Chapter 17

58 4 5
                                    

          Hindi na nagtagal ang pag discharge kay Haruko. Around 1:30 pm nagpunta ang nurse at ininform sila na maaari na umuwi si Haruko. Ibinigay din ng nurse ang prescription mula kay Doc Kogure at ilang copy ng laboratory at other test na ginawa kay Haruko. Nagpasalamat si Haruko sa pag aasikaso ng nurse sa kanya.

"Ready ka na?"
"Un.. Uhm, nasaan ang gamit ko?"

"Inuwi na nila Momoka-san at Fujii kanina"

           Nag nod naman si Haruko, since wala si Ayumu nahihirapan sya maglakad. Hinawakan ni Kaede ang kanang kamay ni Haruko, "Ilagay mo sa braso ko aalalayan kita maglakad". Nag smile naman ang dalaga "Salamat Rukawa-kun, hayaan mo makakasama ko na ulit si Ayumu. Salamat din pala sa pagpapatuloy mo sa akin, sa amin ni Ayumu". "Aa, wala yun. Basta ikaw, hwag lang si Sakuragi" sabi ni Kaede. Natawa naman si Haruko "Hindi kayo magkasundo?". "Magkasundo naman pero, maingay sya" tipid na paliwanag ni Kaede. "Haha, okay okay".

            Nasa sasakyan na sina Haruko at Kaede. Hindi pa din tumitigil si Haruko sa pagtawa nararamdaman na ng dalaga na naiinis na ang kasama nya.

"So, para sayo nakakatawa yon?"
"Haha. Sorry na Rukawa-kun, oo nakakatawa. Hahaha"

-FLASHBACK-

"Rukawa-san, kamusta! Ikaw pala ang susundo kay Haruko" bati ni Kogure habang nasa nurse station ng 4th floor. Binati din ng binata si Kogure "Hello Doc Kogure. Opo, may inaasikaso pa si Momoka-san". Nag smile naman si Kogure "Hwag mo na ako pino po, i feel old ang galang mo naman" pagbibiro pa nya. Nakahawak si Haruko sa desk kinakausap sya ng nurse at ipinapaliwanag ang ibang instruction kapag nakauwi na sya ng bahay, "Doc Kogure salamat po at pinasulat nyo sa braille para maintindihan ko pero mayroon din po ba regular lang para kapag bibili ako ng gamot". "Oo meron kakabigay ko lang kay Rukawa-san" paliwanag ni Kogure. Hinampas naman ng dalaga ang braso ni Kaede "Rukawa-kun, bakit hindi ka nagsasalita, nakakahiya kay Doc Kogure". "Excited ka kasi" comment ni Kaede at ngumiti.

.

.

.

.

"KYAAAHHH"
"Ang gwapo mo naman Sir"
"Hi!"

"Hindi ba si Kaede Rukawa yan, Oh em G! Ang swerte mo naman Haruko-chan"
"Teka boyfriend ba sya ni Haruko?"

Pinagkaguluhan ng mga babae na nurse si Kaede at mga nagpapacute. Tumingin naman ang iba kay Haruko at inaantay ang sasabihin nito. Ngumiti naman si Haruko at nalungkot ang nurses hindi naman ito nagtagal at nabuhayan ulit sila. "Hindi ko po boyfriend si Rukawa-kun".

"KYAAAAHHHH!!"
"More chances for us! Notice us sempai!"
"Hahaha"

Natatawa naman si Haruko dahil kahit hindi nya nakikita ay nararamdaman nya na hindi comfortable si Kaede. Ang binata naman ay nahihirapan na dahil sinisiksik siya ng mga nurse. "Nurses, please hwag nyo pagkaguluhan si Rukawa-san. On duty kayo" pagpapakalma ni Kogure. Nilubayan naman ng mga nurse ang binata at humingi ng paumanhin.

"Thank you Doc Kogure. Aalis na po kami ni Haruko" pagpapasalamat ni Kaede
"Sige Mag iingat kayo" wika ni Kogure

Lumapit muli si Kaede kay Haruko at otomatiko naman iligay ng dalaga ang kanyang kanang kamay sa braso ng binata. Nag paalam na din si Haruko sa kanila. Naglalakad ang dalawa papunta sa elevator. Saglit lamang ang inantay nila at tumunog na ito. Sumasara na ang pinto ng narinig ni Kaede ang sinabi ni Kogure at pag sang ayon ng mga nurse "Bagay si Rukawa-san at Haruko". Hindi maiwasan mapangiti ng binata habang nakikinig sa kini kwento ni Haruko.

-END OF FLASHBACK-

          "Pwede ba tigilan mo na pagtawa, or gusto mo yung nangyari sa akin kanina?" tanong ni Kaede. Nasa sasakyan na sila at papunta na ng Police Station. Pinunasan naman ni Haruko ang ilalim ng mata nya dahil napaiyak na sya kakatawa "Sorry na Rukawa-kun, naiimagine ko lang kasi. Siguro nga gwapo ka para pagkaguluhan ka ng mga nurse. Sayang nga lang hindi ko nakikita ang itsura mo". Natahimik naman si Kaede sa sinabi ni Haruko, nag aalala sya dahil hindi pa din bumabalik ang paningin ng dalaga.

"Bakit tahimik ka?"
| "Tahimik naman talaga ako"

          Sinabi ni Haruko na alam nya na may gumugulo sa isip ng binata at hwag na nya itanggi pa ito. Nag give up na si Kaede at sinabi ang nasa isip "Nakita ko na nagpahid ka ng luha, naalala ko ang paningin mo at hindi ko akala na kahit hindi ka nakakakita ay may luha ka din pala". Tahimik lang si Haruko, tinake ni Kaede na na offend nya ang dalaga kaya humingi agad sya ng paumanhin. Umiling naman si Haruko "No, I'm not offended, don't worry Rukawa-kun. Yes, may ability pa din ako lumuha hindi naman affected ang lacrimal gland ko". Napakamot ulo naman ang binata naintindihan ni Haruko ang dilemma kaya ipinaliwanag nya "Lacrimal gland is responsible in the release of fluids or tears natin". "Aa" ayan lang nasabi ng binata. Dahil sa maikling tugon ni Kaede, hindi maiwasan ni Haruko na mapatawa.

.

Echoes in the NightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