Chapter 36

39 2 1
                                    

           Habang naglalakad ay naalala ni Kaede ang itsura ni Haruko nang parangalan ito na face of the night, "Bagay kay Haruko ang award nya.. Mas maganda pa sya sa gabi" bulong nya sa isip. Natigilan naman si Kaede sa nasabi nya, naisip nya kailan pa sya naging cheesy na tao kapag narinig ni Sakuragi ito tiyak nya na aasarin siya. On the other hand narealize ni Kaede na wala sya pakialam kung asarin sya ng mga kaibigan basta mas mahalaga na maparamdam nya kay Haruko na special sya sa kanya. "Hindi special siopao... importante ka sa akin, Haruko sana alam mo ito" mahinang wika ni Kaede na pina agos nya sa malamig na hangin. Nagulat sya ng tinapik ni Ryuu ang kanyang binti "Rukawa-nii kanina ka pa tinatawag ni Haruko-nee. Bakit di ka sumasagot". Humingi naman ng paumanhin ang binata "Pasensya na may naalala lang ako".

           Hinayaan na lamang ni Ryuu ang kanyang niichan at pinalapit ito sa kapwa nya bata at kina Haruko at Kara. Nakita ni Kaede na pare pareho ang suot ng mga ito.

"Rukawa-nii! Hello" bati ng mga bata
"Hello sa inyo. Balita ko mag perform kayo ngayon. Galingan nyo. Huwag kayo kabahan" pag encourage ni Kaede sa mga bata
"Thank you po niichan... Nag practice kami para dito" chorus ng mga bata

"Kids, alam namin na maganda ang performance nyo. Enjoy nyo lang" paalala ni Nurse Kara
"Ang ganda and gwapo nyo naman mga bata. May time pa tayo kaya ipaalala ko lang ang gagawin niyo pati ni Ayumu" comment ni Haruko

           Ipinaliwanag ni Haruko kung kailan gagawin ng mga bata ang surprise. Nag nod naman sila at excited na rin. Pinaki suyo ni Haruko kay Nurse Kara na alisin ang tiara na suot nya, dahan dahan naman inalis ni Kara ito. "Nasaan ang violin ni Megumi-chan?" tanong ni Haruko. "Binilin ko na sa musical director natin. Ibigay na lang mamaya. Pati yung keyboard na gagamitin mo Haruko ready na rin" wika ni Kara. Nag nod naman si Haruko, "Thank you Nurse Kara. Kaede-kun, pwede ikaw muna maghawak ng tiara ko?". Nag nod naman si Kaede at babalik na sa loob ng pigilan sya ng mga bata.

"Kaede-nii, papicture po tayo" request ni Nagi
"Oo nga, papicture po tayo... pero picturan nyo po muna kami Hehe" comment ni Shin

             Ginawa naman ni Kaede ang gusto ng mga bata. May dumating na photographer at nakita ang ginagawa nila "Hello sa inyo. Picturan ko din kayo ayos lang?". Pumayag naman ang lahat, may solo picture ang mga bata, si Nurse Kara, Haruko at si Kaede. Sumunod kinunan ng photographer ang group photo ng mga bata kasama ang adults, mayroon naman na si Haruko at Kara ang kasama ng mga bata at si Haruko at Kaede kasama ng mga bata. May picture sina Haruko at Kara, "Sir baka pwede nyo po picturan si Haruko at si Rukawa-san, maganda ang background romantic" kilig na wika ng nurse. Nag smile naman ang photographer at pina pwesto ang dalawa sa gitna ng arko na puno ng led lights at flowers "1 more, Sir hawakan mo naman sa waist si Miss and Miss Haruko humilig ka naman ng konti kay Sir" request ng photographer. Kilig naman lalo ni Kara at kinuhanan din sina Haruko at Kaede habang kinukunan ng photographer. Kahit ang mga bata ay masaya rin para sa kanilang neechan at niichan.

