Chapter 80

58 4 5
                                    

Panay ang pag padyak ni Kaede sa pedal ng kanyang bisikleta. May dalawang oras pa bago magsimula ang klase nya ngayong umaga kaya naman naisipan nya puntahan muna ang isang lugar na tinuturing nya mahalaga simula ng tumira sa bansang Sweden. Ala-sais pasado na ng umaga ngunit hindi pa rin sumisikat ang haring araw katulad ng balita ukol sa panahon kagabi. Napansin din ng binata na wala pa gano'n kadami mga sasakyan sa oras na ito ngunit nagsisimula na magsilabasan ang mga tao sa kani-kanilang tahanan para simulan ang mga gawain nila para ngayong araw.

Kahit na hindi pa ganoon katagal ang pamamalagi nya sa bansang ito ay masasabi nya na madali nyang nakabisado ang mga daan at mga pasikot-sikot dahil na rin sa mga signage na mga nakakabit sa bawat kanto. Isa pang nakatulong kay Kaede ay ang mga illustrations na kahit sa Japan ay nakikita nya kaya naman naging pamilyar na sa kanya ng mabilis ang mga ito. Paakyat na sya ng isang burol kaya naman saktong pwersa lamang ang ginamit nya sa pagpedal para hindi mamulikat ang mga binti. Nang nasa pinka tuktok na ay pinadausdos na nya pababa ang bisikleta, ito ang masasabi ni Kaede na adrenaline na namimiss nya sa pag bibisikleta. Madalang na nya ito magawa simula ng naging firefighter volunteer sya, kaya naman laking pasasalamat nya sa ama ng maisipan nitong ipadala dito sa Sweden ang bisikleta nya.


Hindi nakatakas sa obserbasyon ni Kaede na mas marami ang gumagamit ng bisikleta bilang transportasyon dito kumpara sa mga pribadong sasakyan. Sa kanya rin palagay ay mas gugustuhin rin ng mga tao ang mag bisikleta kung maganda at maayos na kapaligiran ang bubungad sayo. Bukod dito kapansin pansin din ang sariwang hangin. Nahagip ng mata ni Kaede ang isang signage kaya naman mabilis nyang pinahinto ang bisikletang ginagamit, muntikan pa syang bumangga sa poste na mabuti na lang at naiwasan nya kahit papaano.

Napakamot ulo ang binata at panay ang lingon sa palagid, sa sobrang pokus pala nya sa iniisip ay lumagpas na sya sa pupuntahan. Agad sya bumaba ng bisikleta para maglakad na lang pabalik sa nilagpasan. Saglit nya pinark ang bisikleta sa espasyo na nasa gilid lamang ng establishment.


KLANG...

Tunog ng bell ng binuksan ni Kaede ang pintuan ng post office. Bumungad din sa kanya ang ilan empleyado na nag sasalansan ng mga packages at mga samu't saring liham. Hindi nya kinalimutan na magpabatid ng 'good morning' sa mga narito. May isang oras pa bago magbukas ang opisina ng post office pero dahil kilala na at madalas na pumupunta ang binata dito kaya naman pinapatuloy agad sya.


"Hey... Look who's back!!"
"Good morning to you too, pal!"

Tumango lang si Kaede at dahan dahan naglakad hanggang tumapat sya sa receiving table na kung saan nagsilbing harang sa mga tao at sa kabuuan ng post office. Sanay naman ang mga taga post office na hindi pala-salita ang kaharap nila, napag alaman nila na si Kaede ay isang Japanese at napadpad sya ng Sweeden dahil sa kagustuhan ng lolo nito na mag aral sya ng pottery. Sa palagay rin nila ay hindi pa ito matatas sa lengwahe nila kaya naman sila na ang gumagawa ng paraan para maging komportable ang binata.


"Sir... Do I have a letter this time?" malumanay na pagtatanong ni Kaede


Ang nakaupo sa computer chair ay humarap sa binata at nag thumbs up "Hey! Dude!! Give them all to this young lad!". Kita mismo ng mga mata ni Kaede ang pagkuha ng head officer sa staff nito ang isang may katamtamang laki na basket na may label na 'recent' at maingat na pagkuha nito ng liham na hinihintay nya. Ang hindi nya inasahan ay hindi lamang pala isa ang matatanggap nya kung hindi tatlong liham pati na rin ang isang maliit na kahon. Bumalik ang tingin nya sa taga post office.


"These two were delayed due to the thunderstorm last week...
And here is the recent one together with this box" pagpaliwanag ng head officer


 (Tumango naman si Kaede... ang pag grunt sa lugar na ito ay tinuturing na kawalang modo kaya hindi nya ito ginawa)

"Are these from your girlfriend?" pag intriga naman ng isa pang taga post office na tinabihan ang boss
"Yes..." tugon ni Kaede


Nagkatinginan naman ang mga taga post office at maya maya pa ay nag hiyawan, inawat naman sila ng kanilang supervisor at ipinaliwanag kay Kaede. Ayon dito natuwa sila na may mga kabataan pa pala na nagpapadala ng liham sa mga mahal sa buhay lalo na sa panahon ngayon na nauuso ang pag uusap sa internet at nababalewala na ang importansya ng mga post office tulad nila. Hinikayat pa ng head officer si Kaede na magpadala pa ng maraming liham papuntang Japan para marami rin pagkakataon na makapag padala ng liham pabalik ang kasintahan nito.


"To tell you what, if ever she steps foot here in Sweden,
Introduce her to us!" sabi ng head officer na sinang ayunan naman ng mga empleyado


"...Okay... but I'll read these first..."

Echoes in the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon