Chapter 82

98 6 6
                                    

Naningkit ang mga mata ni Haruko habang nginunguya ang steamed sweet potatoes na nilantakan nila ngayon. Heto siya, nakaupo sa isa sa mga park benches na nakapalibot sa lugar. Hindi kalayuan sa kanya ay ang mga kaklase at guro ng kasintahan na tulad din nya ay nakatuon ang atensyon sa unahan. Mag alas diyes kinse na ng umaga at kasisimula pa lang ng programa upang pormal na buksan ang exhibit ng College of Arts. Tumango lamang ang dalaga sa mahalagang litanya na nakapaloob sa salaysay na pinamunuan ng Dean, laking pasalamat nya at may ilan malaking projectors na nakakalat sa paligid at may subtitle din ito, yun nga lang ay sa wikang ingles. May natural ngunit distinct swedish accent ang pananalita ng mga tao sa lugar kaya nahirapan sya maunawaan ang sinasabi nila, malaking tulong kay Haruko ang otomatikong subtitles na nakikita sa projector para maunawaan ng lubusan ang nangyayari.

Bago pa nagsimula ang araw, nakatanggap ng tawag si Kaede mula sa professor nyang si Vincenzo na ma move ang venue kung saan i display o i-exhibit ang obra ng kanilang batch. Dahil din sa pagkabigla ay hindi maiwasan ng binata na itanong sa nakatatanda kung bakit may biglang pagbabago sa matagal nang pinang usapan; ayon kay Professor Vincenzo, nagkataon na ang araw ng exhibit ay ang unang araw din sa taunang Cultural Festival sa kanilang lugar. Bilang aktibo sa pang bayan na aktibidades at pag suporta sa kultura at sining ay unibersidad na pinag aaralan ni Kaede ay naisipan na sa parke na rin i-daos ang kanilang art exhibit. Karagdagang pagbabago sa plano ay ang awarding ceremony upang pagbigay karangalan sa natatangi at kahanga hanga sining na ginawa ng mga estudyante ng College of Arts. At ang panghuli na dagdag sa pagbabago na ito ay isasabay na limang araw rin ang itatagal nito katulad ng duration ng Cultural Festival.

Ang Cultural Festival naman ay pagpapakita ng kultura, tradisyon at kasaysayan ng iba't ibang bansa. Dinaraos ito taon taon para na din pagkilala sa mga ibang lahi na nakatira ngayon sa Sweden. May mga stalls ng damit, gamit mapa bahay man o pang opisina, syempre hindi rin mawawala ang mga inumin at pagkain nagpapakita ng mayamang kultura nila. Ito rin ang pinagkaabalahan ni Haruko kanina, habang nag set-up sina Kaede at mga kaklase nito ay nagpaalam muna sya na mag iikot sa mga stalls. Ayaw sana payagan ng binata ang kasintahan sa nais nito sapagkat hindi pa naman ito pamilyar at ang nasa isip nya ay paano kung maligaw ito. Pero dahil ginamitan sya ng 'puppy eyes' eh wala na rin nagawa si Kaede. Mabilis na niyakap ni Haruko ang binata mula sa likod nito sapagkat may bitbit pa na ilang upuan ang mga kamay.

"Thank you... Kaede-kun....
Ja!..."

Todo pag angat ang mga paa ni Haruko sa tuwa na animo naghahanda na tumakbo. Inayos pa nito ang suot na bag at inilabas ang mapa na nakuha nya kanina nang pumasok sila ng entrance.

"....."

"...and this is one of their specialties...."

Naulinigan ng magkasintahan, mabilis na nilingon ni Haruko ang kanyang likuran at doon nya nakita na may grupo ng turista na nag tour sa Cultural Festival at nagsisimula pa lamang ang mga ito tignan ang bawat stalls.

"...Exciting!!" napatalon pa ito sa saya
"....Oh sya... I'm joining them!!

See yah later! Have fun Kaede-kun"


Napakurap na lamang si Kaede nang bigla nya naramdaman na hinatak ni Haruko ang mangas ng suot nyang polo at isang mabilis na halik ang dumapi sa kanyang pisngi. Nang umayos sya ng pagkakatayo don nya napansin na sumigaw ang kasintahan 'Excuse me!! Can I join too?' magalang na pagtatanong nito at nakataas pa ang kanang braso na para bang estudyante na may recitation. Agad naman pinasama sa pila ng lalaking usher na nasa dulo si Haruko at binigyan ng notebook at pen.

Habang abala si Kaede na inaabsorb ang mabilis na pangyayari, pasimple naman nag ngisian ang mga kaklase nya sa dinanas nito sa kamay ng kasintahan. Dahil ingles ang pananalita ng dalaga sa mga oras na iyon ay naunawaan nila ang pinag uusapan ng dalawa, actually sa palagay nila nga ay one man conversation ang nangyari dahil hindi naman kumikibo ang kaklase nila pero naunawaan pa rin ng dalaga. Kaninang umaga lamang din nila nakilala si Haruko at napatunanan na girlfriend ng kaklase nila dahil sa pagpapakilala ni Professor Vincenzo. Sa kanilang mga isip 'tiklop din pala sya sa girlfriend nya'.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now