             Nagpasalamat ang lahat sa photographer. Nagpaalam na si Kaede sa kanila na babalik na sa loob. Nag wave naman si Haruko, nagpaiwan si Nurse Kara dahil tutulungan nya ang mga bata sa presentation nito mamaya. Mabilis sinundan ni Kaede ang photographer at pinakiusapan kung pwede humingi ng copy, nag smile ang photographer "Walang problema Sir, on process na pag develop namin ng pictures, tig 2 copies ang bibigay ko sa inyo ng picture nyo dalawa ni Ms. Haruko. Pati yung solo pictures nya ibibigay ko sa iyo". Nag bow naman si Kaede "Salamat po". Sinabi ng photographer na ibigay nya ang mga larawan bago ang awarding ng winner sa dance battle.

.
.
.
.
.

            Pagkabalik ni Kaede inusisa sya agad ng boys kung ano ginawa nya. Sinabi lang nya na gusto lang sya makita ng mga bata. Nag nod naman sila, "Mag perform pala sila. Exciting naman" comment ni Sakuragi. "Rukawa, bakit hindi mo kasama si Nurse Kara" tanong ni Sendoh.. "Yiieee, sabi ko na nga ba bet mo si Kara... Balita ko open ang dance floor mamaya, isayaw mo na si Nurse Kara later" kantsaw ni Fujii. "Go, Senpai! Go Senpai!" cheer ni Kaname. Napahawak naman sa batok si Sendoh "Aa... Eh, sana hindi nya ako tanggihan kapag niyaya ko sya". "Hindi yan!" magkasabay na sabi nila Kaname, Sakuragi at Fuji.. "Huwag ka magbackout sa pagtanong sa kanya" paalala ni Kaede.

           Natahimik naman sila ng magsalita si Nurse Louie sinabi nito na magsimula na ang dance battle between the three departments. Puno ng cheers mula sa mga departamento ang buong dome. Tuwang tuwa naman si Fujii sa napanood nya "Grabe pala dito, kinakareer ng mga employees", ang theme ng anniversary this year is festive and vibrant. "Tama ka Honey, grabe may pa buga ng apoy buti hindi nasunog dito" comment ni Sakuragi na nag aalala baka mag cause ng sunog ang ginawa ng isang dancer. "Kaya siguro tayo ininvite ni Doc Honda para incase magkasunog ready na. Haha" pagbibiro ni Kaname. Nagsmirk naman si Kaede. "Ano pinaka gusto nyo performance?" tanong ni Sendoh.

"Bet ko itong Nurses, The Greatest Showman ang peg.. Ang ganda ng costume nila at pati production pasok sa banga" comment ni Fujii
"Nurses din ang nagustuhan ko. Pag amin ni Kaede
"Ako naman po, yung sa offices may pa apoy eh.. Tribal dance na may halo na fire dance Amazing" mula naman kay Kaname

"Ang na impress ako yung sa una nagperform, festive sila, iba't ibang festival dances in 1.. May mga pa showcase pa ng pagkain. Nagutom nga ako" wika ni Sakuragi

           Nagtawanan naman ang lahat, dumating naman si Kara "Ay hindi ko nakita ang performance nila" comment nito. "Nurse Kara, huwag ka malungkot nirecord ni Sendoh-senpai para sayo yung mga presentation" wika ni Kaname. Binigyan naman ng tingin ng binata at Sakuragi ang katrabaho nila "Oo, ishare ko sayo.. May viber or messenger ka ba, Nurse Kara?" tanong ni Sendoh. Nag blush naman si Kara "Oo mayroon ito oh" pinakita ng dalaga ang qr code ng kanyang viber at messenger app. May sariling mundo na sila. Kilig na kilig naman si Fujii at Sakuragi para sa dalawa. Narinig nila nagsalita si Louie "Before our intermission number and sa announcement ng winner ng dance battle for this year. Ito na ang moment para sa grand prize for the raffle". Nag cheer naman ang lahat.

