na nga lang ito mag alala para sa safety ni Haruko due to the fact na aware sila sa mga incidents na even themselves knew that may magnet sa disgrasya ang dalaga. Pigil ang tawa ni Uozumi, Maki at Kogure sa pang aasar ni Haruko na takot na multo si Takenori. Niyakap ni Haruko ang kapatid nya sa likod kahit na naka upo ito "I'm sorry nii-chan, O.A ka kasi minsan" inasar pa rin ni Haruko ang kapatid nya. Natawa si Kogure sa sinabi ng kinakapatid "Akagi... " lumingon naman si Takenori sa kanya kung susuriin ay mistula naka nguso ito "Huwag ka na mag alala kay Haruko, parang hindi mo kilala ang kapatid mo kapag nakapag desisyon na sya hindi na yan mababago pa... Tsaka I'm sure Haruko will be protected by them" pag address ni Kogure kina Koshino, Ikegami at Fukuda. Nag thumbs up si Koshino "Oo naman, kami pa ba... One call away lang kami", "Hindi rin namin gusto makatikim ng umbag galing sayo Akagi" dagdag ni Ikegami. Seryoso tinignan ni Takenori ang mga kaibigan na -- Uozumi at Maki naintindihan naman ng dalawa ang nais iparating niya nag nod ang dalawa bago hinarap ang kapatid "Iwasan mo ang panganib Haruko, baka atakihin sa puso si Kaede pag aalala sayo".

              Ngumuso si Haruko "Mou... Ang bad mo Takenori-nii", tinawag ni Takenori ang pangalan ni Kaede at tinanong kung may masasabi ba ito "Aa" tipid na sagot nito, napailing si Maki sa sagot ng subordinate "Sanay naman ata si Akagi" comment ni Kogure. Pinaupo nila si Haruko sa katabing upuan ni Kaede, ang binata naman ay binigyan agad ng platito na may laman cake ang kasintahan, nag mutter ng 'thanks' si Haruko at kinain agad ito. Nagsimula na ang discussion nila. Sinabi ni Doc Kogure alarming ang bilang ng unsuccessful na operations sa hospital "Niraise namin to sa Department Meeting na lahat ng doctors nag agree since dapat wala unsuccessful kahit isa" sinabi rin ni Kogure na baka bumaba ang bilang ng mga pasyente na magtiwala sa SilverCrest kung patuloy ang ganitong scenario.

"Ano reaction ni Doc Honda?" tanong ni Maki
"Kahit sya disturbed sa nangyayari, hindi sya maka kilos dahil mahirap na, tayo lang inaasahan nya na makatulong" paliwanag ni Ikegami

"Ang hirap nga mag investigate sa totoo lang.. Ang alam sa buong SilverCrest ang may final decision sa lahat ay si Doc Arata at hindi na si Doc Honda dahil nga sa agreement nila sa pag donate ni Doc Arata" pag amin ni Koshino
"If that's the case mas mahirap isolved ang case na yan" comment ni Akagi

"Totoo ang sinabi ni Koshino-san... May dumating na memo sa amin mga doctors ang final approval sa lahat ng decision will be coming from Doc Arata, specially related sa Surgery Department" dagdag ni Kogure

"Bakit pumayag si Doc Honda?" tanong ni Kaede

             Tumingin naman ang lahat sa binata, ngayon lang nakisali sa discussion si Kaede lahat sila ay kinonsidera ang sinabi nito "Bakit nga ba pumayag si Doc Honda?" takang tanong nila sa mga isip, "Malaki ang loss ng SilverCrest kung sila ang mag shoulder sa pagpapagawa ng bagong Pedia Ward Building kaya wala nagawa si Doc Honda, kawawa ang mga employees, nurses and lahat if hindi pumayag si Doc sa agreement" paliwanag ni Kogure. Nilapag ni Uozumi ang isang folder, binuklat naman ni Kogure ito nakita rin ni Takenori dahil magkatabi sila "Dear God" ito na lang ang nasabi ni Kogure sa nalaman. Ipinaliwanag ni Uozumi ang nilalaman ng investigation nila "Lahat ng namatay sa surgery ay dinadala agad sa morgue, upon further investigation we found out that kaibigan ni Doc Arata ang nag manage nito... ang mga organs ng patients ay kinukuha nila", shock ang lahat sa revelation, tinulak ni Haruko ang platito na nasa harap nya "Nawalan ako ng gana" wika nya, nakatikim ng kurot sa tagiliran si Kaede sa pagsabi nya na "Ubos mo nga...:".

"Anong klase silang tao" disappointed at may halo awa si Kogure sa ginawa sa pasyente nila kahit na yumao na sila
"Hindi magagawa ng tao yan.. Hayop lang kaya gumawa nyan" comment ni Sendoh na nakinig sa usapan kanina pa

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now