Chapter 48

45 2 0
                                    

           Nagsimula ang duty ng mga firefighters ng normal, nag kwentuhan ang ilan partikular ang grupo na nag respond sa mga nasunugan. Umalingawngaw sa buong opisina ang boses at halakhak ni Sakuragi. Ang mga boys naman na nag handle ng mga reports and documents ay tahimik lang at nagfocus sa pag validate and pag encode ng mga reports na kailangan nila sa nalalapit na meeting , sanay na sila sa kwentuhan sa environment nila sa trabaho, ang sabi nga ni Mitsui "Hindi maging tahimik ang fire station natin hangga't nandito si Sakuragi" na sinang ayunan naman ng lahat. Kahit iba't iba ang work schedule ng firefighters, pagsapit ng 6am ay almost kumpleto na ang duty ng morning shift, yung iba ay pumapasok ng mas maaga kaysa sa oras na indicated sa schedule nila, naka ugalian na nila ito lalo na at hindi nila masasabi kung kailan -- eksaktong oras magkaroon ng emergency, si Rukawa lang tangi sumunod sa oras ng pasok ayon sa schedule nito. Kahit si Sendoh kahit late minsan ay mas maaga pa rin pumasok kay Rukawa, kaya naman ng isang oras minuto bago mag alas syete ng umaga araw ng lunes dumating si Rukawa ng opisina ay hindi makapaniwala ang mga katrabaho ng binata, mas lalo na nang nagbigay bati siya ng "Good morning" sa lahat.

              Nagkatinginan naman ang binansagan ni Maki na mga pasaway sa fire station, sila Sakuragi, Miyagi, Mitsui at Sendoh, ramdam nila na may something kung bakit pumasok si Rukawa ng maaga, hindi nga lang nila alam kung ano ito. Kilala nila ang kaibigan at alam nila na mabagal ito kumilos parang snail except kapag may inaapula na sunog "Counted na si Haruko-chan" bulong ni Sakuragi sa mga kausap, na sinang ayunan naman nila. Poker face lang si Kaede na nagtungo sa kanyang cubicle, at nagsimula na buksan ang desktop nya, alam nya na nagtataka ang mga katrabaho lalo na mga kaibigan nya kung bakit sya pumasok ng maaga pero wala syang pakialam sa iniisip nila lalo na at good mood sya. Sino ba naman ang hindi maging good mood kung official in a relationship na kayo ng taong mahal mo, hindi nya namalayan na nag smirk sya habang nag scroll sa kanyang email. Nagkatinginan na naman ulit ang boys, nasa isang sulok sila at nagkumpulan.

"May something kay Rukawa... hindi yan pumapasok ng mas maaga kaysa sa work sched nya " comment ni Sakuragi
"Oo.. hindi mo yan mapapasok ng maaga, mas lalo hindi yan bumabati ng "Good morning" " pag sang ayon naman ni Mitsui

"Si Sendoh nga kahit laging late, maaga pa rin yan pumasok kaysa kay Rukawa" wika ni Miyagi
"Hindi pa rin ako late dahil mas maaga ako pumasok kaysa work sched ko" pagtatanggol ni Sendoh sa sarili

"Ayun oh... parang ngumiti pa... smirk pala... may something talaga" sigurado si Mitsui na may nangyari kung bakit maaga pumasok si Rukawa
"Baka naman hinatid nya si Haruko sa hospital kaya maaga sya pumasok" comment ni Miyagi

"Hindi... 7:30 am pa pasok ni Haruko... masyado maaga kung ihatid ni Rukawa si Haruko sa trabaho nito, at bago nyo tanungin, I know her schedule sinabi ni Nurse Kara hehe" paliwanag ni Sendoh at nagtawanan naman ang boys, inakbayan ni Mitsui si Sendoh at inasar tungkol sa relationship nila ni Kara

"Tanungin ko kaya..." comment ni Sakuragi

             Tatayo na sana si Sakuragi upang lapitan si Rukawa ng dumating si Maki "Sakuragi... kung ano man yang pinaplano mo tigilan mo yan", napakamot ulo naman si Sakuragi "Chief... ako na naman nakita nyo, bakit alam nyo ba ang plano ko? Hehehe". Napailing na lang si Maki, kilala nya si Sakuragi sigurado sya na guguluhin nito si Rukawa "Nalaman ko kay Kaname na maaga pumasok si Rukawa ngayon at binati pa kayo ng 'good morning'" paliwanag ni Maki at naglakad patungo sa cubicle ng pinaguusapan ngayon "Rukawa, mabuti naman naisipan mo pumasok ng maaga kahit ngayon lang, sana ipagpatuloy mo yan..." hindi natapos ng Chief ang sasabihin "Chief!!! How could you, kami na pumapasok ng maaga wala man lang compliment" comment ni Miyagi at Mitsui "Oo nga Chief" pag sang ayon ni Sendoh. "First time lang pumasok ni Rukawa ng maaga simula ng nagtrabaho sya dito... Ikaw naman Sendoh technically hindi ka late dahil mas maaga sa work sched mo ikaw pumapasok... Kaya hindi nyo ako masisi. Na i-compliment si Rukawa" pagtatanggol ni Maki sa sarili "Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa inyo" bahagya sya nainis sa kinikilos ng mga pasaway na staff, nagtawanan naman ang lahat ng nakaduty sa sinabi ni Maki, "Mabalik tayo sa usapan, anong dahilan ng pagpasok mo ng maaga?" pag address nya sa Captain responder nila nag aabang naman ang lahat lalo na ang grupo nila Sakuragi sa isasagot ng kaibigan, bahagya inilapit ng apat ang mga tenga nila para marinig maigi ang isasagot ni Rukawa "Hn" tugon ng binata.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now