         "May we call on Ma'dam Ivy and Doc Kogure in front" pagtawag ni Louie, lumapit naman ang dalawa, sila ang bubunot para sa mga winners ngayon gabi "May chances ang lahat even ang mga guest natin dahil kasali ang pangalan nila sa mga roleta" paliwanag ni Ivy. Isa isa bumunot si Kogure, "Nako ang swerte naman nyan kung sino man sila" sigaw ng isang doctor. Isang office staff ang nanalo ng automatic washing machine. "Para sa gas range with oven... ang nabunot natin ay si.... Hanamichi Sakuragi" sigaw ni Kogure mula sa mic. Hindi naman inexpect ni Sakuragi na mananalo sya "Honey... Nanalo ka... Congrats" pag cheer ni Fujii. Nagpunta naman sa unahan si Sakuragi, nag picture taking sila "Ah, salamat po sa pag invite nyo sa amin, hindi ko po inexpect na palarin ako ngayon gabi.. Tanong ko lang po pwede po ba bukas ko na kuhanin yung premyo? Hindi kaya ng dala kong sasakyan. Nyahaha" pag amin ng binata.

            Nagtawanan naman ang lahat "Don't worry dear, ideliver naman namin ito bukas sa bahay ninyo. Ibigay mo lang ang address & contact details mo sa guard" paliwanag ni Ivy. "Salamat po Madam" wika ni Sakuragi at bumalik na sa kanyang upuan. "Para sa grand price 75 inch smart tv and electric oven.... Sino kaya ang mananalo... Ma'dam Ivy paki bunot na po ang ating lucky winner" pakisuyo ni Louie. Ginawa naman ni Ivy ito at ibinigay sa host, nang mabasa ni Louie ang pangalan at hindi nya maiwasan mapakamot ulo "Sorry na lang kayo mga kapwa ko employees, may kumuha na ng trono ko this year. Haha. Doc Kogure, paki announce naman po kung sino ang grand prize winner natin ngayon taon ng raffle". Nag ingay naman ang lahat

 "Ano ba yan... Ang daya"
"Kailan kaya matawag pangalan ko dyan"
"Ako nga 30 years na dito. Hindi pa natatawag eh"
"Hahaha"

           Binuksan ni Kogure ang nakatiklop na papel "Ang nanalo ng 1st grand prize ng raffle this year... 75 inch smart tv at electric oven ay from the Nursing Department" pa suspense ni Doc Kogure. Nag sigawan naman ang mga nurses, "Sa 4th floor nurse station B.... Walang iba kung hindi si Nurse Kara!" pagtawag ni Kogure. Mas umingay naman ang mga employees kahit mga doctor ay naki cheer kay Kara "Kara, dear lumapit ka na dito sa stage" pag anyaya ni Madam Ivy gamit ang mikropono. Katulad ni Sakuragi, hindi rin inexpect ng nurse na mananalo sya. Nag picture taking sila, "Nurse Kara, speech ka muna" kantsaw ni Kogure "Uhm... Salamat po, sa 5 years kong nurse dito sa SilverCrest first time ko po matawag sa raffle... Thank you po. Nurse Louie ipinasa mo na ba sa akin ang bertud?" maikling speech ni Kara.

             Umirap naman si Louie "Ngayon gabi lang. Next year ako na ulit mananalo ng grand prize Haha". Bumalik na si Kara sa kanyang upuan, nag offer naman agad si Sendoh na ihatid nya ang dalaga "Paano naman si Kaname?" tanong ni Kara. "Sasabay si Kaname kina Fujii" maikling paliwanag ni Kaede. Nag nod naman si Kaname, kokontra sana si Sakuragi pero kinurot ni Fujii ang hita nya kaya hindi sya makapagsalita.

             Clinear ni Louie ang kanyang throat "Excited na ba kayo para sa hinandang presentation ng pedia ward kids?". "Yes!" cheer ng lahat. "Hindi ko na patatagalin pa. Let's welcome them by giving them loud cheer". Bumukas ang front door at nag aabang ang lahat sa mangyayari.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now