Chapter 72

43 2 0
                                    

        Tinitigan ni Haruko ang kanyang kapatid para humingi ng tulong, tatlong araw na sya namalagi sa bahay ni Uozumi gusto nya umuwi sa sarili nyang pamamahay, maliit man ay mas komportable sya sa sariling pamamahay bukod pa sa issue na nahihiya na sya sa mother ni Uozumi sa pag aasikaso sa kanya. Huminga naman ng malalim si Takenori at pinagbigyan ang gusto ng kapatid na pag awat ngunit hindi sya pabor sa pag alis nito sa poder ng kaibigan


 "Uozumi... Kaede tigilan nyo na yan naisstress na si Haruko"
"Akagi... sinabi ko na nga kay Rukawa, hindi pa pwede bumalik si Haruko sa apartment" paliwanag ni Uozumi na kanina pa nga stress

"Hindi mo nga ako hinayaan magsalita dyan..." malumanay na tugon ni Kaede ngunit
bakas ang reklamo sa boses ng binata


         Ibinababa ni Uozumi ang kamay na nasa mukha sa sobrang inis "Dahil alam ko ayan ang sasabihin mo..." nilingon nya ang kapatid ng kaibigan "Haruko... hindi ka pa pwede sa bahay mo... let's give it a week...". Agad naman humaba ang nguso ng dalaga "A Week?? But why, wala na naman nag track sa akin hindi ba? Nakakahiya na kay Tita... todo asikaso sa akin... ayaw ko maging abala". Hindi masabi ni Uozumi na ang nanay nya mismo ang ayaw magpauwi sa dalaga sa sarili nitong bahay, it seems na her mom instantly have a liking to Haruko at gusto na ito ampunin bilang anak, kinausap nya ang ina na hindi maaari ito na nag resulta sa hindi nila pagkaunawaan, kaya naman nag compromise si Uozumi kinausap nya ang ina na hanggang isang linggo lang pwede mamalagi pa si Haruko sa bahay nila dahil may sariling bahay ito. Ayaw man ay walang nagawa ang nanay ni Uozumi kung hindi pumayag sa sinabi ng anak.


       Klinaro ni Uozumi ang kanyang lalamunan "May sugat ka pa... and for sure mag kilos ka rin sa sarili mong bahay, Haruko... Mabuti na nandito ka, at hindi ka abala para kay Mama, gusto ka nya alagaan". May pag ubo naman si Takenori sa sinabi ng kaibigan, tama nga ang nasa isip nya ayaw pa paalisin ng nanay ni Uozumi ang kapatid nya "Hays... masyadong adorable ang kapatid ko" napapailing nyang wika sa isip, naalala nya na sobra rin mag pamper si Hisako kay Haruko na parang tunay na anak na ito. Binigyan sya ng update ni Ikegami at Koshino na cost clear na sa apartment ng kapatid at wala naman nagmamasid sa bahay o sa malapit sa bahay nito.


        Hindi naman nagustuhan ni Kaede ang nasaksihan, matapos magpaliwanag ni Uozumi ay hindi na nakipagtalo ang girlfriend nya. Hindi man sya vocal, aminado sya miss na nya si Haruko lalo na pag gising sa umaga ang mukha nito ang nais nya makita. Nakasanayan na nya na katabi ang girlfriend sa kama pagtulog at ito rin ang una nyang makikita sa umaga, oo hindi pa sila nag sasama pero sa araw araw na pagsundo nya kay Haruko ng dalawang oras bago pa ang shift nito sa ospital ay nagkaroon pa sila ng pagkakataon matulog dalawa sa kwarto ng dalaga. Don't get any malicious thoughts, wala pa nangyayari sa kanilang magkasintahan besides sa mga cuddling moments nila. "Pwede naman tumira ulit sa bahay ko si Haruko..." ngayon nagpasya si Kaede na magpahayag ng sentimento.

"Hindi pwede...." agad na kumontra si Uozumi
"Bakit? Kapatid ka ba?" pilosopong tanong ni Kaede

"Hahahaha" tawanan naman mula kina Ikegami, Koshino at Fukuda


        Ang tatlo katulad ni Uozumi ay binigyan ng 2 weeks off dahil sa katatapos lang ng investigation and crime solving na ginawa nila. Naglalaro ng uno cards ang tatlo "Oi, pulis kayo ah bakit kayo naglalaro ng cards? At bakit kayo tumatawa dyan" bulyaw ni Uozumi


 "Yes these are cards...."
"But not just cards... "

"Its UNO CARDS"
(Sunod sunod na wika ng tatlo)

"Boss, hindi kami nag sugal... walang money involved dito" pag assure ni Ikegami
"Tsaka kaya kami tumatawa, kasi oo nga parang kapatid mo si Haruko sa pagiging over protective ah" comment ni Koshino

"Hindi rin kami naka uniform... si Akagi nga kalma lang Boss eh... Ikaw yung maka react" walang malisya wika ni Fukuda


          Napailing si Uozumi sa antics ng mga katrabaho, sabay nila tinignan si Takenori at hinihintay ang isasagot nito "I trust Kaede... always naman nya nirerespeto ang kapatid ko" may smug smirk si Kaede na kaagad nawala dahil sa sumunod na sinabi ng kapatid ng kasintahan "Pero.... Mukha ayaw pa ni Tita pauwiin si Haruko eh... kaya dito muna ang kapatid ko". Malakas na tawa ni Uozumi ang narinig "Hahaa... Salamat Akagi" tinapik nya ang balikat ng kaibigan. Kahit pigilan narinig nilang lahat ang pag giggle ni Haruko "Hmmp... Hahaha.... Sorry sorry.... Nakakatawa kasi eh....".


 "Nasaan si Tita?" tanong ni Kaede

Echoes in the Nightजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें