Chapter 54

60 3 0
                                    

             Hindi lubos maisip ni Haruko kung paano nangyari ang mga bagay na hindi naman usual na nangyayari nitong nakaraan na mga araw - - actually, halos 2 weeks na nga kung tutuusin. Oo aminado sya na hinahatid sya ni Kaede at sinusundo sa trabaho araw-araw which is normal naman at pinagpasalamat nya na maasikaso ang kasintahan sa kanya ngunit ang hindi nya maintindihan, kinataas ng kilay nya ay ang pag appear nito during her lunch breaks and afternoon snack break na may dala pagkain para sa kanya. Bukod dito napansin rin ng dalaga na kung protective in nature si Kaede towards her, mas naging protective pa ito sa kanya or kung marapatin nya sabihin mas attentive din ito sa kanya - kapag may nakasalubong sya na katrabaho at nakausap nya ito kahit panandali napansin nya na kahit walang imik si Kaede ay matalas naman ang tingin nito sa kausap nya lalo na kung lalaki ito "The same way ng tingin nya nung nagkita sila ni Kazuki" bulong nya sa isip.

          Pinagmasdan nya ang repleksyon sa salamin habang nagsusuklay ng buhok gumawi ang tingin nya kay Ayumu na komportableng nakahiga sa kanyang kama, nakapikit ang mga mata, ang buntot ay isinasayaw kaliwa't kanan. Nakita ni Haruko ang paghikab ni Ayumu kasabay ng pag-unat ng mga paa nito may kasama pa na pag shrug pagkatapos bumalik ulit sa paghiga na nagpa-giggle sa dalaga "Yumu... baby, enough sleep na... wakey wakey..." Tumayo muli ang aso at tumalon sa ibaba ng kama para lapitan si Haruko "Arf". Pinisil naman ng dalaga ang pisngi ni Ayumu at binigyan ng belly rub "Yumu... pasensya ka na hindi kita palagi kasama ngayon sa ospital.. Alam mo naman kailangan natin mag ingat.." tumahol si Ayumu indikasyon na naintindihan nya si Haruko "At least, kasama mo si Okaasan and Otousan, di'ba... Pinapangako ko Ayumu.... Once settled na ang case sa SilverCrest mamasyal tayo, gusto mo yun sa plaza?? Park?? Sa may dalampasigan? Palagi natin pinupuntahan". Nilick ni Ayumu ang pisngi ni Haruko niyakap naman ng dalaga ang kanyang mahal na alagang aso "Thank you Yumu... Love kita".

            Nag growl naman si Ayumu dahil narinig nya ang tunog ng sasakyan ni Kaede, kabisado na ng aso ang tunog ng engine ng sasakyan ng binata maging ang footsteps nito, nag giggle ulit si Haruko at napalingon sa mini calendar na nasa ibabaw ng dresser "Shocks... ilan linggo na lang Christmas Eve na.. Wala pa ako regalo kay Kaede-kun... sa mga kaibigan ko and mga mahal sa buhay". Kinausap ni Haruko ang sarili at nagdesisyon na tsaka na nya ito isipin mas importante na salubungin na nya si Kaede. Si Ayumu naman ay inabot sa dalaga ang leash nya. Lumabas na sila ng kwarto, nilock ni Haruko ang pinto bago nagtungo sa main door. Pagbukas nya ng pinto bumungad sa kanya si Kaede nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon na suot, pansin nya na hindi ito naka uniform ngayon. Pinatuloy ni Haruko si Kaede at sinara naman ng binata ang pintuan.

"Good morning Kaede-kun"
"Good morning Haruko..."

           Hindi pansin ng dalaga pero mapula ang tenga ni Kaede ng makita ang ayos ng girlfriend, hindi nya napigilan ang sarili at hinawakan ang pisngi ng kasintahan at binigyan ng halik sa labi. Gulat man ang naramdaman ni Haruko ay sinuklian rin nya ng halik si Kaede. Si Ayumu ay humiga sa sahig, pinikit ang mga mata at hinayaan ang dalawa sa ginagawa nila. Pinulupot ni Kaede ang kanyang mga braso sa bewang ni Haruko, hindi napigilan ng dalaga ang breathless sigh sa palitan nila ng matamis na halik ng pinakamamahal nya. Unti unti naging mapusok ang palitan ng halik ng dalawa. Kaede, hearing Haruko's breathless sigh took it as a signal to continue kissing her, he even lay a ghost caress sa likod ni Haruko specifically sa spinal cord ng dalaga kaya naman involuntarily nag shiver si Haruko. Hinigpitan ni Kaede ang yakap nya sa kasintahan naramdaman nya ang softness ng mounds nito, he releases a groan, napagtanto rin nya na hindi pa ito ang tamang panahon para sa intimate part of their relationship, mataas ang respeto nya kay Haruko at hindi mapatawad ang sarili kung may gawin sya dito na hindi pa handa ang dalaga.

             Aminado si Kaede na nasa first stage pa lang sila ni Haruko sa kanilang relationship at hindi nya gusto na pilitin ang dalaga - -kasintahan kung hindi pa ito handa na gawin ang second or third step. Nang maramdaman nya ang paghawak ni Haruko sa kanyang braso he reluctantly break their intertwined lips. Bumalik ang pagpula ng kanyang tenga at batok ng makita ang pag heave ng big amount of air ni Haruko to regain her breathing "I'm sorry Haruko... I can't help myself... You're even beautiful with what you are wearing today" sincere na pag amin nya. May pink dust sa cheeks si Haruko "Thank...you... Kaede-kun... for complimenting me.. Hindi ko inexpect na ganito ang pagsalubong mo sa akin" alam ng binata na nahihiya ang kasintahan sa sinabi nito. Hinalikan ni Kaede ang noo ni Haruko at kinulong sa kanyang bisig, pinulupot naman ni Haruko ang kanyang mga braso sa bewang ng binata. They stay in that position for more than a minute, ang pagtahol ni Ayumu ang nagpabalik sa dalawa sa kasalukuyan.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now